Baby News

1787 Words
[Charlie's POV] Nagising ako sa puting kuwarto na may tabing na kurtina. Inalala ko kung anong ginagawa ko sa kuwartong ito. Bakit ba kasi ako nagiging makakalimutin? Bakit ako nandirito? 'Charlie. . .Charlie . . . what are your doing here?' usal ko sa sarili habang nakatitig sa hospital gown na suot ko. I wondered why I am wearing a hospital gown. Ang meeting ko! I’m late! I am so late sa meeting ko with the Kona coffee trees plant dealer. It is my new investment—a coffee farm. I managed to stand from the hospital bed. Hinanap ko ang damit. Dahan-dahan kong binunot ang karayom ng IV fluid na nakatarak sa kanang kamay ko. Matagumpay naman ang pagbunot ko rito. But then, I felt a dizzy spell again and started to feel nauseous. Saktong pumasok si Nix at ang babaeng naka-lab gown na puti na may stethoscope. Nakasabit sa leeg nito ang aparato hindi ko agad nakilala ang kasama ni Phoenix. Wala pa ako sa wisyo at parang umiikot na naman ang paligid ko. “Charlie, gising ka na pala,” anas ng babaeng nakaputi. “Nix, why am I here?” I asked my cousin s***h best friend. “You passed out in the car after mong mag-suka. Kaya dinala na kita rito,” Phoenix explained. “Mom, it’s better kung ikaw na siguro ang magsabi sa kaniya ng condition niya ngayon.” “Nurse!” sigaw ng babaeng nakaputing gown. “Doktora Sanchez! Bakit po?” tanong ng nagmamadaling nurse. “Please attach to her the IV again. She’s bleeding. I will not be discharging her yet. Paki-follow up ng ni-request ko na private room for her. I have to confine her for 48 hours for observation.” “Confinement? Observation? Malubha na ba ang sakit ko? Mamamatay na ba ako?” I questioned. Finally I come to my senses and I was able to recognize who the doctor was. My Tita Belinda. Ang doctor na matalik na kaibigan ng aking ama na kapatid ng aking ina. “No, Charlie. You’re not sick. Magiging mommy ka na,” paliwanag nito. “What?” gulat kong tanong. Bigla akong mas nanghina sa narinig ko. Magiging mommy na ako? I am pregnant. Paano? “Magiging nanay ka na! Sa wakas, I will be a lola na,” excited na turan nito. “You’re eight weeks pregnant.” “Eight weeks? No! This can’t be happening.” My tears started falling. “No! Paano? Eight weeks?!” Tumango-tango si Tita Belinda sa pagkompirma na dalawang buwan na akong nagdadalantao. “Baka nagkamali lang kayo, Tita Bel. I-test niyo ulit ako, please," pagmamakaawa ko. “Charlie, here’s a copy of your ultrasound. Take all these vitamins that I prescribed you. Inutusan ko na ang nurse na dalhin sa room mo. You must eat healthy foods. Please, no caffeine. Naiintindihan mo ba?” Tiningnan ko ang aking tiyahin habang bakas ang excitement nito sa mukha. “Binigay ko na kay Phoenix ang listahan ng mga pagkain na dapat mong kainin. I have to keep you here for two days. Dahil anemic ka, kailangan kitang obserbahan.” “Tita Bel, am I really pregnant?” I asked again. Hindi ako makapaniwala. Isang gabi lang iyon. Sumagi sa isipan ko ang nangyari sa Buntod. It was a one night stand with a random guy that I don't remember. Pati mukha nito ay hindi ko maalala. “Charlie, I’m in this profession for more than thirty years, kaya. I know what I’m doing and saying. Sino ba ang tatay? Aba, iha, wala ka namang pinakilala sa amin na boyfriend.” “’Yon na nga, Tita, hindi ko po alam,” malumanay na sagot ko rito. Ni hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya dahil sa sobrang kahihiyan. In shock, napasigaw ang tiyahin ko, “Hindi mo alam kung sino ang tatay?!” Nagpameywang si Tita Belinda at saka’y sinapol ng kamay ang ulo na tila ba anak niya ang nabuntis at pinagagalitan. Anak naman talaga ang turing nito sa akin mula pagkabata. Kung hindi nga lang ako nagliwaliw sa Europa siguro mas close pa kami kaysa noon. “Hindi ko akalaing hahantong ka sa ganito, Charlie. What was that? Tell me, a one-night stand?” Tumango lang ako sa kaniya at tumingin sa kawalan. Hindi ko na kailangan ipagkaila buko na ako sa katangahan ko. It was a one night stand. Sobrang katangahan ko na ibinigay ko ang sarili ko sa lalaking iyon ni hindi ko alam ang kaniyang pangalan. I have no recollection of how he looked like. Nakakahiya dahil pinagtitinginan na ako ng ibang pasyente at nurse dahil nasa E.R. pa kami at hindi pa ako naililipat sa private room. Bigla na lamang nagalit si Tita Belinda. Normal na reaksyon ito ng isang tiyahin na naging katulong ng aking Dada sa pagpapalaki sa akin. “Por dios por santong bata ka! You look so innocent, but goodness. You are wilder than what I’ve thought you could be. Sinasabi ko na nga ba kay Kael, ang hinhin mong bata ka, may itinatago ka palang kulo. Ngayon, tell me sino ang tatay?” “Tita Bel, hindi-ko-nga-po-alam. I am totally lost right now. I don’t know where this is going. I swear I have no recollection of him or how it how we made my baby. Please, don’t say anything to Dada, please, Tita. Let me figure this out myself,” I pleaded. “Oh, siya. Ano pa nga ba ang magagawa natin? Nandiyan na ’yan. The baby is a blessing. I’ll keep it for now from your father. Pero Charlie, it doesn’t mean na dahil wala sa bansa ang daddy mo ay hindi mo na ipapaalam ang condition mo. At ’wag mong maisipan ipalaglag ang bata Charlie, malalagot ka sa’kin! I’ll check on you after ng patients round ko, okay? Magpahinga ka. You look so pale, iha.” Si Doctora Belinda Sanchez, ang nanay ni Phoenix. Tita Bel is so cool. Kung umasta ito ay parang magkapatid lang silang dalawa ng anak niya. Siya ang naging mother figure ko habang lumalaki. Namatay kasi sa panganganak ang mommy ko. Ang sabi ni Dada si Tita Belinda ang nagpaanak sa mommy ko. Dahil sa guilt because mom died after giving birth to me. Tita Belinda devoted herself to take care of me and my Dada. Tita Belinda didn’t foresee any complications. She wasn't awaere of my moms heart condition when she was pregnant with me. My mother, Margarita ayon kay Dada was healthy, walang signs ng kahit anong sakit. But on the day of her labor, namatay siya dahil sa itinagong sakit sa puso. Tita Belinda felt so guilty. My Dada Kael, on the other hand, did not blame my mom's sister. He was thankful na successful niya akong nailabas. Kagustuhan raw ng mga magulang ko na maging surprise ang gender ng anak nila, kaya pumayag naman si Tita Belinda na walang gender reveal at ultrasound. Dinahilan lang pala iyon ng mommy ko para hindi malaman ni Dada at ni Tita Belinda ang sakit niya sa puso. My Tita Belinda, Uncle Laurence, James father and my father Mikael are childhood friends. Tita Belinda never had a boyfriend dahil focus siya sa pagiging doctor, but on their high school reunion, napilitan si Tita Belinda na mag-hanap ng fake husband para lang may ipagmalaki sa mga ka-batch niya. Uncle Laurence introduced Romulo kaya naman. She trusted him. Ang pinsan kong si Phoenix ang naging bunga ng arrangement na ‘yon. Kaya alam ko na naiitindihan ni Tita Bel ang sitwasyon ko ngayon. Tita Bel need to be understanding and supportive dahil out of all the people, siya dapat ang makaunawa sa situation ko. Besides, Tita Bel was on my shoes twenty-eight years ago. Ang ipinagkaiba lang, she knew the father. Romulo Sandoval, ang anak ng mayamang Sandoval sa Masbate na isang babaero. Sabi ni Tita Bel, kung alam lang niya na may asawa ang lalaki iyon. Hindi niya maiisip na i-hire ito bilang display husband at makipagrelasyon dito. Ilang sandali matapos makaalis si Tita Bel. Inilipat na ako sa private room na ni request nito. Kung kanina si Tita ang manenermon sa akin heto ang kaibigan ko naman. Kailangan ko yatang pasakan ng gasa ang tainga ko. Dahil paniguradong walang katapusang sermon ang aabotin ko kay Phoenix. “Paano mo sasabihin kay Tito Kael, Charlie? Paano na ’yong Korea at Japan trip natin? I’m such an excited pa naman sa travel vlog ko. I requested six months leave, you know.” “Paano ko nga ba sasabihin? Baka ikamatay niya pa. Dalagang ina ang anak niya. Desgrasyada. Ang worse, I don’t know who the father is.” “Sa Buntod!” sigaw ni Phoenix. “Oh, ano’ng kinalaman ng Buntod sa pagbubuntis ko?” Pagmaang-mangang sagot ko rito. “Charlie, alalahanin mo nga ang mga nangyari. Maloloka ako sa ’yong babae ka! Didn’t you have a one-night stand there? Kaya nga sapilitan mo akong kinaladkad pauwi dahil tinakasan mo ang lalaking naka-s*x mo?” Doon ko lang naisip na sa Buntod nga. Sa lalaking nakasiping ko sa Masbate.Kung bakit ba kasi ako nagpakalasing ng gabing iyon. All I wanted is to unwind. Because after a year of exhausting preparation of Charlie's café and pastry expansion and the coffee farm. Ginusto ko naman magkapagpahinga. So, I decided to have a relaxing beach vacation with Phoenix. At first, I thought of going to Siargao or Boracay. Or maybe in Caramoan Islands in Camarines Sur. But in the end, I booked a flight to Legazpi Airport and found my enjoying the beauty of Buntod Reef Marine Sanctuary and Sand Bar in the province of Masbate. Sobrang ganda ng dagat at dalampasigan roon. Reminds me of my vacation in Hawaii. Hindi ako makapaniwala sa ganda ng dagat sa Buntod. Ang nakakahalinang asul na kulay ng dagat at napakagandang floating villas pa lang ay sulit na ang bakasyon namin. Dagdagan pa ng pinong puting buhangin na mas maganda pa kaysa sa Maldives. If I compare the videos and photos that I was browsing while choosing a place to unwind, this place is beyond perfection. Ngunit hindi ko inakala na dito ko rin mararanasan ang isang makamundong gabi na hindi ko naisip na mangyayari kahit sa panaginip. Dahil sa sobrang kalasingan, I ended up being in someone’s bed and now, unexpectedly conceiving my child with the unknown guy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD