PRINCESS "At ngayon naman po, sasagutin namin yung mga tanong na pinadala nyo via social media. In fairness, marami-rami 'to, pero pipili tayo ng lima para sagutin ng ating love guru" nakangiting sabi ni Marlo. "Pero before ko sagutin yung mga questions nyo, gusto ko munang mag thank you sa lahat ng nakikinig, tumatawag, at tumatangkilik ng programa namin. You guys rock!" "So eto na, para sa first question. Galing kay Tamahome. Hello DJ Charotasya, DJ Becky Boom Boom, ask ko lang po kung papano mo malalaman kung inlove ka na." Napangiti naman ako sa tanong. Kahit ako rin kase, yun yung tanong ko ngayon eh. Akala ko kasi non, inlove ako kay Joel, pero para kasing may bumubulong sakin na infatuation lang yon at hindi totoong love. Pero ang tagal non ha. Ang tagal kong nakulong sa paniniw