Chapter 3

2457 Words
Chapter 3 Kanina pa nagkukwento si Axelle ngunit wala naman masyadong maintindihan si Kyla sa mga sinasabi nito. Paano ay naroon sa labas ng bahay ng mga ito lumilipad ang isip niya. Kanina pa niya iniisip kung umalis na kaya si Clyde sa tapat ng bahay nila Dina? Umuwi na kaya ito? Mag dadalawang oras na kasi simula ng matapos ang pag-uusap nilang dalawa ni Clyde kanina sa loob ng kotse nito. Sa tinagal tagal nilang magkaibigan ng binata ay ngayon lamang sila nagkaganoon. Minsan ay nagkakatampuhan sila ngunit parang seryoso na ang pagtatampuhan nila sa pagkakataong ito. Mabigat kasi ang puso niya. Iniisip niya rin kung nakauwi kaya ito ng maayos? Tinatawagan pa rin ba siya nito sa kanyang dead-battery phone? Nais niya tuloy buksan ang kanyang cellphone upang tanungin si Clyde kung nakauwi na ba ito. Ngunit siyempre pinipigilan lamang niya ang kanyang sarili dahil nasasaktan parin siya sa sitwasyon. Sino ba naman kasing hindi masasaktan? Buong buhay siyang pinaasa nito sa wala. Mayroon naman pala itong tinatagong nobya all those years. Teka, pinaasa ba talaga siya nito? O siya mismo ang kusang umasa? Kahit sino naman kasi ang tanungin, mahahalata talaga na higit pa sa pagkakaibigan ang namamagitan sakanila lalo na sa mga kilos ng binata. Idagdag pang panay ang nakaw nito ng halik sakanya sa tuwing nakakapagsolo sila. Pero sapat na ba ang pag-hahalikan para bigyan niya ng meaning ang mga ginagawa nito at ang estado ng relasyon nila? Ang hirap talagang magmahal ng walang label. Nakakalito. Sobrang sakit umasa at higit sa lahat hindi niya alam kung may karapatan nga ba siyang magdrama at masaktan dahil technically, magkaibigan lamang sila. "Kyla are you okay?" Napa-kurap siya ng hawakan ni Axelle ang balikat niya dahilan para manumbalik siya sa kasalukuyan. Lumipad na kasi ang utak niya. "A-Ayos lang ako. Inaantok lang siguro ako Axelle." Tinunga niya ang beer in can na ibinigay ni Axelle sakanya kanina. Inaya kasi siya nitong mag-kwentuhan sila saglit sa living room ng bahay nito kung hindi pa raw siya inaantok. Pumayag naman siya at siya pa ang nang-hingi ng beer sa binata. Ngunit ayaw nitong malasing siya, kaya naman isang beer lang daw ang maari nitong ibigay sakanya Mag-aalauna na ng madaling araw, silang dalawa nalang ni Axelle ang nasa living room. Marahil tulog na tulog na ngayon si Dina. Pagkatapos kasi niyang umiyak kanina at mahimasmasan ay nagpaalam na ito sakanya na matutulog na raw ito. Bumuntong hininga si Axelle habang nakatingin sakanya "Alam kong hindi ka nakikinig sa mga kwento ko. Pero sana huwag mo na munang isipin si Clyde. Nandito naman ako Kyla.." Malungkot nitong sambit habang nakatingin sakanyang mga mata. May lungkot siyang nababasa sa mga mata nito. "A-Axelle" "Highschool pala tayo crush na crush na kita. Actually dalawa kami ni Carlo ang may gusto sayo." Patuloy itong nagkwento. "Kaso hindi kami makaporma sayo dahil binabakuran kana ni Clyde noon pa man. Akala ko noon gusto ka niya. Kaya hindi nalang ako pumorma sayo kasi pansin ko rin naman may gusto ka sakanya." Ito naman ang tumunga ng beer habang nagkukwento ito. "But this time, I will grab the chance Kyla, Pero gusto kong sabihin sayo na gustong gusto parin kita.--" "Axelle--" "Don't worry handa naman ako kahit maging panakip butas mo lang, payag ako wait, mas maganda sigurong sabihin kung magiging band-aid na lang ako diyan sa puso mo?" Napapangiti ito sa sariling kakornihan ngunit may kaseryosohan ang mga mata nito Hinawakan nito ang kanyang kamay "Tatakpan ko ang sugat ng puso mo hangang sa gumaling na yan." Napangiti tuloy siya dahil may pagka-baduy pala ang kuya ni Dina. Matanda ito sakanila ng dalawang taon. Sa pagkaka-alam niya ay 25years old na ito. "Antok lang yan Axelle. Ikaw talaga--" "I'm serious Kyla. I want to be your boyfriend. Pwede ba?" Kusang napanganga ang kanyang bibig dahil sa sinabi nito. Tatangi sana siya ngunit nag-flash back yata sa utak niya ang mga sinabi ni Dina sakanya kanina. Panahon na para palayain mo yung feelings mo para kay Clyde. Ikaw lang naman ang umaasa sa wala. Bakit hindi mo subukan mahalin yung kuya Axelle ko? Subukan mo lang girl, dahil alam kong gustong gusto ka ng kuya ko. Malay mo si kuya talaga ang para sayo? Napalunok tuloy siya. Tinitigan niya ang gwapong mukha ni Axelle. Gwapo rin ito ngunit alam niyang doble talaga ang kagwapuhan ni Clyde lalo na pagnaglalambing ito sakanya. Bigla niya tuloy naisip ang gwapong mukha ni Clyde sa tuwing pinipisil nito ang ilong niya. Ipinilig niya ang kanyang ulo upang mawala sa kanyang paningin ang gwapong mukha ng bestfriend niya Baka nga tama si Dina, baka nga panahon na siguro para palayain niya ang feelings niya para kay Clyde. Baka kailangan niya ng bagong pagtutuunan ng pansin. Masyado niya kasing pina-ikot ang buhay niya sa kanyang bestfriend kaya tuloy heto siya ngayon at wasak na wasak ang puso. "Sige" Wala sa loob na pagpayag niya Tila pareho silang nagulat sa sinabi niya. Hindi na niya masyadong pinag-isipan pa ang pagsagot kay Axelle. Hindi man lang siya nagpaligaw? Hindi man lang niya pinag-isipan? Saglit itong natulala dahil nabigla rin ito sa kanyang isinagot. "D-Do you mean girlfriend na kita?" Hindi makapaniwalang tanong nito Tipid siyang ngumiti. Nakakaramdam siya ng lungkot sa kanyang puso. Buong buhay niya kasing pinangarap na maging first and last boyfriend si Clyde ngunit heto siya ngayon at iba ang kanyang naging first boyfriend. Mabait naman kasi si Axelle, alam niya iyon dahil bukambibig ito ni Dina palagi sakanya. Nirereto talaga ni Dina ang kuya nito para sakanya dahil gustong gusto siya nitong maging sister in law. "Oo. Girlfriend mo nako Axelle. Ikaw naman ang may sabi na handa kang maging band-aid diba?" Napapangiting tanong niya sa binata kahit hindi man lang umabot sa kanyang mga mata ang kanyang ngiti "Oh God! Nananaginip ba ako?" Napahilamos ito sa sariling mukha na para bang hindi parin makapaniwala Hinawakan nito ang kamay niya. Napalunok siya. Bakit kaya wala siyang ibang maramdaman? Bakit hindi man lang niya nararamdaman ang kakaibang kaba at pag-init ng pisngi katulad sa tuwing si Clyde ang hahaplos sakanya? Ipinilig niyang muli ang kanyang ulo. Nahihibang na siya. "Oo naman. Handa akong pasayahin ka Kyla." Kitang kita niya sa mga mata nito na sobrang saya nito. "Kung makangiti ka naman diyan akala mo naman pang-miss universe ang naging girlfriend mo ngayon?" "Ofcourse. Ikaw ang pinakamagandang babaeng nakilala ko. Ingit na ingit nga ako kay Clyde noon dahil palagi ka niyang kasama." Tipid lamang siyang ngumiti "I love you Kyla noon pa." Hinalikan ni Axelle ang likod ng kanyang kamay. Napasinghap siya. Tama ba itong ginagawa niya? Tama bang gumamit siya ng ibang tao para makalimutan yung isa? Tama man o mali, susubukan niya parin. Gustong gusto na kasi niyang mawala ang pesteng damdamin niya para kay Clyde Nais niyang maging bestfriend na lang talaga ang turing niya sa binata katulad noon. Katulad noong hindi pa sila naglalaplapan sa condo unit nito four years ago. Kung hindi kasi sila nagkiss nung gabing iyon ay baka sakaling hindi nahulog ng husto ang loob niya kay Clyde at baka sakaling hangang ngayon ay matalik na kaibigan lamang ang turing niya sa binata Bakit kasi napakasarap humalik ng isang yun? Daig pa ang droga sa sobrang nakaka-adik ang labi nito. "Salamat Axelle." Hahalikan sana siya ni Axelle sakanyang labi ngunit nag-ring ang cellphone nito na nakapatong sa center table Nakahinga ng maayos si Kyla. Hindi pa yata siya handang magpahalik sa ibang lalake! Kinabahan siya ng husto! Mabuti nalang at may nang-istorbo sakanila "Hello, Mrs.Chua" Sagot ni Axelle sa cellphone nito. Napalunok si Kyla ng marinig kung sino ang taong kausap ni Axelle sa mga oras na iyon. Walang iba kundi ang manager ni Clyde na si Mrs.Chua! Bakit ito tumatawag kay Axelle? Bumuntong hininga si Axelle habang nakikinig ito sa sinasabi ng taong nasa kabilang linya Tinakpan nito ang ilalim ng cellphone bago siya tanungin. "Mrs.Chua wants to talk to you" Sabi ni Axelle sakanya sa seryosong tono ng boses nito Napalunok siya. Boss niya parin ito dahil ito ang manager ni Clyde. Ginagalang niya ito kaya naman hindi siya maaaring tumangi Tumango lamang siya Ibinigay ni Axelle sakanya ang cellphone nito upang kausapin daw siya ng manager ni Clyde "H-Hello po?" "My God Kyla! Anong kaartehan yan?! Alam mo bang nandiyan parin si Clyde sa labas ng bahay na yan?! Alam mo namang may concert yan bukas! Imbis na nagrerehersal yan ngayon o nagpapahinga na ay nariyan parin yan para sunduin ka! Ano ka ba naman?! Ano bang dinadrama mo? Alam mong matigas ang ulo niyang si Clyde! Ayaw makinig sakin! Pinatawagan ka pa talaga. Umuwi na kayo! Huwag kana mag-inarte. Mapapasama pa lalo kapag may mga makakita kay Clyde diyan!" Halos hindi pa nakakasalita si Kyla ng sigawan at pagalitan siya ni Mrs.Chua sa kabilang linya Ibig bang sabihin ay naroon parin si Clyde sa labas ng bahay nila Dina? At ayaw daw nitong makinig kay manager chua? Napalunok siya ng sunod sunod. Nakaramdam siya ng pag-aalala para kay Clyde! Ibig sabihin dalawang oras na itong naghihintay sakanya? Mag-aala-una na ng madaling araw! Naalala niya tuloy na mayroon nga itong concert sa Araneta bukas! Ngunit heto ito at sinusundo siya? "Ano Kyla?! Lumabas kana riyan para makauwi na kayo!" Sigaw pang muli ni Mrs.Chua sa kabilang linya Kahit hindi niya ito nakikita ay na-iimagine na niya ang singkit nitong mga mata na nanlalaki na sa mga oras na iyon at ang mga ugat nito sa leeg ay naglalabasan na! Napatayo tuloy siya "Opo heto na po uuwi na!" Mabilis niyang ibinalik kay Axelle ang phone nito. Tahimik lang nitong tinangap ang cellphone. "A-Axelle--" "I understand pinaliwanag na ni Mrs.Chua sakin kanina. Don't worry it's okay. Tatawagan nalang kita bukas." Ngumiti ito ngunit alam niyang nalulungkot ito "Salamat Axelle. Pakisabi nalang kay Dina umuwi na ako." Dahil naaawa naman siya sa malungkot na mukha ni Axelle ay binigyan niya ito ng isang halik sa pisngi nito Parang nagliwanag ang mukha nito dahil sa kanyang ginawa "Good night Axelle salamat sa pagdamay sakin. Huwag kang mag-alala susubukan kong matutunang mahalin ka" Niyakap siya nito. Paglabas niya ng bahay nila Dina ay dali-dali naman nagtext si Axelle sa girlfriend nitong si Sandra. Nakipag-break si Axelle sa girlfriend nito. Hindi kasi nito akalain na papayag agad siya sa pakikipag relasyon dito. Mayroon pa itong kasalukuyang nobya at mahigit dalawang buwan palang ang relasyon. Nabigla naman ang nobya ni Axelle ngunit wala naman itong magagawa. Samantala paglabas ni Kyla sa gate ng bahay nila Dina ay agad na napalunok siya. Naroon pa nga ang kotse ni Clyde! Kumislap ang ilaw niyon ng isang beses. Tanda na naroon sa loob ng kotse nito ang bestfriend niya. Nakaramdam tuloy siya ng awa para kay Clyde dahil dalawang oras na itong naroon. Panigurado ay pagod na pagod pa naman ito sa sunod sunod na ginawa nito buong araw. Tinted ang kotse nito. Hindi ito lumalabas ng kotse nito dahil baka may ibang taong makakita dito. Nagmadali na tuloy siyang sumakay ng kotse nito. Palakas ng palakas ang t***k ng kanyang puso. Ewan ba niya kung bakit pakiramdam niya ay sinusundo siya ng nobyo niyang tunay? Ah ewan! Tahimik siyang sumakay ng kotse nito. Tumingin siya sa gwapong mukha nito. Pero parang gusto niyang bawiin ang kanyang paningin dahil kitang kita niya ang pagod at stress sa gwapong mukha ni Clyde Parang gusto niya tuloy haplusin ang pisngi nito "Uwi na tayo kuting.." Mahinang sambit nito na para bang pagod na talaga. Napayuko tuloy siya Isang buong araw palang silang nagkakatampuhan ay parang miss na miss na niya ito. "S-Sige" Habang nasa biyahe sila ay ramdam niyang malungkot ito. Hindi ito kumikibo habang nagmamaneho ito. "M-May concert ka bukas diba? bakit kasi hinintay mo pa ako. Nagagalit tuloy si manager chua" Basag niya sa katahimikan Hindi ito sumagot bagkus ay hinawakan lang nito ang isang kamay niya. Napatalon yata ang puso niya dahil sa ginawa nito. Nag-init agad ang dalawang pisngi niya dahil lamang sa simpleng paghawak nito sakanyang kamay habang ang isang kamay nito ang nakahawak sa manibela Hangang sa makarating sila sa parking lot ng condo unit ay hawak parin ni Clyde ang kamay niya. Binitawan lang nito iyon ng bumaba sila ng kotse nito. Nagsuot ito ng baseball cap at face mask katulad ng madalas nitong gawin sa tuwing bababa ito ng kotse nito upang walang makakilala dito. Pinagkakaguluhan kasi ito palagi ng mga fans nito kapag namumukhaan ito Tahimik lamang sila tumungo hangang sa tapat ng condo unit niya. "Matulog kana Clyde. May concert ka pa bukas. Good night" Nais niya sana bigyan ng halik sa pisngi si Clyde katulad rin ng madalas niyang gawin ngunit naalala niyang may nobya na ito at may nobyo na rin siya. Kaya naman yumuko nalang siya at dahan dahan siyang pumasok sa loob ng kanyang condo unit. Ngunit sumunod ito sakanya hangang sa loob "C-Clyde?" Nagtatakang tanong niya dahil sumunod ito hangang sa loob at ito pa ang naglock ng pintuan "I'll sleep here." Maiksing sambit ito habang nakatingin sakanya. Magrereklamo sana siya. Ngunit baka makahalata itong apektado parin siya sa nanging issue. Madalas kasi itong makitulog sa condo unit niya kapag gusto nitong makatabi siyang matulog Yes. Tabi silang natutulog minsan. Ngunit tulog lang talaga ang ginagawa nila. Wala naman silang ibang ginagawa bukod sa paghahalikan at pagtulog. Ngunit ngayon ay hindi na siya papayag kung hahalikan siya nito. Bumuntong hininga nalang siya at lumakad papasok sa loob ng kanyang kwarto "Ikaw ang bahala kung gusto mo. Inaantok na rin ako eh" Napahinto siya sa paglalakad ng bigla siyang yakapin ni Clyde mula sa kanyang likuran! Hinapit nito ang kanyang bewang at pinulupot nito ang mga kamay sa bewang niya habang yakap siya nito sa kanyang likuran "C-Clyde.." "Sorry kuting. Sorry..." Mahinang sambit ni Clyde habang nakayuko ito sa leeg niya. Ang higpit ng yakap nito sakanya na para bang namiss rin siya nito. "A-Ayos na yun. Huwag mo ng isipin pa" Nauutal niyang tugon. Hindi ito kumibo ng ilang segundo at parang nilalasap lang nito ang pagkakayakap nito sakanya. Para siyang pinipitpit nito sa paraan ng pagyakap nito ng mahigpit sakanyang katawan Para bang ayaw nitong magkaroon ng spaces ang likod niya at ang katawan nito. Maliit lamang siyang babae at malaking lalake naman ito kaya naman yakap na yakap talaga nito ang buong katawan niya Aminin man niya o hindi, ang yakap lang nito ang nagpapagaan sa loob niya. Para bang lahat ng kanyang sama ng loob at pagod ay biglang naglalaho sa tuwing yakap siya nito. "Bati na ba tayo?" Malambing nitong tanong habang yakap yakap siya "Oo na." Kunwari naiinis niyang sagot kahit ang totoo ay nanlalambot na ang kanyang tuhod
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD