bc

Runaway Bride

book_age18+
5.0K
FOLLOW
61.0K
READ
second chance
arrogant
boss
maid
drama
comedy
bxg
enimies to lovers
first love
like
intro-logo
Blurb

Synopsis/ Blurb:

Alexa is a beautiful, fair skinned and tall, young woman who grew up in the province.

Fate will be the one to pay his Father’s enormous debt to Mr. Kim Yin Chu. While running, to escape the marriage agreed upon her Father, and the person to whom he owes, she will meet a woman hater, who knew him.

Blue Alarcon.

Is he the person who can help her?

Will that woman hater change her destiny? Or, he let her to marry someone she doesn't like?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1.
ISANG UMAGA mahigpit na hawak ni Alexa ang sariling cellphone habang luhaang nakaupo sa may gilid ng malaking bato. Nagpasya siyang pumunta ng ilog nang sa ganoon doon niya mailabas ang sakit nang dibdib na nararamdaman. Pilit niyang kinakalma ang sarili dahilan sa malaking pasya nang kaniyang ama. Sandali at bigla niyang naisip ang kaibigang bakla kaya nagtype siya sa hawak na tawagan. "Bakla nasaan ka? Gusto ko nang kausap. Nakikiusap ako saiyo, puntahan mo 'ko dito sa ilog." aniya habang nanginnginig ang daliri sa pagtype. Si Lhira ay isang bakla at nagngangalang Lhary Vista. Kababata niya ito at matalik kaibigan. Ito lamang ang nag -iisa niyang kaibigan na itinuring niyang kapatid sa kanilang baryo, at dahil ilang iskinita lamang ang layo ng bahay nito sa bahay nila kaya madalas niya itong makasama. Minsan tinutulungan din niya ito sa maliit na parlor nito sa kanilang bayan pag wala siyang ginagawa.. Huminto muna siya sa pagtype. Nagsisimula naman kasing manikip ang kaniyang dibdib kaya hinayaan niya muna ang sariling humagulgol sa pag iyak bago magpatuloy. Doon walang makaririnig, maninita at makakakita sa kaniya. "Pigilan mo 'ko Lhira! Talagang magpapakamatay ako!" saka isinend niya iyon. Kung binibigkas lamang niya iyon tiyak pumipiyok na siya. Parang sasabog ang dibdib niya sa mga oras na iyon. Walang laman ang utak niya kundi ang kagustuhan nang kaniyang ama. "Bakit ganoon si Tatay?" Muling type niya sa cellphone. "Hindi 'man lang niya naisip ang damdamin ko kung papayag ba 'ko sa kagustuhan at desisyon niya?" sabay pindot niya ang 'okay' para mag send iyon sa kaibigang bakla. Mabilis naman itong nag reply. "Bakla!! H'wag na h'wag mo'ng gagawin 'yan! Isang malaking kasalanan ang magpatiwakal!" Mag rereply pa sana siya ng may dumating ulit na text message mula rito. "Napaano ka ba kase? Naku Alexa! Baka nagugutom ka lang at nagda drama ka!" dagdag pa nito sa kaniya. Tiyak kahit hindi niya ito nakikita. Panigurado niyang umiikot ang dalawang mata nito sa mga nirireply nito sa kaniya. "Basta kase bakla! Pumunta ka dito! Kung hindi ka kaagad darating, hindi mo na 'ko maaabutang buhay! Mawawalan ka na talaga ng isang mabuting kaibigan!" reply niya na may halong pananakot sa kaibigang bakla. "Ano ba kaseng problema mo Alexa? Puwedeng mamaya na? Puwedeng pagkatapos nito pupuntahan kita? Alam mo naman marami akong costumer pag ganitong oras!" Tila ba sa reply nito ay may pagkainis na sa kan'ya. "Sige! Pag nagtagal ka pa magbibigti na talaga ako Lhira!" Umiiyak pa rin sabi ni Alexa sa pagka type. "Gaga! Nakakabwisit ka talaga Alexa! Hala! Sige hintayin mo 'ko at tutulungan pa kitang magbigti! Bruha na 'to! Ano ba kase ang problemang pinagsasabi mo?! Ano bang iniiyak mo?! Ano bang desisyon na sinasabi mo tungkol sa tatay mo?! Kahapon umiiyak ka, kase gutom na gutom ka! Ngayon heto ka na naman at umiiyak ulit, dahil sabi mo, magbibigti ka! Ano ba talaga bakla?!" naiiritang text nito sa kaniya. Halatadong pikon na pikon sa mga sinasabi niya. "Bakla pigilan mo si tatay! Ako ang ibabayad niya sa intsik na kinauutangan niya! Bakla hindi pa ako handa sa ganoong bagay! Baka puwedeng ligawan mo na lang ako?" diretsyong sabi niya sa text at mabilis niyang sinend iyon. Tiyak habang binbasa nito ang inereply niya, panigurado niyang napapangiwi ang nguso nito sa kaniya. "Ang dugyot mo Alexa! Anong ligawan na pinagsasabi mo?! Tadyakan ko kaya ang mani mo! Letche na 'to!" Kung naririnig lamang niya ang pagkakabigkas nito sa text, tiyak maarte nitong binibigkas ang mga sinesend nito sa kaniya na may halong pag-iling ang ginagawa nito. "Bakla, sige na puntahan mo 'ko dito, nakikiusap ako saiyo." pangungulit niya. Hindi kase siya mapakali gusto niya nang may makikinig sa k'wento niya. "Bakit ganoon naman bakla ang tatay mo? Kung hindi lasing ngayon araw, maghapon naman na sa sugalan, tapos ngayong lumaki ang utang, ikaw ang ibabayad! Ano 'yon panakip utang ka? Parang hindi ka anak, uh!" "Bakla sabi ni tatay kung mahal ko daw sila, papayag daw ako na maikasal sa gusto niyang lalake para sa 'kin." Tila batang nagsusumbong ang pagkakasalaysay niya sa kaibigan kahit ba sa text message lang niya nasabi iyon. "Alexa mahirap 'yan! Saka hindi mo naman mahal 'yung tao! Paano ka papayag sa ganoon kagustuhan? Ano, susunsundin mo 'yong tatay mo para masabing mahal mo sila?" Napahinto siya sa pagtype, itsurang nahihirapan siya sa pagpindot ng keypad. Segundo at kusang nagtype ulit ang daliri niya ngunit wala sa sarili. "Parang ganoon na nga. Magpapakasal kahit hindi ko gusto 'yung tao. May magagawa pa ba ako? Pagkatapos ko'ng magpakasal sa lalakeng iyon kukuhanin ko 'yung pera tapos ibibigay ko kay inay. Pagkatapos 'non magbibigti na ako kase hindi ko talaga maaatim na halikan ako ng bulldog na iyon! Bakla natatakot ako sa intsik na 'yon!" matapos niyang maisend, lalong bumilis ang pag daloy ng luha niya. "Naaawa ako saiyo Alexa, pero bakla pareho tayong walang magagawa sa desisyon ng tatay mo." "Bakla may naisip ako! Sabihin ko kayang boyfriend na kita? Na naging totoo ka ng lalake ilang araw na. Na, nanligaw ka sa akin at mbailis kitang sinagot!" may buhay na bigkas niya sa pagkakachat. "Bruha! Ipapahamak mo pa 'ko! Ayoko nga! Kung ano-ano na pinagsasabi at pinag-iisip mo! Tagain pa 'ko ng tatay mo!" pagbasa niya sa text. "Best friend ba talaga kita?" Sa pagka send niya iyon halatadong nadismaya siya sa pagkakasabi ng kaibigan. Pero expected na niya talaga iyon. Dahil mula pagkabata kilos babae na talaga ito. "Alexa mahirap ang na sa isip mo saka kilala ako ng tatay mo. Gagawa tayo ng paraan huwag lang iyang gusto mo." Nararamdaman talaga niyang hindi makukumbinsido ang kaibigan kaya patuloy pa rin sa pagluha ang kaniyang mga mata. "Alexa Gonzales, keri 'yan, ikaw pa! Alam ko, matalino ka, mapagmahal sa kapatid at magulang. Alam ko umiiyak ka, kaya tahan na. Gagawa tayo nang paraan, okay?" Hindi nagtagal tinatapos na niya ang pakikipag text sa kaibigan. Wala naman magandang hahantungan iyon kaya nagpasya na lang siyang magpaalam rito. Pagkapasok pa lamang sa loob ng bahay nila, lakas loob na niyang hinarap ang kaniyang tatay na naka upo sa sala. Akupado ang atensyon nito sa pinapanood nitong sabong sa telebisyon. Susubukan ulit niya itong kausapin sa nais nitong mangyare. Habang naglalakad siya pauwe may naisip siyang paraan kahit na ba kainposiblihang pumayag ito, pero susubukan niya. "Tatay puwede po bang makausap kayo kahit sandali?" Sabay naupo sa tabi nang kaniyang tatay na gawa sa mahabang upuang kahoy. "Ano 'yun?" Mabilis na sagot nito pero hindi 'man lang tumapon ng tingin sa kaniya. "Tatay mahal na mahal ko po kayo nang mga kapatid ko," umpisang sabi niya at nag umpisa na rin lumuha ang kaniyang dalawang mga mata. "Pero tatay kaya ko na pong magtrabaho, puwede na ako'ng mag apply ng trabaho sa Manila." Lakas loob na umpisa niya. Kailangan niyang maging matapang sa ganoon para hindi siya maikasal sa intsik na iyon. "Puwede Alexa! Deretsyuhin mo na ako kung ano ibig mong sabihin! Nakaka storbo ka sa pagpapahinga ko!" Bulyaw na sabi nito sa kaniya. "Tatay ayaw ko po sa intsik na 'yon!" Lakas loob na sambit niya. Nanlilisik mata at may galit sa mukhang nilingon siya nito. Inaasahan naman niya iyon. "Alexa 'yan ba ipapalit mo sa amin ng nanay mo?! Humihingi ako sa'yo ng tulong! Ngunit ayaw mo! Pakaisipin mo Alexa! Malaking tulong ang magagawa mo!" hiyaw nitong pagpapaintindi sa kaniya. Habang siynamna ay umiiyak lamang sa tabi nito. "Pag naikasal ka sa intsik na 'yon makakabayad na tayo ng utang at magkakapera pa tayo nang mas malaki, tapos mababawe na natin 'yung lupang nakasangla sa kaniya idagdag pa na giginhawa pa ang buhay mo, maging kami! Huwag kang makasarili! Kaya huwag ka nang mag inarte dahil para sa 'tin lahat nang ito! Naiintindihan mo ba ako, Alexa?!" Malakas na bulyaw nito sa huling sinabi. Hinawakan niya nag palad nito, "Tatay madami pong paraan. Magtatrabaho po ako tapos babalihin ko na po 'yong isang taon kong sahod, unti- unti makaka bayad po tayo ng utang nyo. Gagawin ko po iyon tatay, huwag lang po ako maikasal sa intsik na 'yon." Hindi na niya napigilan humagulgol sa harapan nito. "Tapos na ang disisyon ko Alexa! Sa ayaw at sa gusto mo. Susunod ka sa gusto ko! Magpapakasal ka kay Mr. Kim Yin Chu!" Namumula sa galit na sagot nito dahilan sa pagpupumilit niya sa gusto. Walang nagawa si Alexa kung hindi tumango na lamang sa ama at hindi rin nagtagal pumasok na siya sa kuwarto upang doon ibuhos ang lahat ng sakit. Tiyak naman niyang kahit magpumilit siya, hindi talaga siya mananalo sa gusto na g kaniyang ama kahit pa anong paliwang niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
50.2K
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M
bc

Mrs. Moore: The Queen of my Heart (book 2) -SPG

read
402.6K
bc

Fight for my son's right

read
146.1K
bc

The Ex-wife

read
209.3K
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
63.5K
bc

Mister Billionaire's Secret Wife [Tagalog/Filipino]

read
5.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook