Wakas Panaginip Isang magabing malamig ang natapos at bumangon para sa panibagong umaga. Ang mga halaman sa labas ay basa pa dahil sa malakas na ulan kagabi. Sa ikalawang palapag ang aking kuwarto at may maliit na veranda doon. Hinayaan ko iyong nakabukas kagabi at tinitigan ang masalimuot na ulan. Nakatulog akong mag isa at umiiyak. Amoy na amoy ko pa ang mga nabasang dahon at lupa nang bumangon ako. Dahil nga bago palang ako dito, hindi na sumagi sa isip ko ang naranasan kundi sa mga bagay na gagawin ko ngayon. Maraming niyugan sa likuran nang bahay at mayroon ring mangga. Nakakatuwa dahil naalagaan ng maayos ni Aling Pena itong bahay dahil mayroon pang mga okra, kangkong at malunggay. Naligo ako nang maaga. Maganda kahit paano ang banyo namin. Bibili akong isda at kung ano pang
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books