PRINCESS "O tapos?" excited na tanong ni Marlo nang mabanggit ko sa kanya yung pagkakakulong namin ni Maine kagabi sa booth. At etong mahal kong kaibigan, imbes na itanong kung okay lang ba 'ko, mas inuna pang itanong kung anong nangyari samin ni Maine nung kami lang yung magkasama dito. Malamang wala, ano pa bang dapat mangyari? Muntik ko pa nga syang ipakain sa monster sa tyan ko dahil ginutom nya ko eh. Buti na lang talaga dumating si Kuya guard ng hindi ganon ka-late kase wala sa plano ko na matulog dito sa station no! And worse, kasama pa si beach. Wichikels ko bet, papano na lang kung bigla akong sapian ng kapwa ko at may magawa akong hindi maganda dun sa babaeng yon. Masyado pa mandin syang maganda at sexy, charot lang! And nung nasa byahe naman kami, walang imikan kase nagffeeli