Chapter 38 5 years later... "N-No way Johan. Alam mo namang hinding hindi kami uuwi ng Pilipinas." "Sissy! Please! Ikaw nalang ang pag-asa namin ni Cristof!" Exagerated na pag-ngawa ni Johan sa kanyang harapan Napapatingin tuloy sakanila ang mga taong kumakain sa isang maliit na poutine restaurant na kanilang kinaroroonan. Si Johan ay isa sa kanyang mga naging kaibigan simula ng mapadpad siya sa Canada. Five years ago. Iyon lamang ang bansang satingin niya ay magiging safe ang kanyang buhay. Mabuti nalang at mayroon siyang ten years visitor visa sa naturang bansa noong mga panahong hindi niya alam kung saan siya pupunta Wala siyang ibang kamag anak sa Pilipinas at wala rin siyang US Visa ng mga panahong iyon, isa pa ay wala rin siyang balak idamay ang kanyang ina at tita Claudia kung