"He is danger! The young master is in danger!" The watchers inside the KOTN said in unison. Matangkad at malaking bulas ang pambato ng Bontoc subalit kung sa edad ang pag-uusapan ay napakabata pa nito kumpara sa makakalaban nito. Kaya naman ang mga taga KOTN na naipon pa talaga sa malawak na training ground ng Kingdom nila ay napatayo bigla. Sila ang natatakot para sa young master nila. "Anak ng tinapa! Hindi ba napanood ni master James ang laban? Para sa mga elementary level ang naturang kompetisyon. Ang kaharap ngayon ni young master ay secondary yata," inis na hindi naitago ang kaba na wika ng isa. "Impossible naman iyan, Sis. Simula pa kaninang umaga ay napanood na natin ang laro ni Young master. Saka mas impossible namang hindi iyan napanood ni Master James." Umiling-iling ang isa

