"CHEZKA!" Narinig ni Chezka ang pagtawag ni Zeke sa kaniyang pangalan. Tumakbo siya sa walang katiyakang direskiyon. Sa tingin niya ay gubat ang kinaroroonan niya dahil sa mga nagtataasang mga puno sa paligid. Mga baging na nakapulupot sa mga sanga. "Honey!" Patuloy sa pagtakbo si Chezka para hanapin ang asawa. Boses lang nito ang naririnig niya at hindi niya alam kung nasaan ito. "Aki!" She tried to call him and her voice echoed in the forest. Tumigil sa pagtakbo si Chezka nang marating niya ang isang lawa sa gitna ng gubat. "Chezka!" Mabilis na tumingin si Chezka sa kabilang gilid mg lawa. Nakita niya ang asawa na nakapamulsa habang nakangiti sa kaniya. Ngumiti na rin si Chezka at nagsimulang maglakad palapit kay Zeke at ganun din si Zeke. Nang magsalubong sila, kaagad na umanga

