C-9: Galit si Haring Kwago

1344 Words
Hindi maiwasan ni Aqua na mainggit sa mga batang may mga Tatay sa park. Galing na siya sa puntod ng kanyang Papa. Naibahagi na niya ang lahat ng kanyang mga hinanaing sa buhay. Nasabi na din niya ang lahat ng mga nangyari sa kanilang buhay ng kanyang Mama. Ikinuwento din niya ang kanyang mga araw-araw na karanasan sa buhay. Sinulit na niyang kinuwentuhan ang kanyang Papa dahil alam na naman niyang medyo matatagalan bago siya makabalik doon. Nagpaalaman na nga sila ni Shiela na umuwi na kaso doon siya sa park dinala ng kanyang mga paa. May Papa naman siya noong maliit siya kaso noong magha- highschool na ay namatay na ito dahil sa aksidente. Na magpa- hanggang sa mga sandaling iyon ay wala pang kalinawan kung ano nga ba ang dahilan ng aksidenteng iyon. Kung sino - sino ba ang mga may kasalanan, nabaon na yata sa limot ang case ng aksidenteng iyon na kinamatayan ng marami including her Papa. Nauntag ang pagmumuni- muni ni Aqua sa pagtunog ng kanyang selpon. New number ang tumatawag kaya kunot noo niya itong tinitigan. Hindi pa naman siya 'yong taong basta-basta sumasagot sa mga new number na tumatawag. Pero, dahil nakita niyang marami na pala itong missed calls kaya sinagot na niya. "Where are you? I've been calling you so many times and yet you didn't answer your phone!" talak ng nasa kabilang linya. Nagsalubong ang mga kilay ni Aqua. "Sorry?" aniya. "Aqua, don't play anymore! Where are you?" May inis sa boses ng lalaki at parang pamilyar sa kanya ang tinig nito. "Hiro?" "Sino pa nga ba sa akala mo?" Mataray na naman ang boses ng binata. "Teka, kanino mo nakuha ang number ko?" Naguguluhang tanong ni Aqua. "Need ko pa sabihin? Where are you? Wala ka bang orasan para hindi makita kung ano na ang oras?" "Ha?" bulalas ni Aqua sabay tingin sa suot niyang relo. Nanlaki ang mga mata ng dalaga dahil mag- eleven na pala ng gabi. Ganoon na ba talaga siya katagal sa Park na iyon? Eh...six thirty sila nagkahiwalay ni Shiela kanina. "Wait..bakit ka galit?" "Sino ang hindi magagalit? Oras pa ba ng uwi ng isang dalaga iyan? Iniwan ka lang namin dito sa Mansyon hindi ka nagpaalam na lalabas ka pala. Kung hindi ko pa tinanong sa mga katulong kung bakit pa sila gising hindi ko pa malalaman na lumabas ka pala." Sermon ni Hiro. "So, need ko pang magpaalam sa'yo kung lalabas ako ganoon?" "It's not that, maawa ka naman sa mga pagod na katulong! Need na nila magpahinga and yet nag- i- enjoy ka diyan sa labas habang sila hinihintay ka? Hanggang anong oras mo sila paghihintayin? Next time, you have to tell us so that you can bring your own key," Parang nabuhusan ng tubig si Aqua. Oo nga pala, hindi na siya ordinaryong tao na uuwi hanggang anong oras gustuhin niya kasi kakatok lang siya at pagbubuksan na lang siya. Nasa Mansyon na pala siya, may mga guwardiya, mga katulong at kung ano- ano pa. "Sorry naman nakalimutan ko," "Childish ka talaga, wala kang konsiderasyon!" "Hoy, mayroon naman nakalimutan ko talaga! Sorry na nga eh," giit ni Aqua. Narinig niya ang buntonghininga ng binata. "Alright, tell me where you are!" Medyo lie low na din ang boses ni Hiro. Nakasimangot na sinabi ni Aqua ang exact address kung nasaan siya. Pinagalitan niya din ang kanyang sarili dahil sa nakalimot siya. Kung bakit kasi bigla na naman siyang naging malungkot at binalikan na naman ang nakaraan. Hayan tuloy, may nagalit na namang kwago dahil sa kanyang kagagawan. "Ay, kwago!" tili ni Aqua nang may tumapik sa kanyang likuran. Paglingon niya si Hiro pala iyon. "What did you say?" "Ha? Ahm..wala! Ginulat mo kasi ako kaya ko nasabi iyon." Pagkakaila ni Aqua dahil naiwan sa kanyang isipan ang salitang kwago at aksidente niyang nabigkas. "Let's go, ang dami mong alam!" Angil ni Hiro sabay irap sa dalaga. "Marami naman talaga akong alam," Huminto si Hiro sa paglalakad nito at hinarap si Aqua. "You.. shut up your mouth! Ang hilig mong mangatwiran kahit wala ka naman sa lugar," Singhal nito. "At anong tawag mo sa kinaroroonan natin, hindi ba lugar?" Napapikit si Hiro na waring nagtitimpi sa inis kay Aqua. Banas na banas ang mukha nitong tumitig kay Aqua. "Ewan ko sa'yo!" anito at tinalikuran na ang dalaga. Lihim namang napangisi si Aqua, kuhang- kuha niya kasi ang inis ni Hiro. Para sa kanya, siya ang nagwagi para siyang nanalo kapag nakikita niyang hindi malaman ni Hiro kung ano ang ipupukol niyang salita kay Aqua. Kaya taas noo niyang sinundan ang nag- aalburutong malaking kwago. "Sorry!" sincere na apologies ni Aqua kay Bambi na siya palang naghihintay sa kanya. "Okay lang Senyorita! Gusto niyo pong kumain?" nakangiting sagot ni Bambi. "Hindi na, bukas na lang! Saka, busog pa ako," "You should eat! Kung magka- ulcer ka sinong sisisihin?" biglang sabad ni Hiro na nakapasok na pala mula sa parking area. Ito na din ang nag- drive na sumundo kay Aqua walang dalang driver. Giit ni Hiro, time to rest na ang mga driver pati na mga katulong. "Sige, kakain na lang ako ng pagkain kaysa kakain ako ng malulutong na sermon." Nakangiwing turan ni Aqua sabay lakad papuntang dining room. "Anong gusto mong ulamin?" tanong naman ni Bambi na nakasunod sa dalaga. "Kahit na ano basta nalulunok ko," mabilis na sagot ni Aqua. Natawa naman si Bambi sabay hain ng pagkain ni Aqua sa mahabang mesa. "Ikaw kasi eh!" wika ni Bambi. "Ha! Anong ako? Bakit?" Nagtatakang tanong ni Aqua. "Maagang umuwi ang tatlong iyan. May dala- dalang cake at mga flowers para sa'yo. Nagpaluto sila ng mga paborito mong ulam para daw masaya ang first ever day mo dito sa Mansyon during Valentine's day. Eh..hindi ka nahintay hayun, nag- ihaw- ihaw sila sa labas ng barbecue at nag- inom na lang." Mahabang saad ni Bambi. Napanganga tuloy si Aqua. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Bambi sa kanya. "Wala naman kasi silang sinabi," katwiran ni Aqua. "Kasi nga surprise sana," Kagyat na katahimikan. Natitigan tuloy ni Aqua ang mga nakahaing mga pagkain sa mesa. Totoo ngang mga paborito niya ang mga iyon. Adobong pusit, pinakbet, inihaw na tilapiya at bangus. Tapos may sarsiyado pang kamatis na may itlog. Ilan lang iyon sa mga gusto niyang ulamin wala pa ang iba. Napaisip tuloy si Aqua kung saan nakuha ng kanyang mga Kuya ang mga iyon lalo na ang kanyang cellphone number. "Na- guilty tuloy ako, sorry talaga." Sabi na lamang ni Aqua. Ngumiti naman si Bambi. "Bawi ka na lang bukas! Ikaw na mag- isip kung ano ang gagawin mo para mawala ang tampo nila," sabi nito. "Sige, salamat! Pero, saan nila nalaman ang mga paborito kong pagkain pati number ko sa selpon?" sagot ni Aqua. "Iyan ang hindi ko na alam. Sige, kumain ka na para makapagpahinga ka na din." Wika ni Bambi. "Salamat talaga! Okay na ako, mauna ka na doon ako na ang bahala dito." Masayang turan ni Aqua. "Naku, hindi puwede! Baka magalit si Senyorito Hiro," tutol ni Bambi. "Hindi iyan! Parang parusa ko na din ito saka sanay akong maghugas at magligpit. Sige na, matulog ka na doon!" giit ni Aqua. "Sigurado ka ba? Baka kasi mapagalitan ako," mag- aalangang sabi ni Bambi. "Sigurado ako! Ako na ang bahala," "Sige, sabi mo eh!" "Oo, okay lang!" At nauna na ngang umalis si Bambi. Habang si Aqua ay kumain na din, dahil sa natural lang sa kanya na maganang kumain naparami na naman ito. Pagkatapos ay naghugas saka nagligpit, pinatay ang mga ilaw sa dining room at kitchen. Muli pa nitong sinigurado na okay na ang kitchen at dining room bago nagpasyang pumanhik na rin sa sarili nitong kwarto. Nagpalit ng damit at nahiga na pero nanatiling nakatingin ang mga mata nito sa ceiling light. Napapaisip pa din ang dalaga sa surprised sana ng kanyang mga step- brothers sa kanya kanina. Kaya guilty to the max talaga si Aqua at nag- isip ito ng paraan para naman makabawi siya bukas sa kanyang mga Kuya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD