Kabanata 2.

1500 Words
KINAUMAGAHAN maaga ulit nagtungo ng ilog si Alexa. Doon 'man lang makatulong ang magandang tanawin sa bigat na nararamdamna niya. Idagdag na rin para maipahinga ang kaisipan at makalanghap siya ng sariwang hangin. Halos hindi siya nakatulog kinagabihan kakaisip dahil tila buhol- buhol at nagkakagulo sa isipan niya kung ano nga ba ang gagawin niya sa biglaang pagpapasya nang kaniyang ama, kahit na ba naibigay na niya sa ama ang pasya niya rito. Ngunit sa kanan isipan niya ang malaking pagtutol. Samantalang sa kaliwang isipan naman ay pumayag na siya para na rin sa pamilya niya. Para wala nang maraming usapan! Nakaupo at nakatingin siya sa 'di kalayuan na mayroong namamangka nang abutan siya nang kaniyang kaibigang bakla sa ganoong posisyon. "Tumawag ako sa inyo gaga, wala ka daw doon sabi ni tiya. Kaya naisip 'kong punatahan ka dito." Mabilis siyang napalingon sa mapag alalang boses. "Sana sanggol na lang ako Lhira." Malamlam na sagot niya nang bawiin niya ang paningin at ibalik sa maalon na tubig. "Ano ba'ng problema at naguguluhan ako sa ikinuwento mo kahapon? Totoo ba nag sinabi mo?" Tanong nito matapos naupo ito sa gilid na kinauupuan niya. Hindi pa 'man siya nag -uumpisa, kaagad nangilid ang luha sa dalawang mata niya. Hindi din nagtagal bumagsak din iyon sa magkabilang pisngi niya, noong tumango siya. "Magpapakasal na talaga ako bakla." Nanginginig na boses ang pinakawalan niya. "Sure ka na ba? Hindi na ba masusolusyunan 'yan?" mababang boses na sagot nito. "Wala naman akong magagawa, kahit ayaw ko." walang lingon pa rin niyang sagot habang ang luha ay diretsyang pumapatak sa paanan ng pisngi niya. Matagal silang nagkuwentuhan ng kaibigan. Nagpalitan sila ng opinyon pero doon pa rin ang bagsak niya. Ang tanggapin, ang magpakasal sa mayamang intsik dahil wala silang magagawa nito wala silang pera na ganoon kalaki para pambayad sa kinauutangan nang kaniyang ama. Bigo talaga siya kaya tanging yakap lang ang naibigay ni Lhira sa kaniya. Kinagabihan habang na sa harapan sila ng hapag kainan, nagulat siya nang biglang magsalita ang kaniyang ama. Natigilan siya sa pagsubo ng pagkain at nakinig na lamang sa binibigkas nito. "Alexa, darating si Mr. Kim Yin Chu ngayong gabi. Maging maayos ka sa pananalita dahil ipakikilala kita. Siguro naman nakita mo na 'yon dahil minsan nagpunta na 'yon dito sa bahay?" nakatitig lamang siya rito nang tumango siya. Naramdaman niyang nawalan na siya nang gana sa pagkain kaya huminto na siya. Muli nagpatuloy ito sa pagsasalita. Tahimik naman siyang nakinig . "Alexa, makipag usap ka ng maayos sa intsik na 'yon! Ayokong mapapahiya ako sa tao! At kung hindi, lagot ka sa 'kin bata ka!" banta nito sa malaking boses sa kaniya. Napatingin siya sa knaiyang ina. Nakita niyang may takot angmga mata nito kaya sumagot na lang siya "O-p-po 'tay." kandautal niyang sagot kahit ba labag sa kalooban niya. "Oh s'ya, magbihis ka na. Magpalit ka ng damit mo at nangangamoy kang ulam!" biglang utos nito na hindi 'man lang tinanong kung tapos na ba siya sa pagkain. Mabilis siyang tumayo para sumunod, pero bago siya magtungo ng kuwarto napabaling ang tingin niya sa tumunog na cellphone nito. At hindi siya nagkakamali, ang intsik na iyon. Pinakatitigan niya ang kaniyang ama habang may katext ito sa tawagan. "Ano panag tinitingin-tingin mo, Alexa?! Paparating na daw siya! Hala! Bilisan mong magbihis!" baling nitong sigaw sa kaniya matapos nitong basahin ang text message para rito saka mabilis itong nagtungo sa may sala. Mabilis naman siyang umalis sa isang gilid na tinayuan niya para sumunod sa tila asong utos ng kaniyang ama. Tanging napatingin na lang ang kaniyang ina at mga kapatid niya sa kaniya habang papalayo siya. Kung sasagot ang ina niya tiyak alam na nila ang mangyayare sa kanilang dalawa. Mabilis na lumipas ang minuto. Dumating ang intsik at mabilis naman pinagbuksan nang kaniyang ama ng pintuan. Samantalang siya sinisilip niya ang mga ito sa nakatabing na kurtina. Hindi muna siya lumapit sa sala dahil gusto muna niyang makita nang malayuan ang lalakeng kinauutangnan nito kahit na ba nakita na niya ito isang beses. Tanging napapalunok na lamang si Alexa Ng laway sa nakikita at kinatatayuan, dahil kung doon siya maikakasal sigurado pisak siya sa katabaan dahil treplihin ang katawan nito sa katabaan. Tila ba lalo pang tumaba ito nang huli niyang makita. "Sir, tuloy po kayo." dinig niyang masayang paanyaya nang kaniyang ama. "Ayaw ko tuloy! Gusto ko bayad ikaw utang!" asik kaagad Ng intsik, kasabay ng pag taas nito ng salamin na suot sa kaniyang tatay. "Sir, relax! Maupo ka mo na at may sasabihin ako saiyo," ganadong sabi nang kaniyang ama. Sumunod naman ang intsik na H hindi matanto ang itsura, at nilinga- linga ang paningin sa bawat paligid habang siya'y nakasilip pa rin. "Naaalala mo pa ba ang anak 'kong dalaga na si Alexa?" napalunok siya. Tila hindi siya nito anak, tila ibang tao siya rito at ganoon kadali sa pagpapasya. Tila ba isa siyang hayop na binebenta. Hindi napigilan nanubig ang dalawang mata niya habang nakatayo pa rin. "Yung maganda at seksi? Bakit bigay mo ba akin o babayad ka na utang? Akina pera. Akin na." sabay lahad nito ng palad sa harapan nang kaniyang ama. "Ikaw naman!" saka umiling at pumalatak ang kaniyang ama. "Sandali lang at tatawagin ko ang magandang anak ko." At ngumiti ito na tila ba nanalo sa lotto saka bumaling sa kaniya. Hinila siya nang kaniyang ama na g makita siya sa may gilid. Ginawa niyang umatras sa una pero nilakihan siya nito ng dalawang mata. Kaya walang nagawang sumama siya. "Sir. Si Alexa, ang panganay na anak ko." maluwang ang pagkakangiting pakikila nito sa kaniya. Nagulat ito nang makita siya. "Ikaw maganda! Anak mo maganda! Ikaw makinis! Ikaw gusto ko! Mahal na agad kita, pakasal na tayo, mag-anak na tayo!" sabi nito na bakas ang kaligayahan nuong makita siya. Nagulat siya sa tinuran nito. Agaran din nag butil- butil ang kaniyang pawis sa nuo nang mabasa niya rito ang biglaang pagkagusto nito sa kaniya. Tumango ang kaniyang ama sa inulas nito at hindi nagtagal ito ang gumawa nang paraan para mag solo sila nang mag paalam ito at na aalis muna ito sa tabi nila. Kailangan makagawa siya nang paraan para hindi siya magustuhan nito. Kahit magmukha siyang tanga sa harapan nito ay gagawin niya. "Ikaw pakasal ka akin, ha?" nakatitig sa mukha niyang anas nito nang makatalikod na ang kaniyang ama. "Baog ho ako. Payag ka ba?" mabilis na sagot niya. 'Yun ang unang pumasok sa isipan niya kaya iyon ang binaggit niya. "No problem! Bibili tayo anak. Ako madami pera. Ikaw sasama sa 'kin. Ikaw ama mo bayad utang. Bibigyan kita pera, yayaman ikaw sa akin," nakangiti nitong sabi. Baliwala ang nabanggit niya. "Mabaho ho kili -kili ko," ulas ulit niyang sabi. Bahala na kung ano ang mabigkas niya. "Wala 'yan Alexa! Bibili tayo deodorant tanggal agad." Nakangiti ulit nitong sagot. Napaisip ulit siya. "Mabaho hininga ko. Okay lang saiyo?" Ewan! Bakit ba 'yon ang pumapasok sa isipan niya! Bahala na! Basta huwag lang magpatuloy ang pagka interes nito sa kaniya. "Okay lang 'yan Alexa! Bibili ako Colgate 'yung close up." maluwang na ngiting nakatingin sa kaniya. "Bobo pala intsik na 'to! Colgate na, close- up pa!" natatawa niyang bigkas sa sarili at nagsalita uli siya. Ginaganahan tuloy siya sa ginagawa sa kaharap. "Sorry Sir. Chu, hindi ho ako marunong maligo." Ewan ba niya kung naiinis ito sa mga sinasabi niya. Lahat yata nang sabihin niya may nakaambang sagot ito. "Marunong ako maligo, gusto mo, ikaw turo ko? Gusto mo sabay tayo, gawa tayo, baby?" Mabilis naman siyang napangiwi. Hindi niya alam kung nagiging O. A na ba siya o ganoon talaga ang pakiramdam pag na sa isang pagpapasya na hindi ka naman masaya. "Paktay na Alexa!" sambit uli niyang pabulong na siya lang ang nakaririnig. Pagkatapos 'non biglang dumating ang tatay niya kaya naputol ang pag uusap nila ng intsik. Sa tatay naman niya ito bumaling ng salita. "Ikaw Cardo bayad ka na utang sa 'kin, ha? Basta bigay mo sa akin anak mo. Maganda anak mo, gusto ko siya," sabi nito at maluwang ang pagkangiti sa harapan nang kaniyang ama. Pero mas maluwang ang pagkakangiti nang kaniyang ama nang marinig ang tinuran nito. "Sabi ko sa'yo Sir. maganda ang anak ko. Oh, paano may sukli pa 'ko?" Sabay lahad ng palad nito sa tuwang- tuwa na kaharap. "Syempre bigay ko pag kasal na kami anak mo." "O, sige. Ipapakasal ko kayo sa madaling panahon," mabilis na anas naman nang kaniyang ama. Sa mukha may pagka galak. Pero siya malaki ang pagkagulat at walang luhang umalpas sa dalawang mata niya, pero ang isipan at puso ay lumuluha sa mga nasaksihan niyang salita sa dalawang nagpapalitan nang pagpapasya. At 'di nagtagal nagpaalam na itong aalis na may may magandang ngiti sa labi. Kaya mabilis din siyang tumalikod at nagtungo nang kaniyang kuwarto. Daig pa niya ang isang baboy na binebenta pero wala siyang magawa. Nakatulugan na lamang niya ang mga luhang nagkalat sa pisngi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD