Chapter 2

2953 Words
Chapter 2 KYLA POV Napahikab si Kyla habang pinipigilan niyang makatulog sa loob ng sinasakyan niyang bus. Pauwi na siya sa kaniyang condo unit mula sa overnight taping ng bagong tele-seryeng pinagbibidahan ni Clyde. Siya parin ang tumatayong personal assistant nito sa loob ng pitong taon. She's already 23 years old. Nakapagtapos sila ni Clyde sa kursong business management sa pamamagitan lamang ng online courses. Isinabay nila ang kanilang pag-aaral sa rumaragasang showbiz career nito. Masaya siya dahil naging tagumpay ito sa larangan ng pagiging artista. Masaya siya dahil hangang ngayon ay siya parin ang one and only best friend nito Wait, Masaya nga ba siya? Kinapa niya ang kanyang sariling damdamin ng maisip niyang bakit kaya hangang ngayon ay best friend lamang ang label ng kanilang relasyon? Samantalang hinahalikan siya nito madalas sa kanyang labi sa tuwing silang dalawa lamang ang magkasama. Nahihiya siyang magtanong tungkol sa estado ng kanilang relasyon. Wala rin naman silang sine-celebrate na anniversary kaya paniguradong wala silang relasyon maliban sa pagiging matalik na magkaibigan Napabuntong hininga siya ng mapatingin siya sa labas ng bintana. Naroon ang naglalakihang billboards ng binata kasama ang babaeng ka-love team nito na walang iba kundi si Riva Sanches. Bagay na bagay ang mga ito. Kaya naman hindi kataka-takang nakuha ng mga ito ang puso ng sambayanang pilipino. Mahal na mahal ng buong bansa ang love team ng mga ito. Sa tingin nga ni Kyla ay makikipagpatayan ang mga avid-fans ng tambalang Clyriva kapag may mang-gugulo sa mga ito. Muli tuloy siyang napabuntong hininga. Bakit kaya nalulungkot siya? Simula kasi ng araw na maghalikan sila sa loob ng condo unit nito ay nagbago na ang damdamin niya para sa binata. Nakaramdam na siya ng kakaibang damdamin para dito. Lalo pa't napakalambing nito palagi sakanya. Masyadong marupok ang puso niya upang hindi tablan ng karisma nito. Naputol lang ang pag-mumuni muni niya ng tumunog ang ringtone ng kanyang cellphone. Boses iyon ni Clyde habang kumakanta sa isa sa mga concert nito. Iyon ang ginawa niyang ringtone sa tuwing ito ang caller niya. "Hello?" "Kuting san kana?" May halong pag-aalala ang boses nito. Isa sa mga nagustuhan niya ng husto kay Clyde ay daig pa nito ang isang nobyo kung mag-alaga at maglambing sakanya "Malapit nako sa condo" Napapahikab na sagot niya "I'm so sorry. Pasensya na kung hindi kita naihatid ngayon." Ngumiti siya kahit alam niyang hindi naman siya nakikita nito. "It's okay. Inaantok na rin ako eh. Hindi ko na kayang hintayin ang pag-pack up. Ako nga dapat ang mag sorry sayo kasi umuwi agad ako--" "No it's okay. Kagabi pa nga kita pinapauwi ikaw lang ang matigas ang ulo" Muli siyang napangiti. Totoo naman iyon. Kagabi pa siya pinapauwi ni Clyde. Sinabi nito sakanya na magiging overnight ang taping nito dahil hinahabol ng director ang eksena na gagawin ng mga ito. Kinapos kasi sa oras ang tapings dahil nagkaroon ng bagyo noong nakaraang linggo. Natigil ng ilang araw ang tapings kaya ngayon lamang nakakabawi ang mga ito. "Don't worry malapit nako sa condo." "Call me kapag nakauwi kana." "Yes boss" Biro niya kay Clyde Madalas niya itong biruin na boss niya ito dahil palagi siya nitong inuutusan. Narinig niya ang boses ng isa sa mga staff sa background ni Clyde. Mukhang tinatawag na ito. "Clyde mag-start na daw sabi ni direk!" "Ingat ka kuting ha? Don't forget to call me. I have to go back there" "Okay Clyde. Bye" "Bye baby.." Natigilan siya sa sinabi ni Clyde. Tama ba ang narinig niya? O baka nag-iilusyon lang siya? Tinawag ba talaga siyang baby nito? Nais niya sana itong tanungin ngunit nawala na ito sa kabilang linya. Natitigan nalang tuloy niya ang screen ng kanyang cellphone. "C-Clyde" Mahinang sambit niya sa pangalan ng binata. Hindi na talaga niya mapigilan ang kanyang puso na tuluyan magkaroon ng pagmamahal para sa binata. Pagmamahal na higit pa sa pagiging matalik na kaibigan. Pagdating niya sa kanyang condo ay agad siya naligo upang makapag-palit ng pangtulog na damit. Balak niyang matulog agad. Papikit na sana siya ng marinig niyang tumunog nanaman ang ring tone ng kanyang cellphone Si Clyde ang tumatawag sakanya. "Hello--" "Kuting nakauwi kana ba? Sabi ko tawagan mo ako kapag nakauwi kana eh. Nag-aalala ako sayo--" "Oo nakauwi nako. Heto nga matutulog na sana ako kung hindi ka lang nang-istorbo" Biro niya "Oh sorry. Sige matulog kana para makabawi ka ng lakas mo. See you later." "Goodmornight Clyde." Inaantok na paalam niya at unti unti na siyang hinihila ng antok May sinabi ito sa kabilang linya ngunit hindi na niya naunawaan ang sinabi nito dahil nakatulog na siya. Mabilis na dumaan ang dalawang linggo. Naging busy si Clyde sa mga tapings nito. Hindi muna siya pinasama ng manager ni Clyde sa taping dahil ipinag-utos daw nito iyon. Napansin daw kasi ng manager ni Clyde na madalas nawawala sa focus ang binata sa tuwing naroon siya. Ngunit nagulantang si Kyla ng mapanuod niya ang recent video ni Clyde at Riva na naghahalikan sa isang private restroom Mukhang kuha iyon ng isa sa mga fans ng mga ito. Naglalaplapan ang dalawa! Base sa mga comments na kanyang nabasa ay madalas daw gawin ng mga ito ang paghahalikan sa likod ng camera. Sobrang nadurog ang puso niya. Malinaw sa video na iyon ang mukha ng dalawa. Mukhang masaya ang mga ito pagkatapos maghalikan dahil ngumiti pa ang mga ito sa isat-isa Hindi pa roon natapos ang pagwasak ng kanyang puso. Dahil mismong si Clyde ang nag-kumpirma na in-relationship na daw ang mga ito! Nakatutok ang paningin ni Kyla sa flat screen tv habang pinapanuod niya ang interview ni Clyde "My God Kyla! Iniiyakan mo yang lalakeng yan?" Naiiritang tanong ni Dina sakanya habang naroon sila sa bahay nito. Isa rin itong artista ngunit hindi ito masyadong sumikat. Kaibigan niya parin ito hangang ngayon. Pinunasan ni Kyla ang luha sa kanyang pisngi. Derederetso kasing pumapatak ang mga luha niya. Patuloy niyang pinapanuod ang interview ni Clyde. Kahit parang pinupunit ang kanyang puso. "Kayo na ba ni Miss Riva Sanches?" Tanong ng isang reporter kay Clyde Mendez Parang winarak nito ang kanyang puso ng ngumiti ito ng matamis na para bang kinikilig pa "Yes. Girlfriend ko na po si Riva. We're in a happy relationship" Deklara ng binata. Paniguradong magugulantang ang fans ng mga ito at magbubunyi. Ngunit kabaliktaran naman iyon ng nararamdaman ni Kyla. Napahikbi siya dahil ngayon lamang nagkaroon ng ibang babae sa buhay ni Clyde. Umaasa pa naman siyang may something sakanilang dalawa ng kanyang kaibigan dahil madalas silang maghalikan ng patago. Ngunit may ibang kahalikan rin pala ito ng patago! "Shhh. Tahan na bessy. Huwag mong iyakan yang lalakeng yan." Hinagod ni Dina ang likod niya Mula pa noon ay ayaw na ni Dina kay Clyde. Naiinis raw kasi ito sa mga pa-fall moves ni Clyde para sakanya. Palagi siyang sinasabihan ni Dina na huwag magpapabola sa kanyang best friend. Naikwento niya kasi kay Dina ang mga paglalambing ni Clyde minsan sakanya. Naiinis ito dahil hindi daw linawin ni Clyde kung sino ba talaga siya sa buhay nito. "Ang tanga ko. Umasa ako na ako ang gusto niya.." Mahinang hikbi niya "Shhhh. Tahan na." Patuloy lamang nitong hinahaplos ang likod niya "Kaya pala two weeks na siyang palaging busy. Nagkamabutihan na pala sila ni Riva." Napabuntong hininga si Dina at tinitigan siya nito. "Ikaw lang naman ang bulag eh? Mula noon pa man may something na talaga sa dalawang yun eh. Kaya nga kinikilig ang mga fans sakanila dahil may nararamdaman ang mga fans na kakaiba sakanila. Panigurado nahahalata rin nila na mag feelings talaga yung dalawa para sa isat-isa" Napahikbi siyang muli. Siya lang ba ang nagbulag-bulagan? Oo nga naman. Hindi naman tatagal ang love team ng mga ito kung wala talagang something sa mga ito. "Ilang taon na kayong magkarelasyon?" Tanong pa ng reporter kay Clyde Natuon tuloy muli doon ang atensyon nila ni Dina. Kapwa sila kinakabahan sa isasagot nito. "Huwag mo na ngang panuorin yan--" Pipindutin na sana ni Dina ang power button ng remote control na hawak hawak nito upang patayin ang telebisyon. Ngunit mabilis niya itong pinigilan dahil nais niyang marinig ang isasagot ni Clyde "Wait gusto kong marinig ang sagot niya" Seryoso niyang sabi kay Dina kaya hinayaan nalang siya nitong patuloy na panuorin ang interview ni Clyde Mendez "Seven." Maiksing sagot ni Clyde "Seven days? months? o years?" Tanong muli ng reporter dahil hindi malinaw ang naisagot ni Clyde Ngumiti si Clyde at buong puso nitong sinagot ang katanungan ng reporter "Seven years. Simula ng makilala ko si Riva naging girlfriend ko na siya. We just want to keep it private." Napaawang ang bibig ni Kyla sa narinig. Tila pinagbagsakan siya ng langit at lupa. Pitong taon? Pitong taon na ang relasyon ng mga ito? Minabuti naman ni Dina na patayin na ang telebisyon dahil sa sobrang inis nito kay Clyde "Jusko! Gag*! huwag na nga natin panuorin yang Clyde na yan!" Naiiritang sabi ni Dina pagkatapos nitong iturn-off ang tv Napahagulgol naman siya Ibig bang sabihin, simula ng mag-artista si Clyde ay naging nobya na nito si Riva? Bakit hindi man lang niya iyon napansin? "Tumahan kana nga diyan! Huwag mong iniiyakan ang mga lalakeng pa-fall!" Niyakap siya ni Dina kahit alam niyang naiinis na ito sakanya. Saksi kasi ito kung paano siya tuluyan nahulog sa isang Clyde Mendez. Saksi si Dina sa mga paasa moves ni Clyde sakanya. "Dito muna ako makikitulog sa bahay mo. Ayoko munang umuwi sa condo" Ayaw niyang umuwi sa condo unit niya dahil katabi lamang ng condo unit niya ang condo unit ni Clyde. Mula pa kaninang umaga ng mapanuod niya ang video ng paghahalikan nila Clyde at Riva ay sinadya niyang patayin ang kanyang cellphone. Ayaw niya kasing makatangap ng tawag mula sa binata. Hindi niya pa kayang kausapin ito. Wala naman siyang karapatan magalit at masaktan dahil hindi naman siya girlfriend nito. Ngunit siyempre masakit iyon para sakanya. "Sige dumito ka muna." "Salamat Dina.." "Matutuwa ang kuya ko mamaya pag-uwi non kapag nakita ka niya dito sa bahay" Makahulugang sabi ni Dina Mula pa noon ay nirereto na siya nito sa kuya nito. Gwapo rin ang kuya nito at isa ring artista. Hindi nga lang ito masyadong sikat dahil nakay-Clyde ngayon ang spot light. May gusto daw sakanya ang kuya Axelle ni Dina mula pa noon. Pero hindi naman niya ito binibigyan ng pagkakataon na makaporma sakanya dahil palaging si Clyde lamang ang inaatupag niya Wala na siyang oras para sa kanyang love life. Dahil nga umaasa siyang balang araw ay magiging in relationship sila ni Clyde. "Anong oras darating ang kuya mo?" Tanong niya "Itetext ko siya na narito ka para maaga siyang umuwi" Nakangising sagot ni Dina sakanya. Botong boto kasi ito sakanilang dalawa ni Axelle. Gustong gusto kasi siyang maging sister in law ni Dina balang araw. Nasa probinsya ang magulang ng mga ito. Kaya naman tatlong magkakapatid lamang ang mga ito ang nakatira sa bahay nila Dina. Dalawang babae at si Axelle ang panganay. Ang magkakapatid na ito ay pawang mga artista rin. Maganda at malaki rin ang bahay nila Dina kaya naman maari siyang manirahan doon pansamantala habang iniiwasan niya si Clyde at pinapahilom muna niya ang asado niyang puso. Tama nga si Dina, umuwi agad ang kuya Axelle nito ilang minuto lang ng itext ito ng kaibigan niya. "Hi Kyla.. Dito ka raw muna titira?" Nakangiting bati sakanya ni Axelle. Mukhang masaya itong makita siya sa loob ng bahay ng mga ito. Gwapo rin ito at matangkad katulad ni Clyde ngunit hindi talaga nito mapapantayan kung gaano kagwapo si Clyde sa paningin niya. "Hi? Oo dito muna ako. Ayos lang ba?" Tipid na ngiting tanong niya "Oo naman!" Masayang sagot nito sakanya. Ayaw muna sana niyang makipagkwentuhan ngunit nakakahiya naman kay Axelle kaya pinagbigyan niya rin ito. Marami itong tinatanong sakanya at sinasagot naman niya ang mga tanong nito. Ngunit habang nagkwekwentuhan sila ay lumapit si Dina sakanya. "Nasa labas si Clyde. Gusto ka raw kausapin" Napapangusong bulong ni Dina sakanya upang hindi iyon marinig ng kuya Axelle nito. Parang tinambol ang puso niya. Napatingin siya sa wall clock ng bahay nila Dina. Aba't anong ginagawa ni Clyde sa bahay nila Dina? Alas-onse na ng gabi! "Paano niya nalaman na narito ako?" Nagkibit balikat ito. "Malay ko. Malakas yata ang pakiramdam ng hilaw mong nobyo eh" Naiiritang sabi ni Dina "A-Ayoko muna siyang kausapin." "Kausapin mo na parang depress eh." "Ayoko. Sabihin mo wala ako--" "Kausapin mo na. Pero huwag kang magpapahalata na apektado ka sa mga balita baka lalo pang lumaki ang ulo ng Clyde na yun eh. At sa tingin ko walang balak umalis yun sa gate namin hangat hindi ka niya nakakausap" Huminga siya ng malalim. Ano pa bang ginagawa ni Clyde dito? Sinusundo ba siya nito? Isang buong araw na kasi siyang hindi nag-bubukas ng kanyang cellphone. Ayaw niya nga muna sana itong makausap ngunit may bahagi rin sa kanyang puso ang nais itong makita ngayon "Something wrong? Ano ang pinagbubulungan niyo?" Usisa naman ni Axelle sakanilang dalawa ni Dina ng mahalata nitong may pinagbubulungan silang dalawa "Wala. May kakausapin lang ako saglit Axelle maiwan muna kita dito" Nagpaalam muna siya sa magkapatid bago siya lumabas ng bahay nila Dina. Naroon sa tapat ng gate nila Dina ang brand new grand cherokee car ni Clyde. Alam niyang naroon sa loob ang binata at nararamdaman niyang nakatingin ito sakanya habang papalabas siya ng gate nila Dina Hinanda niya ang kanyang pinaka-matamis na ngiti upang hindi isipin ni Clyde na apektado siya sa balita tungkol dito "Anong ginagawa mo dito Clyde?" maang-maangan niyang tanong sa binata pagkapasok niya sa loob ng kotse nito. Kung gaano katamis ang kanyang ngiti ay kabaliktaran naman iyon ng gwapong mukha nito. Naka-simangot ito. "Ikaw ang dapat kong tanungin niyan, What are you doing here? At bakit hindi kita macontact--" Ngumiti muli siya ng walang kasing tamis. Kahit ang totoo ay naiinis siya. Bakit parang ito pa ang galit? "Nalowbat kasi ako. Hindi pa ako nakakapag-charge ng cellphone ko. Nag-eenjoy kasi ako maghapon kaming nagbonding ni Dina." Nakangiting paliwanag niya Daig niya pa ito sa pagiging isang magaling na artista. "Only Dina?" Kunot nuong tanong pa nito Kilala nito ang nakakatandang kapatid ni Dina. Walang iba kundi si Axelle. Alam rin nito na may gusto sakanya si Axelle mula pa noon. "Y-Yeah" Ewan ba niya pero nagawa parin niyang pagtakpan na nakakwentuhan niya si Axelle ngayon-ngayon lamang. Huminga ito ng malalim bago ito napahagod sa buhok nito. Tama si Dina, mukhang problemado nga ito. Kilala niya ito sa tuwing stress ito ay palagi nitong hinahagod ang buhok nito. "N-Napanuod mo na ba?" Mahinang tanong ni Clyde sakanya "Ang alin?" Patay malisya niyang tanong kahit alam niya ang tinutukoy nito "A-About the latest news?" "Oh! Yung sikretong relasyon niyo ni Riva o yung video niyo? I-I'm happy for you! Ikaw ha! Ang daya mo hindi mo sakin naikwento na mayrelasyon pala kayo ha?" Pinasigla niya ang kanyang boses upang pagtakpan ang tunay niyang nararamdaman Hinding hindi niya ipapakita kay Clyde na labis siyang nasaktan! Bahagya niya pang sinundot ang tagiliran nito at mapanukso itong tinukso. "Pumapag-ibig kana pala ha?" Lalo naman kumunot ang nuo nito at di makapaniwalang tinignan siya "You're not mad?" Dismayado nitong tanong at para bang hindi nito inaasahan ang reaksyon niya "Aba siyempre hindi! Bakit naman ako magagalit? Masaya nga ako dahil sa wakas may first girlfriend kana eh" Napatiimbagang ito habang seryosong nakatingin sakanya. "Are you fooling me Kyla?" Seryosong tanong nito sakanya na para bang nasasaktan ito "Ha?" "Masaya ka pa talaga sa nabalitaan mong relasyon namin ni Riva?" Napakunot naman ang nuo niya. Ano bang gusto nito? Maglupasay siya sa sahig? No way! "Oo naman! Bakit naman hindi? Mas maraming projects ang darating sainyo lalo niyan dahil for real naman pala ang relasyon niyo, hindi lang sa harap ng camera kundi pati patago rin." Sinikap niyang huwag lakipan ng pagiging bitter ang kanyang boses ngunit kusa iyong lumalabas sa bibig niya. Ngumiti nalang siya ng matamis upang huwag itong makahalata Tumahimik ito at hindi na nagsalita pa. "Bakit ka pala nandito? Sabi ni Dina gusto mo raw akong kausapin?" Nakasimangot parin ito. "Wala naman palang dapat pag-usapan" May pait sa tono ng boses nito. "K-Kung ganoon babalik na ako doon ha?" "Nandiyan ba si Axelle?" Matalim ang tingin nito sakanya "Malamang bahay nila yan eh. Sige Clyde mag-ingat ka pag-uwi mo--" Napatigil siya sa pag-baba niya sa kotse nito ng hawakan nito ang kanyang kamay "Let's go home" Seryoso at parang kulog ang boses nitong sabi sakanya Mahigpit rin ang pagkakahawak nito sa kanyang pulsuhan. "A-Ayoko pang umuwi. Nag-uusap pa kami nila Dina--" "Nila? Nila Axelle?" Halos magsalubong ang kilay nito na mas lalong napahigpit ang hawak sakanya "May problema ba Clyde kung kausapin ko man sila Axelle? Sa pagkakaalam ko malaya naman tayong makipag usap sa ibang tao, ikaw nga nakikipaghalikan pa sa iba diba?" Kunot nuong tanong niya Tila natauhan naman ito at saglit na natigilan. "Trabaho lang yun--" "Umuwi kana Clyde. I want to stay here." Inalis niya ang kamay nitong nakahawak sakanya bago siya lumabas ng kotse nito Narinig niya pang napamura ito at tinawag ang pangalan niya "Damn! Wait lang kasi kuting!" Ngunit derederetso na siyang pumasok sa loob ng bahay nila Dina. Nilock agad niya ang gate nila Dina at patakbong pumasok sa loob. Sinalubong naman agad siya ni Dina sa loob ng bahay ng mga ito. Agad siyang yumakap kay Dina upang pakawalan ang mga luha na kanina pa niya pinipigilang umagos. "Ang sakit sakit Dina..." hikbi niya habang hinahayaan ang sariling ibuhos lahat ng hinanakit sa balikat ng kanyang kaibigan Nakatingin naman si Axelle sakanya habang umiiyak siya. Tila naawa ito sakanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD