Rence POV Pagpasok ko sa kwarto ni Alex ay napatingin sa akin si Yaya Fely. "Sir bakit po? may kailangan ka po ba?" nagtatakang tanong ni Yaya fely. "Yaya ako na pong magbabantay kay Alex, nakapag sabi na po ako kila Don Fred. Magpahinga na po kayo," sabi ko. "Ganon ba, sige ho Sir," aniya at lumabas na nang kwarto. Lumapit ako kay Alex at umupo sa upuang nasa gilid ng kama. Ang naririnig ko lang ng mga oras na iyon ay ang hilik niya, mahimbing na ang tulog niya. Sinapo ko ang noo at leeg niya kung inaapoy pa rin siya nang lagnat. "You're okay now," bulong ko habang nakatitig sa kanya. Habang nakatitig sa kanya ay unti-unting sumilay sa labi ko ang ngiti. Para akong nahi-hypnotize habang nakikita ko ang maamo niyang mukha. Bumibilis ang pintig ng puso ko. Napa