Alex POV Two weeks later.. Excited akong bisitahin si Annie dahil nandito kame ngayon ni Pops at Granny sa manila. Nasa isang High Class hotel kame tumuloy. Naimbitahan si Pops ng mga mayayamang negosyante sa isang engrandeng party. Sa madaling sabi ay mga dugong bughaw ang mga nandito sa Hotel. Tatlong araw pa bago ang party ay lumipad na kame papunta ng manila dahil sa mga meeting ni Pops na kailangan niyang puntahan. Tinawagan ko din si Robert kanina. Kinumusta kung ano nang balita o may bago ba. Nalaman ko na may jowa na pala si Insan at si Adam daw iyon. Siya yung lalaking nakita ko sa Elevator na nakasalubong namin ni Annie nung minsang bumisita ako sa kanya. Mabuti pa si Annie may lovelife. Swerte niya dahil sa kwento pa lang ni Robert ay mukang mahal ni Annie si Ada