Chapter 4
Nanakit ang tenga ni Kyla dahil sa lakas ng pag-tili ni Dina. Napatingin rin tuloy sakanila ang mga tao sa loob ng coffee shop kung saan kasalukuyan sila nag-break time.
Iisang network lamang ang pinag-tatrabahuhan nila Clyde at Dina kaya naman nagkakataon silang magkasabay mag break time ni Dina sa tuwing may photoshoot ito.
Nagkataon rin kasi na mayroon photoshoot sila Clyde at Riva Sanches ng araw na iyon. As his personal assistant ay ginagampanan lamang niya ang kanyang trabaho
"Huminahon ka nga Dina.." Mahina niyang saway sa kanyang kaibigan
Kilig na kilig kasi ito ng sabihin niyang boyfriend na niya ang kuya Axelle nito.
Agad naman nitong natutop ang bibig at pasimpleng nag-peace sign sa mga taong naroon. Napapa-iling lamang ang ibang taong naroon at hindi na pinansin pa ang kaibigan niyang eskandalosa kung tumili
"Gosh. Nakakabigla naman kasi gurl! Hindi mo man lang ako inunti-unti eh. So kailan ang kasal niyo?"
Mabuti nalang at nalunok na muna niya ang kanyang iniinum na kape dahil kung hindi ay baka naibuga niya pa iyon sa mismong mukha ni Dina
"Gaga anong kasal agad? Isang linggo palang kaming magkarelasyon no." Sinadya niyang hinaan ang kanyang boses dahil baka may makarinig pang ibang tao
Wala pa siyang pinagsasabihan tungkol sa kanilang relasyon ni Axelle kundi si Dina pa lamang.
Isang linggo na simula ng sagutin niya ito. So far okay naman ang relasyon nila. Mabait ito at malambing na boyfriend. Matututunan niya rin naman siguro itong mahalin someday.
Gwapo rin naman ito--Hindi nga lang kasing charming at kasing gwapo ni--
Inawat niya ang kanyang sarili upang pigilan ang pagkukumpara sa kanyang nobyo at sa kanyang matalik na kaibigan.
Isang linggo na rin simula ng maglantad ng relasyon sa publiko si Clyde at Riva, sunod sunod tuloy ang mga interviews ng dalawa.
Noong gabing sinundo siya nito mula sa bahay nila Dina ay naging busy na itong muli sa trabaho nito. Lalong dumami ang nakalatag na projects para sa mga ito. Palagi parin naman silang magkasama ni Clyde sa trabaho dahil personal assistant siya nito. In short alalay. Mula noon pa man ganoon na ang role niya sa buhay ng isang Clyde Mendez.
Alalay.
Noon iniisip niyang nobyang-hilaw siya nito dahil kung alagaan niya ito ay daig pa niya ang nobya nito. Ultimo briefs nito ay pinaplantsa pa niya. Feel na feel niyang alagaan si Clyde na para bang bilang nobya nito.
Mula sa pag-asikaso ng mga susuotin nitong damit hangang sa mga schedules nito ay siya ang namamahala. Mula noon hangang ngayon. Siya rin nga ang naglilinis ng condo unit nito. Nahihiya kasi siya sa sobrang taas ng pa-sweldo nito sakanya. Tumataginting na two hundred fifty thousand per month lang naman ang sweldo niya! Sobra-sobra iyon para sa isang personal assistant lamang. Kaya halos pagsilbihan niya ito ng husto. Madalas pa nga siyang bigyan ng bonus ni Clyde sa tuwing mayroon itong movie na nagblock-buster. Five million pesos lang naman ang pa-bonus nito sakanya.
Kaya naman sa totoo lang ay kayang kaya na niyang magtayo ng sarili niyang business ngunit hindi naman niya maiwanan si Clyde. Kahit pa may nobya na itong iba ay nananatili parin siyang matalik nitong kaibigan
"Huy nakikinig ka ba sakin gurl?"
Naipilig niya ang kanyang ulo ng makita niyang kinakaway ni Dina ang kamay nito sa tapat ng kanyang mukha
Napalalim nanaman kasi ang pag-iisip niya tungkol kay Clyde kaya halos makalimutan nanaman niyang may iba siyang kausap at kasama ngayon
"Sorry ano bang sabi mo? May naisip lang kasi ako bigla.." Palusot niya
"Sabi ko, bakit ba sinesekreto niyo pa ni kuya ang relasyon niyo?"
"Shhh. Wala muna makakaalam kasi hindi ko pa kayang sabihin sa mama ko" Sinenyasan niya ito na huwag itong masyadong maingay
Tinaasan lang siya ng kilay nito
"Weh? Baka sabihin mo, hindi mo pa kayang sabihin diyan sa best-friend s***h jowajowaan pag may time kuno mo?"
Ang tinutukoy nito ay si Clyde. Namula tuloy ang kanyang tenga dahil kilalang-kilala talaga siya ni Dina
"S-Sira. Hindi ah. Pero napag-usapan na namin ng kuya mo na huwag munang ipaalam sa iba. Mas maganda kasi yung tahimik na relasyon lang. Lalo nat artista rin ang kuya mo"
Tinignan siya ni Dina na wari bang sinusuri nito kung nagsasabi siya ng totoo
"Eh bakit parang pakiramdam ko kaya gusto mong isekreto muna ang relasyon niyo ni kuya dahil natatakot ka pang sabihin sa Clyde na yun? Gusto mo ako nalang mag-sabi eh--"
"Dina" Naiinis niyang sambit sa pangalan nito
"What? Totoo naman eh. Ikaw ha huwag mong saktan ang feelings ng kuya ko ha?" Napapanguso nitong babala sakanya
Wala siyang nagawa kundi mapabuntong hininga.
Isang linggo na ang relasyon nila ni Axelle. Kahit papaano ay napapasaya naman siya nito. Madalas itong mag send sakanya ng mga corny love qoutes ngunit napapangiti naman siya dahil doon.
"Wala naman akong balak saktan si Axelle. A-Actually first date namin mamaya kaya nga sinabi ko na sayo ang relasyon namin dahil hihingi sana ako ng favor sayo.."
Namilog agad ang bilugang mga mata ni Dina dahil sa sinabi niya.
"Oh my gosh. I'm so excited. Dalaga kana friend makikipag-first date kana" Umarte pa si Dina na para bang may pinupunasan itong luha kahit wala naman
"Gaga."
Sabay silang natawa ni Dina
"Anong favor naman ang hihingin mo sakin? Huwag mo sabihing pera? Mas marami ka ngang pera sakin eh--"
"Gusto ko lang magpatulong mag-ayos ng sarili? You know? Make over kahit kaunti?"
Pinigilan mapatili ni Dina dahil sa sinabi niya.
"Gosh dati pa kita pinipilit mag-makeover eh. Sawang sawa na kasi ako diyan sa baduy mong itsura. Simpleng tshirt at maong pants ang palagi mong suot suot eh. Hindi ko pa nga nakikita yang legs mo gurl may galis siguro yan no?"
Natawa siya sa sinabi ni Dina.
Kung alam lang nito kung bakit hindi siya nag-susuot ng kahit ano maliban sa maong na pantalon, dahil iyon kay Clyde.
Daig pa nito ang nobyo sa pagbabawal sakanya.
Pinagbawalan siya nitong magsuot ng shorts! One time kasi ay pumunta ito sa condo unit niya. Naabutan siya nitong natutulog pa at nakashorts lamang siya at simpleng sando.
Simula noon pinagbawalan na siya nitong magsuot ng shorts at bestida na makikita ang legs niya.
Tinanong niya ito kung bakit bawal, ang sagot lang nito sakanya ay delikado daw dahil maraming lalake daw ang maaakit sakanya. Pinoprotektahan lang daw siya nito
"Baliw ka wala akong galis no. Makinis pa nga ito sa face mo" Biro niya kaya napahalakhak si Dina
"Gaga. Sige help kita mag-pa-makeover bago kayo mag-date ni kuya Axelle mamaya"
Nakaramdam siya ng pananabik. First time niya kasing mararanasan ang makipag-date.
Napatingin siya sa kanyang cellphone ng mag ring ito. Si Clyde ang tumatawag sakanya.
Napataas ang kilay ni Dina dahil nakita rin nito ang pangalan ni Clyde sa screen ng kanyang cellphone
"Hay naku tumatawag na sayo yung boss mo baka tapos na yung photoshoot nila ng girlfriend niya" Napapairap na sambit ni Dina habang tumatayo na ito upang umalis sa pwesto nila
Nakipag-beso beso si Dina sakanya bilang paalam nito.
Girlfriend...
Napalunok siya.
Ayaw man niyang makaramdam ng kirot sa puso niya ay palagi niya parin iyon nararamdaman sa tuwing naririnig niyang mag karelasyon si Clyde at Riva.
Hindi na nga siya nag-Pe-f*******: or i********: dahil trending sa social media ang relasyon ng dalawa. Sumasakit lang ang puso niya sa tuwing nakakabasa siya ng comments at balita tungkol sa dalawa
"Hello" Sagot niya sa tawag ni Clyde. Parang may bumara pa nga sa lalamunan niya dahil sa lungkot na bumabalot sakanya
"Where are you kuting? Tapos na yung shoot--"
"Okay I'll be there. Nag-coffee lang kami saglit ni Dina" Putol niya sa sinasabi ni Clyde. Naiinis kasi siya dahil napakalambing ng boses nito.
"Okay, I'll see you then."
"Okay" Sagot niya bago niya ito binabaan ng phone. Tinatamad na siyang makipag-usap kay Clyde ng matagal dahil ayaw na niyang ipagpatuloy ang feelings niya para dito.
Nagtataka nga siguro ito dahil hindi na sila nag-tetele-babad simula ng maging boyfriend niya si Axelle
Huminga muna siya ng malalim bago niya kinuha ang kanyang hand bag upang bumalik na sa studio kung saan naroon si Clyde.
Nag break time lang naman siya ng kinse minuto pero hinahanap na agad siya ng boss niya.
Kung makahanap ito sakanya ay akala mo talaga may feelings ito sakanya yun naman pala mayroon itong tinatagong nobya sa loob pa ng pitong taon.
Sobrang paasa.
Natigilan siya paglabas niya ng coffee shop. Nakasalubong niya kasi si Axelle. Ayaw sana niya itong makasalubong sa network dahil baka maissue sila lalo na't maraming mga tao roon
"Hi babe" Mahinang sambit ni Axelle ng makalapit ito sakanya
Huminga siya ng malalim
"Hi" Mahinang sagot niya rin bago siya nag-palinga-linga sa paligid dahil baka may mga chismosa
Nakahinga siya ng maluwang dahil wala naman masyadong tao sa pasilyo na iyon.
"Namiss na kita. Tuloy ba tayo mamaya?" Nag-nining-ning ang mga mata nitong tanong sakanya
Nakakahawa ang ngiti nito kaya napangiti na rin tuloy siya
"Oo. Pasensya kana kung palaging naka-cancel."
Pang-apat na beses na kasing nacancel ang date nila dahil sa busy schedule ni Clyde. Palagi silang busy ng boss niya.
Hindi na napigilan ni Axelle na ilagay ang ilang hibla ng buhok niya sa likod ng kanyang tenga.
Hinayaan niya lang ito
"It's okay. Mamaya nalang gabi sana matuloy na" Medyo bulong nito sakanya.
Ngumiti siya
Ngunit ang ngiti niya ay biglang naglaho ng makita niya ang nakasimangot na mukha ni Clyde na papalapit sakanilang dalawa ni Axelle
Napalunok siya ng sunod sunod habang nakatingin kay Clyde. Mukhang bad-mood ito ayon na rin sa pagkakasalubong ng mga kilay nito.
Nakita kasi nito ang ginawang pag-ipit ni Axelle ng mga buhok niya sa likod ng kanyang tenga at ang pag-ngiti niya
Napatingin naman si Axelle sa tinitignan niya. Katulad niya ay nawala rin ang ngiti ni Axelle ng makita nito si Clyde na lumalakad papalapit sakanila
Napa-atras siya ng isang hakbang palayo kay Axelle.
"Kanina pa kita hinahanap. What took you so long?" Kunot nuong sabi agad ni Clyde paglapit nito sakanya.
Nais mapataas ng kilay ni Kyla. Ngayon lang siya pinagalitan ni Clyde kaya nanibago siya
"N-Nag coffee lang kami ni Dina."
Tinignan nito ng masama si Axelle at napatiimbagang. Tila nagsukatan ng tingin ang dalawa.
Mas matangkad ng kaunti si Clyde ngunit hindi naman nagpatalo sa pakikipag-titigan ng masama si Axelle na may kaunting pag-ngisi pa
"Alam mong may susunod pa akong shoot. Late na tayo. Let's go" Kunot nuong sabi ni Clyde sakanya bago sila lagpasan ni Clyde
"Pasensya kana Axelle ha? Sundan ko lang--"
"It's okay babe. Basta mamaya mag-date tayo ha?" Mahinang sambit ni Axelle bago ito ngumiti sakanya
"Kyla! Damn it! Let's go!" Iritableng tawag sakanya ni Clyde ng mapansin nitong nag-uusap pa sila ni Axelle
Nagmamadali naman niya itong sinundan.
Ngumisi lang si Axelle na lalong kinainis ni Clyde.
Padabog na pumasok si Clyde sa kotse nito.
Ano bang problema nito? Dati naman niyang ginagawa ang coffee break.
Nang makapasok siya sa loob ng kotse ni Clyde ay sinalubong siya nito ng masamang tingin
"What was that?" Seryosong tanong nito sakanya
Kumabog tuloy ng mabilis ang kanyang puso
"H-Ha?"
"Kailan pa kayo naging close ng lalakeng yun? Simula ba nung nagkwentuhan kayo sa bahay nila Dina? Magkaibigan na kayo? Bakit hinahayaan mo na siyang hawakan ka niya?"
Sunod sunod ang tanong nito na nag-paawang lang sakanyang bibig
"Answer me! Ano yung nakita ko Kyla?" galit nitong tanong
Napalunok tuloy siya dahil sa mga itinanong nito.
"M-Magkaibigan na kami" Pagsisinungaling niya
Lalong napakunot ang nuo ni Clyde at parang nainis lalo sa sinabi niya
Saglit itong tumahimik bago napahilamos sa sariling mukha ang mga palad nito
"Sabi ko sayo diba layuan mo yun? May ibang motibo sayo ang lalakeng yun. Sinabihan na kita Kyla noon pa man wala nakong tiwala sa Axelle na yun--"
"H-Hindi naman siguro"
"What? Damn. Unfriend him!" Iritableng sabi nito
Doon naman siya nainis.
Sino ito para utusan siya kung sino ang nais niyang maging kaibigan? Aba sumusobra na yata itong pogi na ito? Hindi purkit gwapo ito at napakabango ngayong mga sandaling ito ay hindi na siya maiinis? Aba!
"Nagiging isip bata ka nanaman Clyde." Sabi nalang niya sa kabila ng inis na nararamdaman niya
"Hays!" Napahagod ito sa buhok nito bago iritableng napa-palatak ng "tsk"
"Halika na, magdrive kana--"
Natigil ang pagsasalita niya ng kabigin nito ang kanyang batok upang gawaran ng halik ang kanyang labi
Nanlaki ang kanyang mata sa ginawa nitong paghalik sakanya!
Heto nanaman ito at nanghahalik!!!
"Ughhmmmppp!" Sinubukan niyang itulak ito kaya kumalas ito sa paghalik sakanya
Nagtaka siguro ito dahil ito ang unang beses na ayaw niyang magpahalik dito!
Aba siyempre naman! Noon todo bigay siya sa pakikipaglaplapan kapag hahalikan siya nito kahit anong oras nitong gustuhin
Ngunit siyempre iba na ngayon! May nobya na ito at may nobyo na siya. Hindi na siya magpapahalik!
"What's wrong?" Kunot nuo nitong tanong dahil nabigla rin ito sa ginawa niyang pagtulak
"H-Huwag mo nakong hinahalikan Clyde. Ayoko ng magpahalik pa sayo"
Napa-nganga ito ng kaunti at parang pinoproseso nito ang mga sinabi niya
"N-No way. Bakit ayaw mo ng magpahalik sakin?" Natataranta nitong tanong
"Dahil ayoko na. Ayoko na ng ganito. Mali yung ginagawa natin. Hindi tayo dapat naghahalikan dahil magkaibigan lang tayo!"
Napalunok ito sa sinabi niya at parang ito pa ang nasaktan?
Tumahimik ito at huminga ng malalim bago ito nagsimulang mag-maneho
"Gutom ka na siguro. Ipagluluto kita" Sambit nito bago nito paharurutin ang sasakyan nito na para bang lilipad na sila sa sobrang bilis
Napakapit tuloy siya sa kanyang seatbelt.
"Clyde dahan dahan naman! Baka maaksidente pa tayo!"
Ngunit sige parin ito sa pagmamaneho ng mabilis.
"Clyde! Please? Natatakot na ako.." Nasa tono ng kanyang boses ang takot at pangamba na baka maaksidente pa sila
Huminga ito ng malalim bago ito napakalma ng unti unti. Itinabi nito sa gilid ng high way ang kotse nito.
Doon palang siya nakahinga ng maayos
"Balak mo bang magpakamatay Clyde?" Di makapaniwalang tanong niya
Malungkot itong tumingin sakanya.
"Kiss me"
"What??" Kunot nuong tanong niya
"Kiss me or else hindi tayo aalis sa high way na ito hangat hindi mo ko hinahalikan"
Halos malaglag ang kanyang panga sa sinabi nito. Seryoso ang gwapong mukha nito habang nakatingin sakanya
"C-Clyde ano ba naman yang sinasabi mo? Nababaliw kana ba?"
"Yes. Mababaliw ako kung hindi kana magpapahalik sakin. Nagseselos lang naman ako sainyo ng Axelle na yun kanina kaya ako nagagalit."
Napalunok siya sa sinabi ni Clyde
Nagseselos????
"N-Nagseselos?"
"Yeah. Ayokong may kaibigan kang iba bukod sakin"
Mula sa mataas na ambisyon ng kanyang puso ay lumagapak iyon sa lupa dahil sa sinabi ni Clyde
Kaibigan. Oo nga pala magkaibigan lang sila
Akmang hahalikan nanaman siya nito ngunit pinigilan niya ito
Sa sobrang inis niya ay ang palad niya ang nahalikan nito. Tinulak niya ang mukha nito gamit ang palad niya.
"You will never kiss me again Clyde. Sinabi ko ng nga sayo na ayoko ng magpahalik sayo. Walang magkaibigan ang naglalaplapan!"
Halos isigaw niya iyon sa mukha nito bago siya nagtangal ng kanyang seatbelt at lumabas ng kotse nito
"Magtataxi nalang ako!" Inis niyang ibinalibag ang pinto ng kotse nito