Nagising si Charlie na yakap-yakap ng mainit na katawan ng isang estranghero. Matipuno ang pangangatawan nito, ayon sa pakiramdam ng kaniyang hubo’t hubad na katawan. Naramdaman niya pa kung ano’ng matigas na tumutusok sa puwetan niya. Madilim ang paligid. She surely got wasted hours ago that night. Sus maryosep! Matulis at matigas na espada! Diyos na mahabagin! Patawarin ninyo ako. Naisuko ko na ang Bataan. Bakit ko ba iwinagayway ang puting bandera?
Dahan-dahan niyang inangat ang braso nitong nakapulupot sa kaniyang beywang. For goodness sake! Hindi siya makapaniwala. She indeed had s*x with a random man.
Ramdam ang hapdi sa kaniyang ibaba. Pinilit niyang bumangon. Inaninag ang nagkalat na damit sa sahig. Pinulot niya ang kung ano’ng puwedeng isaplot sa katawan at mabilis na nagbihis.
Charlie Margouex! How stupid you could be? Ipinangako pa naman niya sa sarili na isusuko niya lang ang Bataan sa lalaking kaniyang pakakasalan, sa great love niya at ’yon ay ang apo ng boss ng Dada niya at bestfriend ng Kuya Uno niya.
Liligawan niya pa nga ito at pipiliting mapasagot. Binabalak niya pa naman na kung hindi niya madadala sa ligaw si James Madrigal ay pipikutin niya na lang ang binata.
Minsan niya lang itong nasilayan nang imbitahan silang pamilya sa birthday ng amo ng Dada niya. Katorse anyos pa lang siya noon. Isang nene na hindi pinansin ng balikbayang apo ni Engineer Leon Madrigal na si Lorenzo James Madrigal.
Nalaman niya rin sa party na matalik palang kaibigan ng Kuya Uno niya si James. Kakikilala niya lamang noon sa kapatid sa ama. Hindi rin siya nabigyan na pagkakatoon makilala si James nang personal. Simula noon pagkatapos nang photo shoots at VTRs niya madalas na siyang bumibisita sa opisina ng ama. Inaasam niyang makita ang binata. Ang self-proclaimed future husband niya. Ngunit sa mga taong nagdaan ni anino nito ay hindi niya man lang nasilayan.
Hanggang sa ipinangako niya sa sarili na hihintayin niya ang tamang panahon, balang-araw mapapansin rin siya ng binata. Isa siyang sikat na commercial model noon. Ngunit sa kagustohan ng kanyang ama tumigil siya at nag-focus sa pag-aaral. Then, she decided to go to Paris. Wala na siyang naging balita pa kay James. Namalagi rin ang half-brother niya na si Uno sa Canada matapos nitong makatapos sa kolehiyo.
Mabilis niyang isinuot ang T-shirt at ang panty na nadampot niya sa sahig. Dahan-dahan siyang lumabas ng floating villa. Sobrang ingat ang ginawa niya para hindi gumawa ng ingay ang bawat habang ng kaniyang mga paa sa bamboo floor nito. Pakiramdam niya ay masahol pa siya sa isang magnanakaw.
Nang makalabas, madilim pa at walang katao-tao sa dalampasigan. She’s got lucky na bilog ang buwan na nagsilbing ilaw para matunton niya ang sawaling cottage na nirentahan niya. Kumaripas siya ng takbo nang matanaw niya ’to sa ’di kalayuan. Kahit na nga masakit ang maselang bahagi ng kaniyang katawan at paika-ika ang kaniyang pagtakbo, she ran as fast she could dahil sa takot.
Paano kung magising ang lalaking nakatalik niya? Baka malaman ng pinsan ang kaniyang kagagahan at isumbong siya sa daddy niya. Wala pa namang preno ang bibig nitong si Nix.
Nang makarating sa cottage, she immediately showered and changed her clothes. Itinago niya ang T-shirt at sh*t lang talaga! Hindi bikini bottom ang naisuot niya kundi isang black swimming trunks! Gaano ba ka-sexy ang lalaking ’yon at tila mas maliit pa ang balakang nito kaysa kaniya? How did his undergarment perfectly fit her? Model ba ’yon? Charlie, ano ba? Nagkalat ka na nga, sana you didn’t leave evidence. But too late for that. She left her cover up dress and worse, her bikini bottom.
Madali niyang inampake ang nagkalat na damit ng pinsan. She made sure na naimpake niya ang lahat. Alas-kuwatro pa lang ng umaga, ginising na niya si Phoenix.
“Nix, gising. We need to go.” Yinugyog niya ang pinsan para magising.
“Ano ba, Charlie? Inaantok pa ako, ang aga-aga!” singhal nito.
“Phoenix, nakapatay yata ako,” bulong niya rito.
“What? You killed someone?” Nawala ang kalasingan nito at bumangon sa pagkakatulog sa sahig.
“Tara na, umalis na tayo. Please, bago nila ko matunton,” pagmamakaawa niya sa pinsan.
Dahil nga lasing pa ito, naniwala siya pinsan. Hinayaan niyang kaladkarin siya nito. Mabuti na lang at maaga ang biyahe ng mga service na boat na patungo sa bayan. Pagdating sa bayan agad silang sumakay ng jeep papunta sa Sorsogon at nag-bus naman sila papuntang Legazpi City.
Pagdating sa Legazpi City ay natauhan si Phoenix. “Charlie, sabi mo nakapatay ka?”
“I was kidding.” Maluha-luha ito sa katatawa sa reaction ng pinsan. “But it was urgent. I needed to find a way to drag you out of that island with me.
“Ibig mong sabihin? I was freaking out and worried for our entire ride from Buntod to here for nothing? And that you are just kidding! Ano ako sa ’yo Charlie? A joke?”
“I’m sorry. I got wasted last night. I slept with a guy and I think—”
“You had a one-night stand with a stranger?”
“’Yon ba ang tawag sa—”
“Charlie naman, matanda ka na. A one-night love affair or a one-time s*x with someone you know, or you don’t know is called one-night stand! Malinaw?”
“Sh*t, Phoenix! Wala akong maalala. Basta, nagising ako, he was . . . he was cuddling me . . . and I ran away.”
“Nakilala mo ba? Nagpakilala man lang ba?”
“No! How could I? He was sleeping at madilim sa floating villa. I didn’t even have a lampara. It’s very dark at nataranta na ako.” Charlie’s eyes started to get wet.
“What about the guy you were drinking with last night? Naalala mo? ’Yong mukha niya, do you remember?” sunod-sunod na tanong nito sa pinsan. Dahil kung may matandaan itong si Charlie, Renzo is doomed! Ngunit umiling lang ito at parang batang nagsimula sa pagngawa.
Paulit-ulit niyang tinatanong kung paano na sila ni James. I can’t marry James anymore. Naisuko ko na ang puri ko sa iba. Ano pa ang ireregalo ko sa kaniya? “I’m not virgin anymore, Phoenix!” paghihinagpis nito na wala namang katuturan.