Chapter 37 Napapabuntong hininga si Kyla habang tinitiklop niya ang mga damit na kakatapos lamang niyang labahan. Araw iyon ng sabado. Kanina pa naka-alis si Clyde patungo sa Gala night ng CVJ-JRJ network na gaganapin sa Hoffman hotel. Pagmamay-ari iyon ng isa sa pinakamayamang pamilya sa buong Pilipinas. Doon madalas ganapin ang taon taong pagtitipon-tipon ng mga sikat at kinikilalang artista ng nasabing network Mag-aalas nuebe na ng gabi, nais na sana niyang matulog ngunit hindi naman siya dapuan ng antok kaya naisip niyang maglaba sa dis-oras ng gabi. High tech naman ang washing machine nila roon dahil tuyo na ang damit kapag natapos iyong malabhan ng washing machine. Mainit-init pa nga ang mga damit na tinitiklop niya Nais niyang hintayin si Clyde mula sa party na iyon. Ayaw na n