Lance is on his way sa meeting place kung saan makikipagdeal siya sa mga Hemsworth, organisasyon sila sa North America na nagdidistribute ng mga produkto ng mafia. Nagtangka kasi itong lumipat ng bagong supplier dahil nakahanap daw ito ng mas murang deal sa iba.
Malaking porsyento ng kita nila ang nakukuha nila sa mga Hemsworth kaya si Lani mismo ang nakikipagnegosyo sa mga ito. Hindi lang alam ni Lance kung anong mas importanteng bagay ang kailangang gawin ni Lani sa araw na ito at siya, bilang kanang kamay nito, ang pinadala niya.
He is also suspicious of the Hemsworth dahil hindi naman ganito makipag-transact ang mga ito, kilala niya ang isa sa mga dealer ng grupo at sigurado siyang may binabalak ang mga ito.
Tinawagan niya ang iba pang leaders ng Vexare Mafia para samahan siya sa deal na ito at maglatag na rin ng trap sa mga Hemsworth sakaling maisahan sila.
Bumaba siya ng sasakyan at ipinasa ang susi sa valet assistant ng hotel.
“Are they here?” Hinanap niya ang mga kasamahan sa valet.
“Si Ma’am Mina at Sir Kristofer pa lang po ang nasa itaas,” sagot nito. “Naka-set up na po tayo sa 21st floor.”
He acknowledged the valet assistant’s answer bago pumasok sa loob. Diretso siyang nagtungo sa elevator para sa mga executives at VIP members ng hotel na iyon. Habang naghihintay na magbukas ang pinto nito, nakita niyang palapit si Peter sa kanya.
“Boss,” saludo nito sa kanya. Tiningnan niya lang naman si Peter. “Sorry, may dinaanan pa ako.” Inaayos ni Peter ang necktie dahil magulo ito. May dala rin itong malaking briefcase, naglalaman ng mga sample products na ipapakita nila sa mga Hemsworth.
“Don’t fool around too much,” paalala ni Lance sa kasama.
Nang magbukas ang pinto, sumalubong sa kanila si Mina at kinawayan niya ang dalawang lalaki.
“Nakaset-up na tayo, room 2101 and 2110,” report ni Mina kay Lance nang magsara ang pinto ng sinasakyang elevator. Pinindot na rin niya ang 21st floor dahil doon sila patungo.
“Ang mga Hemsworth?” tanong ni Lance kay Mina.
“Mas nauna pa po silang dumating dito sa akin,” sagot ni Mina. “Apparently, they stayed on the 20th floor of the hotel since yesterday. They were guarding the whole 21st floor so I have little time to set up our snipers on the adjacent room. Naglagay na rin po ako ng tauhan sa kabilang building just in case. Saka Kris is keeping them occupied as of the moment.”
The elevator dinged as they reached the 21st floor. Dire-diretso ang tatlo na nagtungo sa suite kung saan sila makikipagkita sa mga Hemsworth. Peter opened the door for him at diretso naman siyang umupo sa isang pulang sofa, not minding the four guys stationed at the wine bar. Mukhang mga estatwa ang mga ito dahil hindi sila gumagalaw. Mina and Peter stand behind Lance’s sofa and they stand as his guard.
Ang babaeng nakatayo at nakatingin sa view sa labas ng hotel room ay tumalikod at binati siya ng isang ngiti na hindi mawari kung sarkastiko o hindi.
“The great Lance Lim!” Lumapit siya kay Lance habang nakataas ang dalawang kamay, para bang gusto siyang yakapin nito.
Sinamaan naman siya ng tingin ni Lance. Ito talaga ang ayaw niya sa babaeng ito, masyadong clingy. Siya ang Asian connection ng mga Hemsworth sa region nila at kahit ayaw ni Lance ang paraan ng babaeng ito, dahil siya ang in-charge sa operations ng mga Hemsworth sa bansa, wala siyang magawa kundi ang pakisamahan ito.
“Just get straight to the point. We’re here for business,” he dismissed her idea of a hug. Kinuha niya ang baso na nakalagay sa mesa sa harap niya saka binuksan ang bote ng scotch na nakalagay doon. Nagsalin si Lance ng kanyang inumin.
“Tell me what happened and you’re threatening to pull out your investment?” tanong ni Lance sa babae saka niya ininom ang alak.
She smirked as she watch Lance drink.
“Though you’re a cautious person, I can see you’re very trusting when you know someone for a long time, am I right?” binalikan ng babae ng tanong si Lance at hindi sinagot ang tanong niya.
Hindi niya alam kung saan nanggaling ang sinabing iyon ng babae pero pinagwalang-bahala na lang niya ito. Naiinis si Lance. He’s not here to play games or hang out with her. He’s only mission is to ensure they’ll seal a deal with the Hemsworths today or find out what drives them to do these drastic changes they are threatening to do.
Itinaas ni Lance ang kanang kamay, inuutusan si Peter na ilapag ang briefcase na naglalaman ng sample products. Agad naman itong sinunod ni Peter. Nilapag niya ang briefcase na hawak sa mesa at binuksan ito. Bumungad ang malalaking tipa ng kristal sa kanya at iniharap naman niya ito sa mga tauhan ng babae para makita nila ang laman.
“That’s a newly developed product,” he introduced the product to her.
Natawa naman ang babae sa nakita niya. Inutusan rin nito ang isa sa mga lalaki na nakatayo sa wine bar para tingnan ang laman ng briefcase. Nang makalapit ang lalaki, kinuha nito ang isa sa mga kristal at inamoy-amoy na para bang aso saka ito tumango sa babae.
Mina found the gesture unnecessary kaya parang nandiri ito nang ibalik ng lalaki ang kristal kung saan ito nakalagay. Natawa ang babae nang makita ang reaksyon ni Mina saka ito lumapit at umupo kay Lance.
“You don’t disappoint, Lance.” She ran her fingers on his forehead down to his chin.
Iniwas naman ni Lance ang mukha nang maramdaman ang sensasyon na nagpatawa sa babae. She likes it when Lance is pissed off. Natutuwa siyang asarin ito.
“Alright! Deal’s off!” She clapped her hands in excitement na siyang hindi maintindihan ni Lance.
Nagtataka ito na bakit parang desidido na itong huwag nang makipagnegosyo sa kanila.
“Tell me what’s wrong?” inis na inis na tanong ni Lance.
“You’re too hard to get.” Pinagtatawanan pa rin siya ng babae, iniiwasan pa rin ang usapin tungkol sa deal nila.
Kris suddenly receives a phone call. Napatingin naman tuloy ang lahat sa kanya. He cleared his throat at agad na sinagot ang tawag.
“What?” Kris sushed while amswering the phone. Lance continued with speaking with the Hemsworth girl. Inis na inis ito dahil hindi siya sineseryoso ng babae.
“What?” Tuluyan nang naagaw na ni Kris ang pansin ng lahat nang lumakas ang boses niya sa gulat mula sa narinig na balita.
“What’s that about?” inis na tanong ni Lance sa kanya. Siniko naman siya ni Mina sa Kris para magsalita.
“Someone tipped us off.” Sinamaan ng tingin ni Kris ang babae at humalakhak naman ito.
“Sorry, dear, we need to do this,” sabi nito saka sinensyasan ang mga kasamahan na maglabas ng kanya-kanyang baril.
Agad namang binunot ni Peter ang baril na hawak niya saka tinutukan rin ang lalaking nasa tapat niya. Dahil sa bilis ng mga pangyayari, hindi kaagad naka-react sina Mina at Kris. Napaputukan na sila ng kabilang kampo at sumigaw naman si Mina para senyasan ang mga kasamahang nasa katapat ng kwarto.
Kanya-kanyang tago ang tatlo nang magsimula ang barilan. Sina Mina at Kris ay naupo sa ilalim ng sofa samantalang mabilis na pinaputukan ni Peter ang lalaking nasa harap niya at ginawa niyang human shield laban sa kampo ng mga Hemsworth.
Lance was caught in a crossfire at sumilong na lang siya sa ilalim ng mesa na nasa harap niya, saka binunot ang baril na dala niya at sumabay na rin sa pagpapaputok para mapigilan ang pagtakas ng kabilang kampo.
He realized this is an entrapment operation for his mother. At ang kalabang organisasyon kaagad ang naisip ni Lance pero ang priority niya ngayon ay ang makaalis dito at makatakas sa mga pulis.
Nagsidatingan ang mga backup nila mula sa kabilang kwarto. The Hemsworth retreated at the bedroom of the suite. Sa ingay, narinig pa ni Lance ang babae bago nito isara ang pinto ng bedroom, “See you again, Lance dear.”
“Habulin niyo!” utos agad ni Lance sa mga tauhan. Tumayo siya at pinagpagan ang sarili samantalang Hinabol naman nina Kris at Mina ang mga Hemsworth.
Nang buksan ni Kris ang pinto ng bedroom, tumambad sa kanila ang basag na salamin ng hotel room at ang nakaabang na helicopter sa harap nito.
Agad na pinagbabaril nina Mina at Kris ang mga ito, tumatakas mula sa mga paparating na pulis at sa kanila.
Mina signalled her snipers stationed at the other building pero hindi nito magawang barilin ang piloto ng helicopter dahil daw sa heavily tinted na salamin na nakaharang dito. Napamura na lang si Mina habang pinapanood ang helicopter na makaalis.
Sa kabilang banda, Peter and Lance who were left at the living room of the suite discussed their escape plan with the other members of the mafia.
“May mga paakyat gamit ang elevator at may mga gumamit din ng emergency stairs,” balita ni Peter kay Lance.
"Let's move." utos niya sa mga kasamahan nila. Nagkasahan na sila ng baril. Wala na kasi silang ibang choice kundi ang harapin ang mga pulis. Matatagalan pa kasi ang tinawag nilang back up nila na helicopter na susundo sa kanila mula sa hotel na 'yon.
Pumwesto sila Lance at Kris sa likod ng pinto. Samantalang itinaob naman ni Mina ang mesa sa sala at itinabi sa sofa. Iniharap niya ito sa pinto at nagtago sa likod nito. Si Peter naman ay nasa counter ng wine bar. Naghihintay nalang sila na may pumasok na pulis.
"May back-up pa ba tayo sa kabila? Saan ba sila nakapwesto?" pabulong na tanong ni Lance sa kaibigan niyang si Kris.
"May dalawang sniper sa labas, nasa ibang building. Yung isa naman nandon sa tapat na kwarto ng kwartong 'to," sabi naman ni Kris. Nasa dulo kasi ang kwarto nila. At malayo layo rin ang kwartong tinutukoy ni Kris. Napatango naman si Lance sa narinig niya.
"Sabihan mo yung sniper natin sa loob," utos ni Lance.
"Tapos na po boss. Kanina pa." Nakarinig na sila ng putok ng baril kaya lalo silang naalerto. "Mukhang wala na tayong sniper sa loob boss." hinala ni Kris dahil ang tunog ay nanggaling sa direkson ng kwartong tinutukoy niya.
"Get ready," sabi ni Lance sa mga kasamahan niya.
Bumukas ang pinto at may gumulong na tear gas mula sa labas papasok sa kwarto kung nasaan sila. Kahit na walang makita si Lance, bumabaril pa rin siya habang nakatakip ang panyo niya sa ilong niya.
Maraming palitan ng putok ang narinig niya. Narinig na rin niya ang back up nilang helicopter kaya naman pumunta siya sa bintana kung saan tumakas kanina ang mga Hemsworth. Sumigaw naman siya para tawagin ang mga kasama niya.
"Kris! Tara na!" sigaw niya sa kaibigan niya na naaaninag niya na nasa likod pa rin ng pinto. Hindi ito gumagalaw at dahan dahan itong umuupo.
Nang mawala ang karamihan sa usok na dulot ng mga tear gas, nakita niya ang isang matandang pulis na nakatayo sa tabi ni Kris. Nakatutok rito ang baril ng matanda. Pinatay ng matandang pulis si Kris.
"Kris!" sigaw niya. Lumapit si Lance ng kaunti sa matanda at binaril niya ito. Maraming beses niyang binaril ang matanda dahil sa galit. Nilapitan naman niya ang kaibigan niya. "Kristofer! Kristofer!" niyuyugyog niya si Kris ngunit wala na itong malay.
"Sir Lance!" sigaw sa kanya ng babaeng kasama nila. Naroon na rin kasi si Mina sa bintana. "Tara na! May back up pa sila!"
Kaya wala nang nagawa si Lance kundi ang iwan ang labi ng kanyang kaibigan roon. Hinablot na niya ang hagdan na nakalaglag mula sa helicopter at sinakyan ito. Nakatingin lang siya sa kwarto kung saan niya naiwan si Kris habang palayo sila sa hotel na iyon.
---
"Patay na si Krizelle, Beth." Masamang balita ang hatid ni Baning sa asawa niya na nasa kabilang linya ng telepono. Tiningnan naman ni Beth ang walang kamalay malay na bata habang ito ay nanonood ng cartoons at kumakain ng cookies sa sala nila.
"Anong sasabihin ko kay Criselda?" mahinang tanong niya. Nasa tapat lang kasi niya ang bata at ayaw niyang marinig ang pinag-uusapan nila ni Baning.
"Huwag muna ngayon. Patulugin nalang muna natin dyan ang bata. Baka bukas na rin ako makauwi, marami akong dapat asikasuhin." paalam ni Baning sa asawa niya.
"Mag-iingat ka, hihintayin ko ang pagbalik mo." ani ni Beth bago niya ibaba ang telepono.
"Tita Beth?" tawag ng batang si Criselda na may pagtataka. Napakainosente ng tingin nito sa kanya. Hindi niya tuloy mapigilan ang mga luha nito habang nakatingin sa bata. Hinagkan naman siya ni Criselda. "Wag na po kayong umiyak. Naiiyak rin po ako sa inyo eh."
Pinunasan ni Beth ang kanyang mga luha. "Crissy, kailangan mo nang matulog. Malalim na ang gabi." Isasama na sana niya si Criselda sa guest room nila nang magtanong ang bata.
"Wala pa po si Mommy. Sabi niya susunod siya. Sabay po kaming natutulog ni Mommy." Biglang ngumiti ang bata. Hindi naman maiwasan ni Beth ang isiping muli ang kinahinatnan ni Krizelle.
"Crissy, sabi sakin ng Mommy mo kanina sa phone, may pinuntahan daw siyang place. Baka hindi raw muna kayo magkikita," palusot ni Beth.
"Saan po pumunta si Mommy?" patuloy na nagtanong si Criselda.
"Sa isang magandang place. Makakapunta rin tayo dun, I'm sure."
---
"Aampunin natin si Criselda." Desidido na si Baning. Gusto niyang bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kaibigan nila ng asawa niya. Bilang isang pulis, siya na rin ang naka-assign sa kaso ng pagkamatay nito. Naawa na rin siya sa bata na ilang araw nang nagkukulong sa guest room ng bahay nila. Hindi ito kumakain at hindi na rin nila ito nakikitang ngumiti.
"Giovanni, anong –“ Nabigla si Beth sa desisyon ng asawa niya. Alam niyang malaki ang pagkukulang niya dito dahil matagal na nilang inaasam ang magkaroon ng anak ngunit lagi silang bigo. "Naaawa ako kay Crissy pero wag mo namang gawin 'to sakin. Para mo namang sinabi na wala na tayong pag-asang magka-anak." Naaawa si Beth sa kanyang sarili. Hinawakan niya ang tyan niya.
"Bakit? Wala naman talaga diba?" Naiba na ang usapan nilang dalawa. Nasaktan lalo si Beth sa sinabi ng asawa niya. Hindi na niya napiligilan ang pagtulo ng luha niya. "Napakabig deal naman sayo ng pag-aampon, Beth. Maawa ka naman sa bata! Kailangan niya tayo!" sinusubukang kumbinsihin ni Baning ang asawa niya sa ideya niyang ito. Naniniwala kasi siya na si Criselda ang susi para makamit ang hustisyang nararapat para kay Krizelle.
"Big deal yon para sa akin! Oo na, baog na ako. Nakakasakit sa pride ang gusto mong gawin!" sigaw na ni Beth.
"Pride? Uunahin mo ang pride kesa sa kinabukasang ng isang bata? Beth naman! Utang na loob!" sumigaw na rin si Baning.
"Bakit? Kaya mo lang naman gustong ampunin yang anak ni Krizelle dahil sa tatay niya. Wala ka naman talagang malasakit sa bata. Para lang rin naman sa personal na interes mo yang ginagawa mo!" sumbat ni Beth sa kanya.
Naririnig ni Criselda sa kwarto niya ang away ng mag-asawa ngunit wala siyang maintindihan sa mga iyon. Tanging nasa isip niya lang ang kanyang ina, sinisisi niya ang kanyang sarili sa pagkamatay nito. Naisip niya na sana’y hindi na lang siya sumunod sa utos nitong iwan siya. Sana naprotektahan niya ang nanay niya.
---
"Sino po ang pumatay kay Mommy?" tanong ni Criselda kay Baning. Kumakain sila ng dinner, mahigit isang taon na rin ang nakalilipas mula nang mangyari ang trahedyang iyon. Natigilan si Baning. Ito kasi ang unang beses na nagtanong ang bata tungkol sa nanay niya.
"Gusto mo ba talagang malaman?" paniniguro ni Baning. Tumango naman ang bata. "Kapag nalaman mo ba... tutulungan mokong hulihin sila?" tanong ni Baning na waring may balak gawin.
"Gusto ko ng hustisya para kay Mommy," sagot ng bata. Hindi man nito diretsong sinagot ang tanong ni Baning, iyon pa rin ang nais niyang ipabatid.
"Ang pamilya ng daddy mo. Sila ang pumatay sa mommy mo." sagot ni Baning. Naguluhan ang bata sa sinabi ni Baning.
"Pamilya ni Daddy? Kami ang pamilya ni Daddy," sagot naman niya dito.
"Hindi kayo ang legal na pamilya. May iba pa siyang pamilya, Crissy. Sila ang pumatay sa mommy mo," paglilinaw ni Baning.
"Hindi ko po maintindihan." Hindi rumerehistro ang sinasabi ni Baning sa bata.
"Kabit lang ang mommy mo,” diniretso na ni Baning ang bata. Nabigla si Criselda sa nalaman niya. Tumayo siya sa pagkakaupo niya at pumunta sa kwarto niya. Tiningnan lang naman siya ni Baning. Naiintindihan ni Baning ang nararamdaman ngayon ni Criselda.
Sa kanyang kwarto, kinakausap ni Criselda ang kanyang sarili.
"Hindi ako maniniwala sa kanya. Hindi. Hindi." pagkukumbinsi ni Criselda sa sarili niya. "Pero kami ang pamilya ni Daddy…" tugon niya habang sunod sunod ang pagtulo ng kanyang mga luha.
Napatingin siya sa pintuan nang narinig niyang kumatok si Baning. Binuksan naman ni Baning ang pinto at kinausap siya. Nagtalukbong nalang si Criselda sa kama niya dahil ayaw niya munang pakinggan ang mga sasabihin ni Baning.
"Crissy," pagsusyo ni Baning sa kanya. "Kung gusto mong maintindihan ang lahat, ibibigay ko sayo 'tong mga 'to. Ilalapag ko nalang dito. Ikaw na ang bahala kung anong gagawin mo."
Nilapag ni Baning ang mga papeles na naglalaman ng impormasyon tungkol sa imbestigasyon niya sa mesa. "Kung gusto mong makilala talaga ang daddy mo, itanong mo lang sa akin." Tumayo siya at lumakad paalis sa kwarto ni Criselda.
Nang maramdaman ni Criselda na wala na si Baning, bumangon na siya sa kama at tinitigan ang mga papeles.
Sa kabilang banda, naaawa si Baning kay Criselda. Alam niyang bata pa si Criselda para dumanas ng ganitong pagdurusa ngunit kailangan niyang gawin iyon para sa paghihiganti niya. Kailangan niyang gamitin ang batang si Criselda para matupad ang mga binabalak niya.
Nagulat nalang siya nang lumabas si Criselda sa kanyang kwarto at kinausap siya.
"Ipaghihiganti ko si Mommy. Kailangan ko ng tulong mo, papa." nag-aapoy ang mga mata ni Criselda. Uhaw na uhaw siya sa hustisya.
---
Alas dos ng madaling araw nang magring ang telepono ni Criselda. Naalimpungatan naman siyang sinagot ang tawag.
Pagod na pagod ito dahil sa aksidenteng nangyari kanina sa kanilang tatlong magkakaibigan. Sa lalim ng tulog niya’y napaniginipan na naman ang mga nangyari sa kanya noong bata siya.
Wala sa sarili niyang sinagot ang tawag. “Hello?” may halong inis pa ang tono niya dahil nagising siya ng tawag.
"Ms. Criselda Valdez?" tanong ng isang babae sa kabilang linya. Sinilip naman ni Criselda sa telepono niya kung sino ang tumawag sa kanya. Papa, iyon ang nakasulat sa screen. Nakinig naman siya ulit sa babae sa kabilang linya at nanlaki ang mga mata niya.
Napaupo na lang siya sa kama niya at napaluha. Hindi niya kinaya ang balitang natanggap niya. Patay na si Baning, patay na ang nag-alaga sa kanya.
“Mag-iingat ka anak ha. Gagabihin ako ng uwi, ‘wag mo na akong hintayin.”
Inalala niya ang mga huling salita na sinabi sa kanya ni Baning. Katulad ng ina niya, iniwan na rin siya ng ama-amahan niya nang hindi man lang siya binigyan ng pagkakataon para magpaalam ng maayos.