bc

Criselda: A Mafia Royalty

book_age18+
1.2K
FOLLOW
5.7K
READ
adventure
kickass heroine
boss
princess
royalty/noble
mafia
tragedy
kicking
hackers
crime
like
intro-logo
Blurb

Si Criselda ay anak sa labas ng isang Mafia boss at ng isang hacker. Her mother was killed by her father's legal wife. Because of this, she's determined to avenge her mother's death by taking over the mafia her father once led. She manipulates everyone around her to help her achieve her long-awaited dream to take revenge. Magtagumpay kaya siya?

chap-preview
Free preview
Prologue
Madilim ang paligid. Tanging mga computer screens lang ang nagsisilbing liwanag sa buong kwarto. Sa harap ng mga ito, naroon ang isang babae. Magulo ang ayos ng kanyang buhok at abala ito sa pagta-type sa harap ng kanyang computer.   "Vince Lim," ani nito. Nakatingin siya sa isang litrato ng isang lalaki na halos kaedad lang niya na nasa monitor ng computer. Agad namang may lumabas na mga papel sa printer at dali dali niya itong kinuha.   Binabasa niya ang mga nakasulat sa papel na yon at saka tumango-tango. Mga impormasyon tungkol sa negosyo ni Vince ang laman ng papel. Nakahanap na naman siya ng bagong negosyong nanakawan.   "Mapapasakin ang lahat ng nasa ‘yo.” Isang mapusok na ngiti ang naglagi sa kanyang mga labi.   --   Patingin-tingin siya sa paligid. Nasa isang party kasi siya at hinahanap niya si Vince Lim. Nakita naman niya ito agad, nakikipag-usap ito sa dalawang lalaki na may kaedaran na.   Inilapag na niya ang wineglass na hawak niya sa mesa at lumapit kay Vince Lim.   "Gentlemen, can I talk to Mr. Lim for a minute?" Walang takot niyang sinabi sa mga lalaki. Sila kasi yung mga 'elders' sa Mafia na kinabibilangan ni Vince. Tumango naman ang mga lalaki at sumama naman si Vince sa kanya.   "Anong ginagawa mo dito? Nandito si Lani. Baka makita ka niya." Natatarantang sabi ni Vince sa kanya. "Hindi ba't sinabi ko na wag ka munang lalabas? Alam na niya ang tungkol sayo."   "Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nalaman ko lang kanina… buntis ako,” sinabi na niya ang dapat niyang sabihin. “Buntis ako Vince."   Maiguguhit ang pagkabigla sa mukha ni Vince. Agad namang niyang kinuha ang kanang braso ng dalaga at dinala sa sulok, kung saan walang makakarinig na tao.   "Krizelle, hindi ito ang tamang panahon para sa mga biro mo. Alam kong gusto mong magkaanak tayo. Gusto ko rin na-" Hindi na naituloy ni Vince ang kanyang sasabihin.   "Hindi ko gagawing biro ang ganitong balita, Vince. Natatakot ako, hindi ko lang talaga alam kung anong gagawin ko." Tumutulo na ang luha sa mga mata ni Krizelle. Nagbunga ang pag-iibigan nila. Nagbunga ang bawal na pag-ibig nila.   "Kailangan mo nang lumayo,”ani ni Vince habang pinupunasan nya ang mga luha niya. Napatingin din siya sa tiyan ni Krizelle at lumambot ang ekspresyon niya sa mukha. “Hindi na kayo ligtas dito.”   Ang hindi nila alam… may mga matang nakatingin sa kanila.   ---   Nagmamadali sa pagmamaneho si Vince. Papunta siya sa kinaroroonan ni Krizelle at ng anak nila. Nagulat nalang siya nang biglang may tumawag sa cellphone niya, sinagot naman niya ito agad.   "Napatawag ka?"   "Nasaan ka? May emergency meeting tayo.” There’s a sense of urgency sa tono ng asawa niyang si Lani.   "Hindi ako makakapunta, may mas importante pa akong dapat gawin," palusot ni Vince.   "May mas importante pa kesa sa meeting na 'to? Ano naman yan ha, Vince Lim?" Mayroong pagdududa sa tono ni Lani.   "Nagkakagulo na daw yung mga tao sa planta natin sa Quezon. Kailangan kong ayusin ‘yon agad bago pa makarating sa media." Pinag-isipang mabuti ni Vince ang mga sinabi niya. Mabilis kasing magduda ang asawa niya sa mga sinasabi niya.   "Sa Quezon na naman? Bakit hindi ba matapos tapos ang problema dyan?" Biglang naputol sa pagdadakdak si Lani, base sa tunog sa kabilang linya, mukhang kinausap ng secretary niya. "Aasahan ko ang pag-uwi mo mamayang gabi, Love." Ibinaba naman agad nito ang telepono.   Nagpatuloy lang sa pagmamaneho si Vince hanggang makarating siya sa isang bahay. Pumasok siya sa loob at nadatnan niya si Krizelle na nakatitig sa anak nila na ngayo’y dalawang taong gulang na.   "Mahal..." Nilapitan niya ang kanyang mag-ina at hinawakan ang bunbunan ng natutulog na bata.   Pinatahimik siya ni Krizelle, "Shh. Kakatulog niya lang."   Pinagmasdan nilang dalawa ang mahimbing na pagtulog ng batang babae. Payapa ang pagtulog nito na tila ba isang anghel.   Pumunta sila sa kusina at inabot ni Vince ang isang memory card kay Krizelle.   "Ano 'to?" nagtatakang tanong ni Krizelle sa kanya.   Inabot ni Vince and kanang kamay ni Krizelle at pilit binigay ang memory card. "Hindi ko pwedeng ipaubaya kay Lani ang Mafia,” sabi niya sa kasintahan.   “It has a program that requires the DNA fingerprints of both Criselda and Lance. Kapag nailagay nila iyon dito, the program will lead the way to our family heirloom. Sa iyo ko ipapaubaya ito dahil ayokong gamitin ni Lani ang Crest para sa sarili niyang kapakanan.”   "Bakit?" nagtatakang tanong ni Krizelle. Hindi niya alam kung bakit sa kanya ipapaubaya ni Vince ang importanteng bagay na ito. Isa lamang siyang small time hacker nang magtagpo ang landas nila ni Vince sa isa niyang heist.   "Look.” Napabuntong hininga si Vince. Mahirap para sa kanya ang mga susunod niyang sasabihin, “I have a lung cancer. Stage 4. Hindi ko alam kung hanggang kailan na lang ang itatagal ko kaya uunahan ko na si Lani."   "Bakit ngayon mo lang sinabi sakin 'to? Tapos ngayon gusto mo pang idamay ang anak ko sa mundo mo?”   Takot ang nangibabaw kay Krizelle. Hindi naman siya dating ganito. She was a free-spirited woman, conquering the internet with her hacking skills, winning over the government’s online surveillance. Simula nang manganak siya, naging priority na ni Krizelle ang kaligtasan ng anak laban sa mga kalaban niya… at ang mga kalaban ni Vince.   Alam niyang hindi maganda ang mundong ginagalawan nilang dalawa pero gusto niyang magkaroon si Criselda ng payapang buhay, malayo sa kinalakihan nilang mundo ni Vince.   "Krizelle, kailangan.” Vince tries to convince her, “Para sa kinabukasan mo, ni Criselda at ni Lance. Para sa kaligtasan nyo. Kapag si Lani na ang namuno sa Vexare, mapapahamak kayo."   Hindi sang-ayon si Krizelle sa sinasabi ni Lance. Pero wala siyang magawa. Kahit na gusto niya ng maganda at payapang buhay para kay Criselda, alam niyang pangarap na lang ito.   Kunin man niya ang memory card o hindi, kapag nawala si Vince, wala na silang proteksyon mula kay Lani.   Tahimik siyang umiyak habang inaalala ang kinabukasan nilang mag-ina. Niyakap naman siya ni Vince para patahanin.   ---   "Mommy, may mga lalaking naghahanap sayo dun sa tapat ng simbahan," sabi ng pitong taong gulang na batang si Criselda sa kanyang ina. Kakababa niya lang sa kanyang bisekleta, galing siya sa pakikipaglaro sa mga kaibigan niya sa plaza malapit sa simbahan.   "Ano? Anong itsura nila?" Madaling nilapitan ni Krizelle ang kanyang anak.   "Mga lalaki eh saka mukhang mayayaman yung mga yun! May sasakyan sila!" Excited sa pagkukwento ang bata.   Hindi alam ni Krizelle kung bakit may naghahanap sa kanya. Lumapit siya sa kanyang computer at nagsimulang magtipa sa keyboard niya.   “Sa tapat ng simbahan, sabi mo?” She’s trying to confirm the exact location of the people Criselda mentioned. Lumabas na lang sa screen niya ang live feed ng CCTV ng labas ng isang fast food chain na nasa tapat ng simbahan. Agad naman niyang namukhaan ang isa sa mga lalaki. Kasamahan ito ni Vince sa mafia.   Dali-daling tumayo si Krizelle at pumunta sa kwarto niya. Sinundan naman siya ng kanyang anak.   “Mommy?” naguguluhan si Criselda sa ikinikilos ng nanay niya.   Inabot ni Krizelle ang isang backpack sa anak. “Anak, kailangan na nating umalis dito. Kunin mo ‘to, ilagay mo yung mga favorite clothes mo diyan.”   "Opo Mommy." agad na sinunod ni Criselda ang nanay niya. "San tayo pupunta Mommy?"   Natigilan si Krizelle. Naitanong na rin tuloy niya sa sarili niya iyon. Wala silang mapupuntahan. Ilang beses na silang palipat-lipat, makaiwas lang kay Lani at sa mafia.   "Mommy?" nakita na naman niya ang inosenteng tingin ng anak niya, naghihintay sa sagot niya.   "Pupunta tayo sa Daddy mo." Ipinilit na lang ni Krizelle ang ngiti sa kanyang labi.   Napatingin naman sila sa pinto nang may kumatok.   "Mommy? Baka yung mga lalaking naghahanap sayo." Nagtago si Criselda sa likod ng kanyang ina.   "Anak, dumaan ka sa backdoor, mauna ka kay Mommy. Pumunta ka kay Manong Baning. Susunod si Mommy."   Sinunod ni Criselda ang utos ng Mommy niya. Pumunta siya sa kapitbahay nilang pulis. Hindi naman kalayuan ang bahay ni Manong Baning kaya nakarating siya agad roon at kumatok sa pintuan.   "Sino yan?" tanong ng isang lalaki.   "Manong Baning, si Crissy po!"   "Bakit ka nandito? Asan ang Mommy mo?" nagtatakang tanong ni Baning. Hindi naman pumupunta ang bata sa bahay nila nang mag-isa.   "Sabi niya po pumunta muna ako dito. May bad guys po kasing pumunta sa bahay. Tulungan niyo po si Mommy," sumbong ng bata. Nakaramdam ito na masasamang tao ang mga naghahanap sa kanyang ina, base sa reaksyon ng nanay niya.   Nanlaki naman agad ang mata ni Baning at agad na pinapasok ang bata.   "Anong meron?" nagtatakang tanong ng asawa niya na kakagaling lang sa kusina.   "Bantayan mo muna si Crissy. Huwag kayong lalabas ng bahay," utos niya habang kinukuha ang baril na nakatago sa bedside table mula sa kwarto nilang mag-asawa. Nabigla ang kanyang asawa at hinawakan siya sa braso.   "Giovanni, anong nangyayari?"   "Kailangan ni Krizelle ng tulong. Dito lang kayo baka mapano pa kayo." Saka siya lumabas ng bahay.   Patakbong pumunta si Baning sa bahay nina Krizelle. Alam niya ang lahat tungkol sa kanila ni Criselda. Malayo na rin ang napagsamahan nila ni Krizelle noon kaya bakas ang pag-aalala sa mukha niya.   Pagdating niya sa tapat ng bahay nina Krizelle, isang nakakapagtakang katahimikan ang sumalubong sa kanya.   Kumatok muna siya pero walang sumagot kaya dahan-dahan niyang binuksan ang pinto.   Nagulantang siya sa nakita niya, nakahandusay si Krizelle sa sahig, puno ng tama ng baril ang buong katawan nito. Nagkalat din ang dugo niya sa sahig.   Patay na si Krizelle. At ang unang pumasok sa isip niya...   "Vexare Mafia."   

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.5K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.8K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
962.2K
bc

My Secret Agent's Mate

read
114.9K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.3K
bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M
bc

Escaping from the Greek Tycoon (TAGALOG)

read
176.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook