Updated June 28,2020. 9:51AM. Chapter 29 Ulan Mali bang ipaglaban ang iyong nararamdaman hanggang dulo? Mali bang umasa dahil alam mo ang totoo? Wala bang karapatang magmahal ang taong namali ng direksyon? Ito ba ang kahihinatnan ng babaeng lumalaban? Ang matagal ko na pagtulog ay tinapos ko. Kung pwede lang na matulog ako ng buong buhay ko para lang hindi na maramdaman ang takot na nararamdaman ko, gagawin ko na sana. "Anak...bumangon ka. Kumain ka na nitong cup noodles." Si nanay ay mag hawak na umuusok na cup noodles. Hinintay ko iyong mga pangangaral niya, ang mga galit niya sa akin pero hindi dumating. Pinaupo niya ako nang maayos at naramdaman ko ang kirot sa aking puson. Kumirot ng husto ang aking puso. "Pwede kanang lumabas mamaya. Nagdurugo ka parin pero pwedena raw