PAGKABABA NI ZEKE sa kusina, nadatnan niyang nagsusuka ang asawa sa sink. Agad niya itong dinaluhan at hinagod ang likod. "Hon, are you okay?" Nag-aalala niyang tanong. Tumango si Chezka at nagmumog. "May nakain siguro akong hindi maganda." Sinulyapan naman ni Zeke ang pagkaing nasa mesa. It's just sandwich and coffee. Kumunot ang nuo ni Zeke at ibinalik ang tingin kay Chezka. "I thought you hate coffee." "Ayaw ko nga. Hindi naman para sa akin 'yan. That's for you. Hindi ko pa kasi tapos ng niluluto kong agahan natin," tumingkayad si Chezka at hinalikan siya sa labi, "good morning." At pumunta ito sa harap ng flameless stove. Napangiti na lang si Zeke at umupo sa upuan at nagkape. "Does the coffee taste good?" Tanong ni Chezka kay Zeke. "Hmm ... yeah." "Oh." Nasabi na lang niya. A

