Chapter 1

3292 Words
Chapter 1 Clyde Mendez POV 3 years later... "K-Kissing scene?" kunot nuong tanong ni Clyde sa kanyang manager ng mabasa niya ang buong script ng bagong pelikula na kanyang pagbibidahan kasama ang leading lady niya na si Riva Sanchez Sa loob ng tatlong taon ay mabilis na nakilala sa industriya ng showbiz ang kanyang pangalan bilang si Clyde Mendez. Naging mabilis ang pagsikat niya dahil minahal agad siya ng mga tao sa unang sabak palang niya noon sa isang reality tv show na sinalihan niya. Siya ang naging grand winner ng naturang programa at pagkatapos noon ay sunod sunod na ang naging projects niya. Lalo pa siyang sumikat ng itambal siya sa isang napakagandang artista na mahal na mahal ng taong bayan. Si Riva Sanches. Sa loob ng tatlong taon ay mayroon na silang tatlong pelikula na nagagawa at ang lahat ng mga ito ay nagkamit ng napakaraming awards. Mayroon rin silang kakatapos lamang na tele-serye na palaging number one sa rating nationwide Inshort, Sila ang pinaka-sikat na love team sa buong Pilipinas. Mayroon silang tig-7 million followers ni Riva Sanches sa kanilang mga social media accounts Maraming projects and commercial ang sunod sunod na nagdatingan sa kanilang dalawa dahil sa lakas ng kanilang chemistry sa telebisyon. "Clyde, dumarami na ang mga fans niyo ni Riva na nag-rerequest ng kissing scene. Naka-ilang movie na kayo pero palagi silang bitin. You have to do it. I think it's about time. Para sa mas ikaka-kilig ng mga fans niyo." Mahabang paliwanag ng kanyang manager sakanya Alam kasi ng manager niya na si Mrs.Chua na ayaw niyang magkaroon ng kahit anong kissing scene sa pagitan nilang dalawa ni Riva. He's not ready for that. Wala pa nga akong first kiss. Hindi niya gusto ang ideya na si Riva Sanches ang magiging first kiss niya. Kahit lalake siya ay naniniwala parin siyang mahalaga ang unang halik sa buhay niya. It is something that nobody should not take away from you without your permission. Huminga siya ng malalim dahil tila nasakanya ang atensyon ng lahat ng tao sa pribadong kwartong iyon Naroon ang director na si Mr. Gamboa. Naroon ang iba sa mga producers at higit sa lahat naroon si Riva na nakatingin rin sakanya at pawang hinihintay ng mga ito ang kanyang magiging desisyon Lahat ng mga ito ay may disgusto sa mga mata dahil sa kanyang pagdadalawang isip na pirmaha ang bago nilang gagawing movie ni Riva Napakunot tuloy ang nuo niya. Bakit parang wala siyang choice? "Clyde it's just a kiss. Wala naman sigurong magagalit kung makikipag kissing scene ka sakin?" Napapataas ng kaunti ang kilay ni Riva dahil sa kanyang reaksyon. Nahagod niya ang kanyang buhok. Lalo tuloy siyang na-pressure dahil lalong kumunot ang nuo ng kanilang director "Don't tell me bakla ka?" kunot nuong tanong ng director sakanya. "What? No! Hell no! Ayoko lang gawin ang ganoong scene dahil masyado pa kaming bata ni Riva." Wala na siyang palusot na maisip Ofcourse hindi siya bakla. Ayaw lamang niyang maging unang halik si Riva. "Nagpapatawa ka ba Clyde? You're already 19 years old. Disi-otso naman itong si Riva. Anong bata ang sinasabi mo? Kailangan natin sundin ang mga fans para mas lalo pa kayong maging successful sa larangan ng showbiz" Wala siyang nagawa kundi pumayag sa mga gusto ng mga ito. Kahit labag iyon sa loob niya. Natapos tuloy ang kanilang meeting na nakasimangot siya. "Hi? Nakabusangot ka nanaman? Ano bang nangyari sa meeting niyo kanina?" Nilingon niya si Kyla. His one and only best friend. Ito rin ang kanyang personal assistant simula ng maging artista siya. Karugtong na yata ng bituka niya ang bituka nito dahil halos palagi silang magkasama. Hindi niya napansin na nakaupo na pala ito sa tabi niya. Malalim kasi ang pag-iisip niya tungkol sa bagong movie na kanilang gagawin ni Riva. Naroon siya sa condo unit na kakabili lamang niya. Mag-isa lamang siya sa condo unit dahil nasa ibang bansa ang mama Claudia niya kasama ang mama ni Kyla na si tita Kiray. Sa USA na nanirahan ang dalawa dahil nagpapagamot ang mama niya doon at minsan lamang nila dalawin ang mga ito Katabi ng condo unit niya ang condo unit ni Kyla. Binili niya iyon para sa dalaga. Gusto niya kasing nasa malapit lang ito. Siya na rin kasi ang tumatayong kuya at bestfriend nito. Gusto niya ay magkalapit lamang sila ng tirahan. Sobrang lapit dahil katabi mismo ng condo unit niya ang condo unit nito. Room 304 siya samantalang room 303 naman ang kay Kyla. "Kuting" Lumambot agad ang expresyon ng kanyang mukha ng makita si Kyla. Naka-suot na ito ng pajama at nakapusod ang buhok sa isang messy bun. Hinapit niya ang bewang nito upang yakapin. Nakasanayan na niyang gawin ang bagay na iyon tuwing nais niyang maglambing sa kanyang best friend Saglit itong natigilan sa kanyang pagyakap. Pakiramdam niya ay palagi parin itong nagugulat sa tuwing maglalambing siya kahit madalas naman niyang gawin iyon. Bakit kaya? Pero patay malisya parin niyang niyayakap ang kaibigan dahil ito lamang ang nakakapag-pawala ng bigat ng loob niya "O bakit may problema nanaman ba?" Tanong nito sakanya habang yakap na rin siya Napabuntong hininga siya "May bago kaming movie ni Riva" "Problema ba iyon? Aba blessing yun Clyde! Congrats!" Tuwang tuwa ito kaya't humigpit ang yakap nito sakanya Napangiti tuloy siya ng kaunti. Kumalas siya sa pagyakap kay Kyla upang tignan ito. "Tuwang tuwa ka dahil may project nanaman tayo no?" Kinurot niya ang pangong ilong nito Natutuwa siya sa ilong ni Kyla dahil parang wala iyong buto. Pero tila mas bumagay iyon sa mukha nito dahil nagmukha itong pusa. Kaya naman madalas niya itong tawaging kuting. "Ouch. Ilong ko nanaman ang napagdiskitahan mo?" Tinapik ni Kyla ang kanyang kamay "Ang cute eh. Parang walang buto--" "May buto yan no ayaw lang magpakita" Sabay silang natawa sa sinabi ng dalaga. Natutuwa siya dahil nagdadalaga na ito. Mula pa kasi pagkabata ay magkaibigan na sila. Nasaksihan niya ang bawat pagbabago sa kanyang kaibigan at masasabi niyang lalo itong gumaganda sa pagdaan ng panahon Madalas nga silang tanungin kung may relasyon sila dahil sa kanilang closeness. Tinatawanan lang nila iyon. "Teka ano bang problema bakit parang malalim iniisip mo kanina Clyde?" mayamaya tanong ni Kyla sakanya "Hindi ka kasi sumama sa meeting kanina para ikaw mismo nakarinig ng bad news" "Bad news?" Kunot nuong tanong tuloy nito Lalo itong nagiging cute sa paningin niya kapag kumukunot ang nuo nito. Lalo kasing nawawala ang buto sa ilong nito Ngumisi siya bago niya muling kinurot ang ilong ni Kyla. He can't help it. His bestfriend is so adorable. Napaka-cute nito. "Huwag ka nga sisimangot lalo kang napapango--" "Clyde! Lalo akong napapango kakakurot mo sa ilong ko eh" Hinaplos haplos nito ang ilong nito Napangiti siya. Kung kanina ay mabigat pa ang loob niya ngunit ngayon ay ilang segundo palang niyang nakakasama si Kyla ay tila gumaan na agad ang pakiramdam niya Muli niyang hinapit ang bewang nito Napansin niyang may korte na ang bewang nito kumpara noon dahil nagdadalaga na talaga ang bestfriend niya "I miss you kuting" paglalambing niya at pasimple niyang inamoy ang leeg nito palagi kasing amoy baby cologne ang dalaga na gustong gusto niya Hindi katulad ng perfume ni Riva. Masakit iyon sa pang-amoy niya. "Sus! Isang araw lang akong absent eh." Masakit raw kasi ang puson nito dahil sa monthly period nito. Kaya naman buong araw niya itong hindi nakasama. Hindi tuloy ito nakasama sa meeting nila ng mga directors kanina "Gusto nilang magkaroon na kami ng kissing scene ni Riva." Saglit itong natigilan habang magkayakap sila Nais niyang makita ang reaksyon nito kaya kumalas siya sa pagkakayakap kay Kyla Ngunit nadismaya siya ng makita niyang kuntodo ang pagkakangiti nito. "Oh my God talaga? Nako panunuorin ko yan!" Excited pa nitong sambit Ewan niya ba kung bakit nakakaramdam siya ng inis sa tuwing kikiligin ito sa kanilang love team ni Riva. Napakunot nuo tuloy siya "Kinilig ka pa talaga? Ayoko nga e" "Bakit naman? Ang dami niyo na movie walang kissing scene kaya nga bitin kaming mga fans niyo eh!" Segunda pa nito Lalo tuloy siyang nainis "Ayokong maging first kiss ko si Riva. Hindi ko naman siya girlfriend" Ang pasaway niyang kaibigan ay tumawa pa. "Edi ligawan mo? Ang lakas nga ng chemistry niyong dalawa eh. Ano bang ayaw mo kay Riva? Ang ganda ganda niya--" "Ayoko ng maganda. Gusto ko cute lang" Putol niya sa sinasabi ni Kyla Napansin niyang namula ng kaunti ang pisngi nito dahil sa kanyang sinabi. "C-Choosy naman?" "Ofcourse." Tinitigan niya ito kaya parang nakaramdam ito ng pagka-ilang sa paraan ng kanyang pagtingin lalo na ng tignan niya ang mamula-mulang labi nito "Alam mo namang wala pa akong first kiss." Pag-amin niya kay Kyla habang nakatingin siya sa dalaga Tumaas ng kaunti ang kilay nito "S-So? Edi magkakafirst kiss kana kapag nag-kissing scene kayo ni Riva" Muli siyang nakaramdam ng pagkadismaya dahil sa sinabi nito. Ngunit isang ideya ang pumasok sa kanyang isip "Ayokong mapahiya sa harap ng camera. Baka mahalata nilang lahat na wala pa akong karanasan sa pakikipaghalikan" Bahagya niya pang binasa ang kanyang labi Napalunok ito. Nais niyang mapangiti dahil hindi ito sanay na pinag-uusapan nila ang tungkol sa paghahalikan Ito kasi ang unang beses silang mag-usap tungkol sa mga ganoong bagay "E-Edi galingan mo nalang? Magaling ka namang artista eh. Kaya mo yan!" "I have an idea." Hinawakan niya ang kamay nito "Anong ideya naman?" Kunot nuong tanong nito sakanya ngunit alam niyang alam nito ang iniisip niya Lumapit siya ng kaunti kay Kyla at tinitigan ang mga labi nito na bahagyang naka-awang "Para hindi ako mapahiya, let's do it." Namilog ang mga mata nito na nais magpa-ngiti sakanya. "Kiss tayo?" Napapangiting tanong niya kay Kyla dahil tila nabigla ito sa kanyang ideya "H-Hoy hoy loko loko ka! Ayoko nga!" Halos mamula ang buong mukha nito at napatayo pa ito sa sobrang gulat. Kinutusan pa nga siya nito bago ito nag-walk out Hinabol niya ito bago pa man ito lumabas ng condo unit niya. Hinawakan niyang muli ang kamay nito "Sige na! Bakit ba ayaw mo? Wala namang malisya eh" Pagpupumilit niya pa Lalong namula ang buong mukha nito "Tse! Ayoko nga! Siraulo ka talaga Clyde!" "Practice lang naman para di nako mapahiya sa harap ng camera. Please? Wala namang malisya eh" "W-Wala ngang malisya pero wala pa akong first kiss ayoko ngang ibigay yon sayo--" "Hindi naman counted as first kiss ang halik natin dahil magkaibigan tayo. Please? Wala naman akong ibang babaeng ka-close bukod sayo. Ayoko lang magmukhang tanga sa harap ng camera at sa harap ni Riva" Napalunok ito sa sinabi niya. Hinapit niya ang bewang nito. Mas matangkad siya kay Kyla kaya naman kailangan niya pang yumuko para magpantay ang kanilang mukha. Tumingala naman ito sakanya upang salubungin ang kanyang tingin "Please?" Malambing niyang pagpipilit sa dalaga ngunit nakakaramdam siya ng kasabikan "S-Sira ka talaga. Ayoko nga. Halik lang naman iyon madali mo lang yun magagawa-" "French kiss ang magiging scene namin. Hindi ako marunong. Kung pag-papractisan natin ngayon kung paano humalik baka sakaling magawa ko ng maayos ang scene na iyon. Please?" "W-Walang malisya?" Napapalunok nitong tanong at tila napapatingin rin sa kanyang labi Siya naman tuloy ang napalunok. Medyo napisil niya pa ang bewang nito dahil sa kasabikan na kanyang nararamdaman "O-Oo walang malisya." "Bakit hindi ka nalang manuod ng mga kissing scene? Bakit kailangan mo pang practisin?" "Mas matutunan ko yun kung susubukan ko." "M-Mag toothbrush lang muna ako. Binibigla mo naman ako eh" Napalunok siya. Ibig bang sabihin pumapayag na ito? "Huwag na. Hindi ka naman bad-breath" Ngunit kumalas na ito sa pagkakahawak niya. Mabilis itong lumabas ng condo unit niya "Ayoko nga makipaghalikan sayo na hindi pa ako nagsisipilyo. Baka laiitin mo pa ako pagkatapos eh! Teka lang magsipilyo lang ako!" Tumakbo na ito papunta sa condo unit nito Napangiti siya. Ibig bang sabihin pumapayag na ito? Hindi niya rin maunawaan ang sarili niya kung bakit si Kyla ang nais niyang makakuha ng first kiss niya. Kaysa naman sa ibang babae pa. Mas gugustuhin na niya ang best friend niya ang kanyang maging unang halik. Nagmadali rin tuloy siyang nagsipilyo. Nag-gargle pa nga siya at naghilamos ng kanyang mukha. Ilang minuto na siyang naghihintay ngunit hindi parin bumabalik si Kyla Kunot nuo niyang tinawagan ito sa cellphone nito. "Kuting? Ang tagal mo naman?" "Siraulo. Matulog ka na." Sagot nito sa kabilang linya Lalong napakunot ang nuo niya. "What? Akala ko ba tutulungan mo ko--" "Ayoko nga sabi eh. Good night Clyde--" "Seryoso ako" Naging seryoso tuloy ang tono ng kanyang boses. Nadismaya kasi siya. Ang akala niya pa naman ay pumapayag na ito. "Haaaays! Kainis ka namang lalake ka eh! Oo na sige na heto na pupunta nako diyan!" Napangiti siya. Alam niyang hindi siya natitiis ng kaibigan niya lalo na kapag nagtatampo na siya. "I'll wait for you" Umupo siya sa sofa at hinintay doon si Kyla Lumakas ang pagtibok ng puso niya sa di maipaliwanag na dahilan nang marinig niyang tumunog ang lock ng pinto ng kanyang condo. Nangangahulugan lang na pumasok na ito sa condo niya "Hoy lalake, walang malisya to ha?" Napalunok siya. Mukhang naghilamos rin ito at nagsipilyo ng husto. Namumula pa kasi ang gilid ng labi nito na tila ba nababad sa maanghang na toothpaste "Oo naman. Practice nga lang eh" Tumayo siya upang salubungin ito. "P-Paano ba?" Naiilang na tanong ni Kyla sakanya "Hindi ko rin alam. J-Just close your eyes?" Nasasabik niyang sambit Napalunok muna ito bago ito unti unting pumikit. "W-Walang malisya to ha? Hindi to counted sa first kiss ko" Sabi pa nito habang nakapikit Siya naman ay tila nabibingi na sa lakas ng tibok ng kanyang puso habang nakatingin sa nakapikit na dalaga Dumilat itong muli dahil natagalan na pala ang pagtitig niya sa mukha nito "Akala ko ba hahalikan mo ko--" Hindi na niya pinatapos ang sasabihin nito. Hinapit niya ang bewang ni Kyla upang kabigin ang mga labi nitong nag-aanyayang mahalikan Nang maglapat ang kanilang malalambot na mga labi ay parang gusto niyang mapaungol sa tindi ng sensasyon na kanyang naramdaman Ang sarap naman ng unang halik niya! Ang sarap ng labi nito. Balak niya sanang halikan lamang ito ng isang dampi ngunit tila may sariling isip ang kanyang labi na gumalaw upang halikhalikan ang labi nito Ang nanlalaking mga mata ni Kyla ay unti unting napapikit at dahan dahan tinugon ang kanyang halik. Pareho silang hindi marunong humalik kaya pinutol niya saglit ang kanilang paghahalikan Namumungay ang mga mata nito ng magdilat ito ng mga mata "Igagalaw ko sa kabila ang ulo ko tapos ikaw naman sa kabila? Sa tingin ko ganoon ang tamang paghahalikan" Malambing niyang sambit kay Kyla bago niya muling sinakop ng masarap na halik ang labi nito Napakapit ito sa kanyang batok ng mas lumalim ang paghahalikan nila Kahit hindi sila marunong maghalikan ay para bang natutunan agad nila iyon Hindi niya tuloy mapigilan ilabas ang kanyang dila at ipasok iyon sa loob ng bibig ng dalaga. Napapanuod niya kasi ang ganoon Napaungol ito sa halik na kanilang pinagsasaluhan. Kumalas lang sila sa labi ng isat-isa dahil kapwa sila hinihingal at kailangan ng hangin Nagkatinginan sila at parehong hingal na hingal "Isa pa.." Muli niyang hinapit ang bewang nito upang makipaghalikan muli sa dalaga "Ummmm" Mahinang ungol ni Kyla na mas lalo pang nagpasarap sa kanilang paghahalikan Ilang minuto na silang naghahalikan at kapwa ayaw pa nilang tigilan ang labi ng isat-isa Ang halikan na iyon at nauwi sa paglalaplapan. Hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na ulit ulitin halikan si Kyla Natutuwa siya dahil ganoon rin ito. Tila sarap na sarap rin itong makipaghalikan sakanya Wala ba talagang malisya ang paghahalikan nilang iyon? Bakit kanina pa siya nakakaramdam ng pag-iinit ng kanyang katawan? "Kyla..." Ungol niya habang kahalikan ang kanyang kaibigan Binuhat niya ito upang dalhin sa sofa Dahan dahan niya itong hiniga sa sofa at pinang-ibabawan. Habang walang humpay ang kanilang paghahalikan. Pareho ba silang sabik makipaghalikan sa isat-isa? Hindi naman siguro halata? Napaungol ito ng mas lalong naging mapusok ang kanilang paghahalikan. Ngunit naputol lamang ang ginagawa nilang paghahalikan ng tumunog ang door bell ng kanyang condo unit at narinig nila ang masayang tinig ng kanyang mama Claudia dahil hindi pala nila naisarado ang pinto! "Surprise anak!" Kapwa sila hingal na hingal! Kapwa pulang pula ang kanilang mga mukha. Nahuli sila ng kanyang mama Claudia na naghahalikan at nakapatong ka siya sa katawan ni Kyla na nakahiga sa kanyang sofa! "Mom!" Mabilis siyang umalis sa ibabaw ni Kyla at tinulak naman siya nito "Tita Claudia! Mama!" Nanlaki ang mata nila dahil ang dalawa pala nilang ina ang naroon nakatayo sa pintuan at tulalang nakatingin sakanilang dalawa Huling huli sila ng mga ito sa kanilang paghahalikan! "A-Anong ginagawa niyo?" Nauutal na tanong ng mama ni Kyla dahil nabigla ang mga ito sa inabutang sitwasyon Ipinaliwanag nila na wala silang relasyon at tinutulungan lamang siya ni Kyla sa magiging kissing scene niya sa darating na movie nila ni Riva. Alam nilang hindi naniwala ang kanilang dalawang ina. Bakit naman kasi bigla nalang umuwi ang mga ito sa Pilipinas? Naabutan pa tuloy ng mga ito ang kanilang ginagawa ni Kyla Bitin na bitin siya sa halik na kanilang pinagsaluhan! Ramdam parin niya ang mainit na labi ni Kyla habang kahalikan niya ito. Wala ba talagang malisya iyon? Simula ng magkahalikan sila ay madalas na niya itong halikan sa mga labi nito. Naging normal nalang ang paghahalikan sa kanilang dalawa. Wala naman itong nobyo at wala rin naman siyang nobya. Walang masama kung maghahalikan sila dahil kapwa nila gustong gawin iyon paminsan minsan Ngunit nanatiling best friend lamang ang lebel ng kanilang relasyon sa pagdaan ng apat na taon. Pitong taon na siyang artista at nakamit na niya ang pinakamataas na kasikatan sa lahat ng actor sa buong Pilipinas. Siya na ang pinakasikat na actor at may pinakamaraming tagahanga. Nanatiling personal assistant niya si Kyla at matalik na kaibigan, na may halong paglalandian. Pinagbawalan siya ng manager niya at ni Riva na maging sweet kay Kyla dahil may mga articles ang lumalabas tungkol sakanilang dalawa Kaya naman pinipigilan niyang maging malambing sa dalaga sa tuwing may ibang tao. Ngunit kapag silang dalawa lamang ay nilalambing niya ito. Nakasanayan na ni Clyde ang ganoong set up nila ni Kyla. Walang lebel pero alam niyang may special na namamagitan sakanila na higit pa sa pagkakaibigan Ramdam naman siguro nito iyon dahil palagi silang naghahalikan sa kanyang condo unit Hangang paghahalikan lang naman ang kanilang ginagawa dahil nirerespeto niya parin ito. Kontento na siya sa kanilang relasyon. "Clyde kailangan niyong magpangap na may relasyon na kayo ni Riva." "What?" Napataas ang boses ni Clyde dahil sa sinabi ng kanyang manager. Kakatapos lamang ng kanyang photoshoot ng makipag-meeting ito sakanila ni Riva "You have to do it. Masyado ng matagal ang love team niyo. Seven years? Nagtataka na ang mga fans niyo bakit hindi parin nagiging kayo." "I'm sure Clyde mas maraming projects ang darating satin." Hinawakan ni Riva ang kanyang kamay. Kaibigan niya rin ito. Mabait naman si Riva at napalapit na rin ang loob niya sa dalaga dahil ito lamang ang naging ka-love team niya simula pa ng mag-umpisa siyang mag-artista Napabuntong hininga siya. Wala namang problema kung magpapangap silang may relasyon pero.. Paano naman si Kyla? Baka magselos ito? Kahit hindi niya ito nobya ay parang ganoon na rin ang relasyon nila. May magbest friend bang naglalaplapan? Wala! Kung meron man ay silang dalawa iyon ni Kyla. "Hindi mo maaring sabihin kahit kanino, kahit sa mama mo o sa best friend mo na peke ang relasyon niyo ni Riva. Maliwanag?" Paalala pa sakanya ng manager niya Lalo tuloy siyang namoblema. Ayaw niyang magselos si Kuting dahil baka hindi na siya halikan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD