C-8: Araw ng mga puso o araw ng bangayan?

1262 Words
Valentine's pala ngayon, for sure marami na namang nakatanggap ng mga bulaklak at mga chocolates. Marami ang nagde- date na mga magkasintahan at for sure din pati mga kabit sa tabi- tabi naghihintay ng oras ng lover nila. Napaismid si Aqua sa kanyang mga iniisip at nag-inat sabay bangon. Mabuti na lang at Saturday, tiyak niya makakaiwas siya sa mga manliligaw niyang magbibigay na naman ng kung ano-ano. Dumiretso siya sa bathroom niya at naghilamos saka nag-sepilyo. Nang maayusan nito ang sarili at mailigpit ang hinigaan ay nagpasya na siyang lumabas ng kanyang kwarto. "Good morning, Aqua!" Masayang bati ni Logan sa dalaga nang magkasalubong sila sa hallway. "Good morning, Kuya! Mukhang may lakad ka ah!" sagot ng dalaga sabay hagod ng tingin sa binata. Natawa naman si Logan. "It's Valentine's day! May date ako, ikaw wala ba?" "Wala, at hindi ako intersado sa Valentine's day na 'yan kasi Mama ang lagi kong date. Sad to say, hindi pa siya nakakabalik mula sa honeymoon nila ng Daddy mo." Patay malisyang tugon ni Aqua. "Wala ka bang suitor?" "Marami," "Boyfriend?" "Not interested, study first. Wala pa kasi akong maipagmamalaki sa mga nanlait sa amin." Natapango- tango naman si Logan saka napailing-iling kinalaunan. "Sayang ang ganda mo niyan," "Wala akong pakialam. Kung hindi ma- meet ng suitor ko ang aking standard then better to back off." Muling natawa si Logan. "Alright sister, don't be mad and don't be always mataray okay? Baka tatandang dalaga ka niyan, anyway mamaya na lang 'yong gift ko sa'yo. I need to go, naghihintay 'yong ka- date ko eh!" "Okay, ingat!" Iyon lang at nawala ng parang bula si Logan, dumiretso naman sa kusina si Aqua. As usual, nadatnan na naman niya si Bambi na naghahanda ng almusal. "Good morning, Senyorita saka happy Valentine's day po." Nakangiting sabi ng dalaga. "Bambi, anong sabi ko sa'yo kapag dadalawa lang tayo? Pero, salamat likewise to you," sagot ni Aqua. Kimi namang ngumiti si Bambi. "Naku, huwag na po kayong magalit sanayan lang Senyorita." Giit nito. "Nakakailang kasi," giit ni Aqua. Sa totoo naman kasi, talagang hindi siya sanay nakakailang. At parang pakiramdam niya ay tumatama ang sinasabi ni Hiro na gold digger siya sa tuwing tinatawag siyang Senyorita. "Hi! Good morning, happy Valentine's day!" masayang bungad ni Adrian nakabihis din ito kagaya ni Logan kanina. Kaya nakakatiyak si Aqua, may date ang binata. "Same to you, may date ka din ano?" sagot ni Aqua. "Oo eh! Ayoko sana kaya lang baka umiyak 'yong babaeng patay na patay sa akin. Alam mo na, ayokong makonsensiya ako!" Pilosopong wika ni Adrian sabay dampot ng sandwich at kinagatan ito. Nang malunon ay tumungga ng orange juice saka nagpahid ng tissue sa bibig. "Yabang mo naman, saka goods din 'yan huwag kang magpaiyak ng babae." Sagot naman ni Aqua. "Sino bang may sabing gusto kong magpaiyak ng mga babae? Minamahal ko sila, sa sobrang pagmamahal ko lahat sila pinapaligaya ko!" "Yucks kadiri ka! Panloloko pa rin iyon," giit ni Aqua. Napakamot naman si Adrian sa sarili nitong ulo. "Ano naman ang masama doon?" "Masama talaga ang pagiging playboy, hinay- hinay lang baka ka karmahin sa dulo." "Hey, why are you mad? Wala ka bang ka- date? Para mahanapan kita," "No, but thanks!" Gigil namang tugon ni Aqua. Napahagalpak naman ng tawa si Adrian sabay iling-iling. "Huwag ka ngang pakialamero sa love life ng iba, Ady." Mula kung saan ay nagsalita si Hiroshi. Nakabihis din ito kaya tiyak may date din ito ngayong Valentines. "Oh, brother! May date ka din? Hindi ko naman pina-pakialaman ang love life ni Aqua eh! Bagkus, tinutulungan ko siyang magka- love life, right?" Rason naman ni Adrian. "For what? Pagkatapos ikaw ang sisissihin kapag hindi nag- work?" magkasalubong naman ang mga kilay Hiro. "Eh..'di sumubol ulit ganoon lang iyon!" "Cut the crap!" angil naman ni Hiro. Lihim tuloy na napaismid si Aqua sabay ikot ng mga mata nito. "Don't worry, Kuya Adrian. I'm still young, wala pa isipan ko ang love life na iyan. Gusto ko munang maging successful bago ako magkaka- love life." Singit naman nito. "What?! Sa ganda mong iyan? Wala kang naging boyfriend since birth?" Gulat namang bulalas ni Adrian. "Wala po. Pero manliligaw, marami sila kaya lang hindi sila nakapasa sa mga standards ko." Pagmamalaking sagot ni Aqua. "What's the matter of having standards while you have nothing to be proud of?" sarkistong sabi ni Hiro na tumingin kay Aqua. Naningkit naman ang mga mata ni Aqua pero kalmado niyang tiningnan si Hiro habang hawak ang isang hotdog. "May maipagmamalaki ako kaya nga nag- set ako ng standard when it comes to men. Mahirap na baka ako magkamali, gusto ko kasi 'yong first boyfriend ko ay siya ng magiging asawa ko in the future." Aniya sabay subo ng hotdog at umalis na sa hapag-kainan. Dinig na dinig ni Aqua ang malakas na tawa ni Adrian habang papalayo ito sa dining room. Umuusok naman ang mga tainga at ilong ni Aqua sa inis kay Hiro. Kaya napag-pasyahan din nitong umalis ng Mansyon. Bago ito gumayak ay tinawagan muna niya si Shiela para mag-bonding silang dalawa kahit wala naman sana siyang balak gumala sa araw na iyon. "Ikaw naman, Kuya ininis mo na naman si Aqua. Baka mamaya niyan magsumbong siya kina Daddy." Himutok ni Adrian kay Hiro ng wala na ang dalaga. "It's your fault also nangingialam ka kasi," sisi naman ni Hiro. "Hala, bakit ako?" "Tinuturuan mo siyang lumandi," "Landi agad? Sa palagay mo, lalandi siya sa lagay niyang iyon? Saka, you're the one who set the fire," "Enough, lumakad ka na borloloy!" singhal naman ni Hiro. Nag- kibit balikat na lamang si Adrian kapagkuwan ay iniwan na nga nito si Hiro. Si Hiro na hindi date ang pupuntahan nito kung hindi sa kanyang comfort zone since he was a teenager. Dahil siya na lang ata ang nakaka-alalang i- date every Valentine's day ang pinaka-mahalaganh babae sa kanyang buhay. "Biglaan yata ang lakad natin? Akala ko ba studying ka at mamayang hapon ay dadalawin mo ang Papa mo?" tanong ni Shiela nang magkita na sila ni Aqua. "Nakakabanas kasi sa Mansyon. Puro mga kwago ang nakatira doon," inis na sagot ni Aqua. "Aba, kwago na din kung ganoon!" natatawang sabi ni Shiela. "Gusto mong humiram sa aso ng mukha? Ipagpatuloy mo lang akong asarin, Shiela may kalalagyan ka." Irap ni Aqua sa kaibigan. "Ikaw, naman nagbibiro lang ako. Paano ka magkakaroon ng boyfriend niyan eh ikaw yata ang lider ng mga Amazona!" "Ako talaga, para may katapat ang mga lalaking mandurugas!" "Hindi ka naman heart broken, bakit ganyan ka?" "Nagsasabi lang ako ng totoo kahut hindi ako heart broken." "O, siya tama na nga! Huwag mo na akong idamay sa inis mo sa mga kwagong kasama mo sa Mansyon. Magsaya na lang tayo, sasamahan kita mamayang hapon sa pagdalaw kay Papa mo." Pag-awat ni Shiela kay Aqua. "Talaga? Salamat kung ganoon, at salamat ulit dahil hanggang ngayon iniintindi mo pa rin ako kahit ganito ang ugali ko." Biglang liwanag ang mukha ni Aqua. "Ano ka ba? Friend na tayo noon pa man nasanay na ako saka hindi ka naman araw-araw na tinotopak eh!" Nakangiting sagot ni Shiela. "Bruha!" bulalas naman ni Aqua saka sila sabay na nagkatawanan. Kapagkuwan ay sabay na din silang nagpunta sa park para naman mag-enjoy silang dalawa sa araw na iyon. Kakalimutan na muna nila ang mga isyu sa kanilang mga buhat. After all ay araw naman ng mga puso kaya dapat masaya ang buong araw ni Aqua. Inalis na muna niya ang pagka-inis at pagka-banas kay Hiro na kontrabida ng kanyang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD