Rence POV Pag gising ko ay bumungad agad sa akin ang mukha ni alex. Mahimbing siyang natutulog dahil ang lakas ng hilik niya. Inikot ko ang ulo at hinilot saglit ang balikat, nangalay dahil nakatulog na pala ako sa upuan. Pagkatapos ay napatingin ako kay alex. Napatitig ako sa mata niya, basa ito ng luha."She' cried?" bulong ko. Bigla siyang gumalaw kaya lumayo agad ako sa kanya. Bago pa siya magising ay kumuha ako ng gamot sa medicine kit na nasa lamesitang tapat ng kama ni alex. Pagkatapos ay nagsalin ako ng isang basong tubig at nilagay sa desk na nasa tabi ng kama niya, ganun din ang gamot. Lumapit ulit ako sa kanya. Nandoon pa rin ang luha niya kaya mabilis ko iyong pinahid. Sinapo ko ang leeg at noo niya. Wala na siyang lagnat. "Good at magaling kana," bulong ko.