Chapter 1 | Criselda Valdez

1891 Words
"Cris! Ano ba! Ang tagal mo!" tawag ni Baning sa anak nya. Papunta na kasi sila sa graduation ni Criselda sa college.   "Teka lang Pa!" Nasa kwarto naman niya si Criselda. Naglalagay siya ng make-up sa mukha niya. Nakasuot siya ng isang puting semi-formal dress at itim na heels. Nang matapos siya sa pagmemake-up, agad niyang kinuha ang maliit na itim na bag na nakalagay sa kama niya.   Nagmamadali siyang bumaba sa hagdan dahil alam niyang matanda at mainipin na si Baning. Nadatnan naman niya ito sa tapat ng isang silver na sasakyan, nakasimangot at nakakunot ang noo.     Nginitian niya ito, "Pa, graduation ko po. Hindi lamay.” Siniko niya ang matanda na para bang inaasar, “’Wag kang sumimangot dyan. Lalo kang nagmumukhang matanda eh.”   "Ang tagal mo, hihintayin mo pa yata akong mabulok dito bago ka lumabas ng bahay," reklamo ni Baning. Binuksan niy ang pinto ng driver's seat at pumasok na rin naman si Criselda sa passenger's seat.   "Pa, ang gwapo mo ngayon. Mukha kang nasa late 30's," compliment ni Criselda kay Baning nang makaupo na silang dalawa sa loob ng sasakyan. Ngumiti naman si Baning.   "Ikaw rin, anak. Mukha kang nasa late 30's," pang-aasar ni Baning kay Criselda nang maistart na niya ang sasakyan. Tawa ito ng tawa habang nagmamaneho.   "Papa naman!" hinampas ni Criselda ang balikat ni Baning at saka tumingin palayo na parang nagtatampo.   Lumaki si Criselda sa pangangalaga ni Baning. Kinupkop niya ang dalaga nang mawala ang kanyang ina sa maraming dahilan. Ang pag-aampon din kay Criselda ang dahilan kung bakit iniwan siya ng kanyang asawa noon pero hindi ito alintana ni Baning, may plano siya para kay Criselda at sa Vexare Mafia.   Ipinaalam nito sa dalaga ang nangyari kay Krizelle at pinalaki niya ito upang turuan kung paano maghihiganti laban sa kanila. May sariling dahilan din si Baning kung bakit mas pinili niya ang paghihinganti kaysa sa nararamdaman ng kanyang asawa na tutol noon sa pag-aampon kay Criselda.   Istrikto siya sa pagpapalaki kay Criselda, tinuturuan niya rin ito ng self-defense, martial arts at paghawak ng baril. Pero kahit na parang sundalo ang pagpapalaki niya sa bata, magaan din naman ang loob niya rito, kaya nga’t parang tunay na mag-ama na talaga ang turing nila sa isa’t isa.   ---   Nakatingala si Criselda ngayon sa isang mataas na gusali. Nasa harap siya ng Lim Industries, ang kumpanya na itinayo ng tunay niyang ama.   Hindi niya akalaing makakapasok siya sa isang prestihiyosong kumpanya katulad nito. Makikita na rin niya sa wakas ang kapatid niya... at ang taong pumatay sa kanyang ina. Hinihintay niya ang pagkakataong ito.   Pumasok siya sa loob at lumapit sa receptionist. Hindi niya alam ang mararamdaman niya ngayong parang unti-unti nang natutupad ang mga plano nila ni Baning dahil nakatapak na siya sa teritoryo ng mga Lim.   "Criselda Valdez?" May lumapit sa kanya na isang lalaki.   "Ako nga po." Nginitian niya ito upang makapag-iwan siya ng magandang impression.   "Sumunod ka sa akin.”Ngumiti rin ito sa kanya. “Ako ang maglilibot sa iyo sa workplace mo. Ako si Jon," pakilala nito.   Pumunta naman sila sa tapat ng elevator at naghintay. "Alam mo, ang swerte mo. Iilan lang ang mga fresh graduates sa kumpanyang ito. Matalino ka sigurado?" papuri sa kanya ng lalaki.   Nahihiyang ngumiti si Criselda, “Salamat?" Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa papuri sa kanya ng lalaki. Pagbukas ng elevator sa tapat nila’y nakita niya ang taong matagal na niyang inaasam na makita, si Lance Lim, ang half-brother niya.   Hindi siya handa sa pagkikitang iyon pero alam ni Criselda na gusto niyang makuha ang loob ng kapatid niya, “Good morning Sir Lance," bati niya dito at nginitian niya pa.   "Naku, ayaw niyang binabati siya." bulong sa kanya ni Jon.   Hindi naman siya pinansin ni Lance at tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad palabas ng building. Wala itong emosyon at para bang walang narinig.   “Sabi sa’yo eh,” siniko pa siya ni Jon. “Sa susunod, ‘wag mo nang tatawagin. Naalala ko isang beses na may bumati sa kanya at naharangan siya sa daan, nasigawan niya pa yung babae. Palaging bad mood ‘yan si Sir,” dagdag pa nito.   Napatango na lang si Criselda sa tip ni Jon. Sisiguraduhin niyang makukuha niya rin ang loob ni Lance pagdating ng panahon. Isang mapusok na ngiti ang sumilay sa kanyang labi nang maisip iyon.   ---   Ilang araw na rin ang makalipas mula nang magtrabaho si Criselda sa Lim Industries, kahit na hindi niya gaanong nakikita ang kapatid, mabilis naman niyang na-infiltrate ang systems ng kumpanya mula sa computer niya kaya may kopya na siya ng mga CCTV feed, mga importanteng dokumento ng kumpanya at mga impormasyon tungkol kay Lani at kay Lance.   Habang nasa kalagitnaan ng trabaho, nakatanggap siya ng message mula sa kaibigan niyang si Melissa, pinapaalala sa kanya ang launching ng Bar nito.   Kung iisipin, napagtanto ni Criselda na halos tatlong taon na pala simula noong umalis si Melissa papunta ng Singapore. Recently lang itong bumalik ng Pilipinas at nagtayo ng negosyo rito. Sumagot naman siya sa message ng kaibigan para ikumpirma na makakarating siya sa launching party nito.   ----   Pauwi mula sa trabaho si Criselda nang magring ang cellphone niya.   "Criselda, speaking," sagot niya sa telepono. Tiningnan naman niya ang screen ng cellphone niya kung sino ang tumawag.   "Cris, ikaw nalang wala dito. Bilisan mo na nga!" sabi ng isang babae sa kabilang linya. Doon naalala ni Criselda na may party nga pala siyang pupuntahan. Mukhang magiging reunion na rin iyon ng mga high school friends niya dati dahil naririnig niya ang tawanan sa background.   "Yes, I know. I'm on my way na." she said. Mabilis siyang nag-Uturn ng sasakyan papunta sa bar ni Melissa.   As she reached her destination, dali-dali siyang pumasok sa loob ng bar at hinanap ang mga kaibigan niya. She saw a boy waving at her.   "Andito na pala siya eh. Cris!" tinawag siya ni Joshua. Lumapit naman sa kanila si Criselda at naupo siya sa tabi nito.   "Ang tagal mo, babe." Umupo rin sa tabi niya si Brian, isa sa mga kaibigan niyang matagal nang nagpapalipad hangin sa kanya. Hinawakan pa siya nito sa balikat habang ibinibigay ang isang baso ng alak sa kanya.   Kinuha niya ang baso at tinanggal ang kamay ni Brian sa balikat niya.   “’Don’t call me that. I’m not a pig.” Inirapan pa ni Criselda ang binata.   "Pahard to get ka pa rin, Cris.” He smirked at her.   Pinagtawanan naman sila ng mga kaibigan nila.   “Hanggang ngayon wala pa ring pag-asa si Bry, Cris? Umalis na lang ako’t lahat?” tawang-tawa si Melissa sa kanilang dalawa. Nakaupo ito sa tapat ni Criselda.   “Ang hina mo, brader,” asar pa ni Joshua sa kaibigang lalaki.   Natawa na lang din si Criselda sa asaran nila. Na-miss niya ang ganitong feeling. Ang barkada niyang ito ang nagpaparamdam sa kanya na may normal pa rin siyang buhay despite sa mga nangyari sa kanya noon. She found comfort from Melissa ang Josh and Brian are also fun to be with.   “May iba akong gusto kaya wala ka na talagang pag-asa, Bry,” rebelasyon niya sa barkada. Gusto na rin naman niyang pahintuin itong si Brian sa panliligaw sa kanya, wala naman siyang panahon para sa ganito ngayong may plano pa siyang pabagsakin ang Vexare Mafia.   Nagulat naman ang tatlo sa narinig. Hindi kasi sila makapaniwala na maririnig nila ang ganitong balita mula kay Criselda. Napakalaki naman ng ngiti ni Melissa nang marinig niya iyon.   “Wow! Who’s the lucky guy?” tanong ni Melissa.   Nahihiyang ngumiti si Criselda. Alam niyang kapag binanggit niya si Lance sa kanila, mawawalan na ng pag-asa si Brian dahil wala naman itong panama sa isang successful na business tycoon.   “Yung boss ko. Kilala niyo ‘yun,” simula niya.   “Ha? Teka saan ka ba nagtatrabaho ngayon? Lim Industries?” inaalala ni Brian kung anong kumpanya yung nabanggit ni Criselda sa kanila.   “Oo, dun ata,” sang-ayon ni Josh. “Lance Lim?” hindi niya makapaniwalang tanong.   Tumango naman si Criselda bago uminom ng alak sa basong binigay ni Brian kanina.   “OMG, no!” tutol agad ni Melissa.   Nagkatinginan naman ang tatlo sa reaksyon nito.   “Hands off girl, that man is mine!” inagaw ni Melissa ang baso sa kamay ni Criselda at inubos ang laman nito.   Nagtaka naman ang tatlo sa sinabi nito so Melissa explained, “Remember the guy I currently date, the one I met from Singapore? That’s him, Lance Lim. If I were you, I’d stop having feelings for him or we’ll have to get this friendship over.”   Mas nabigla naman ang tatlo sa sinabi ni Melissa.   “Mukhang may catfight na magaganap,” biro ni Brian sa kanila, inaasahang mabawasan ang tensyon. Medyo hindi na kasi maganda ang reaksyon ni Melissa.   Natawa na lang si Criselda. Hindi niya alam ang gagawin sa stiwasyon at sa hindi inaasahang balita na nalaman niya. It’s as if Lance and her are really destined to meet each other kahit hindi pa siya pumasok sa Lim Industries. She will be able to meet him through her best friend, Melissa. She will actually be able to get closer with him as Melissa’s friend compared to just being his employee.   “Chill, Mel! Sabi ko lang naman type ko siya. Don’t worry, I won’t snatch him away from you,” she said.   “Good.” Medyo gumaan ang pakiramdam ni Melissa sa narinig niya. Grabe siya magreact dahil threatened din naman siya sa kakayanan ni Criselda na maagaw ang boyfriend niya.   “Oh, where’s the catfight?” pang-aasar ni Brian sa dalawa.   “Shut up, para kang bata!” hinampas na lang ni Criselda si Brian sa braso nito.   The party went on like that and Criselda and Melissa eventually made up.   ---   After the party, Criselda drives herself home. She’s dizzy drunk since she drank a lot. Minsan lang niya i-let go ang sarili pero nagsisisi na siya dahil parang nasobrahan ata siya sa pagpapakasaya. She’s crossing an intersection nang makakita siya ng liwanag sa peripheral view niya. She realized it’s a car coming to her kaya agad naman siyang nagpreno para iwasan ito.   Isang mahabang busina ang gumising sa diwa niya. Parang nawala ang pagkalasing niya sa muntik nang aksidente. Lumabas ang isang galit na lalaki sa loob ng sasakyan na isang dipa na lang ang layo sa sasakyan niya.   "Hoy! Lumabas ka nga dyan!" kinalampag ng lalaki ang sasakyan niya. Lumabas na rin siya sa loob ng sasakyan niya. She thought that the man looks familiar pero hindi niya matandaan kung saan niya ito nakita. Nanlaki naman ang mata ng lalaki nang malamang babae pala ang nasa loob ng sasakyan.   Medyo nainis lang din si Criselda dahil sinigawan siya ng lalaki kahit na ito naman ang mabilis magpatakbo ng sasakyan.   "Gusto mong magpakamatay?" walang takot na tanong ni Criselda sa lalaki. "Ha! Ako? Baka ikaw?! Ni hindi ka nga tumitingin sa traffic light! Kebabae mong tao, kaskasero ka!" panenermon ng lalaki sa kanya na halatang inis sa nangyari. "Tumingin ka ng maayos sa traffic light! Naka-stop sign kayo oh!” Tinuro pa ng lalaki ang stoplight.   “Alisin mo nga yang kotse mong nakaharang!" sigaw nito sa kanya. Walang panahon ang lalaki na makipag-away kay Criselda. Mabilis siyang magpatakbo ng sasakyan dahil nasa isang karera siya.   Kahit inis na inis, pumasok na si Criselda sa loob ng kotse niya. Aminado naman siyang kasalanan niya at buti na lang dahil parang walang balak ang lalaki na makipag-away sa kanya. Malalagot pa siya sa papa niya pag nalaman nitong nagmamaneho siya habang lasing.   Nang makapasok sa sasakyan, ibinaba niya ang tinted na salamin ng kanyang kotse at inilabas ang kanyang kamay. Nagdirty finger siya sa lalaki kasabay nito ang isang smirk. Umeskapo naman na si Criselda sa lugar na iyon.   Nainsulto nga lang ang lalaki sa ginawa ni Criselda sa kanya. Kung hindi lang babae si Criselda, baka nasuntok na niya ito. Inis na inis itong pumasok sa loob ng sasakyan at humarurot na rin paalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD