Rence POV Kagabi pa ako hindi mapakali, hindi rin ako madalaw ng antok. Habang hawak hawak ang maliit na regalo ay napalingon ako kay dad na papalapit sa akin. "Its time sana umayon lahat" sabi niya pagkatapos ay niyakap ako ng mahigpit. "Hijo masaya ako na kinakabahan" sabat ni mom na malapit ng tumulo ang luha. "Kaya mo yan rence, wag mo nang palagpasin pa ang pagkakataon" sabat naman ni cynthia. Nasa sala kame ng mga oras na iyon. Ilang saglit din kaming nag-usap na tila ba iiwan ko na sila dahil sa saya at lungkot na nararamdaman nila. Malungkot dahil hindi ko na makakasama ang parents ko masaya dahil panibagong yugto na ito ng buhay ko. Pagkatapos ng usapan namin ay isa-isa ko silang niyakap ng mahigpit. Mayamaya ay nag ring na