Kabanata 3.

1110 Words
KINABUKASAN, maaga na naman ulit nagpunta ng ilog si Alexa. Hindi siya magsasawa dahil ang lugar na 'yon ang siyang naging daan para ang pakiramdam niya ay gumaan. At dahil ilang hakbang lang ang tirahan nila doon kaya mabilis siyang napapapunta doon. Naisipan na naman niyang itext ang kaibigan bakla. "Bakla pumunta ka sa ilog may sasabihin ako sa'yo." Mabilis niyang pinindot ang send. "Bakla busy ako." mabilis namang reply nito. "Bakla sigurado na ang pagpapakasal ko. Siguro tama nga si tatay, para maiahon ko sa hirap ang mga magulang ko at mga kapatid ko. Kaya tamang tanggapin ko na lang sa loob ng puso ko." Matamlay na reply niya. "Pero masasaktan ka 'di ba?" "Oo! Syempre, kase hindi naman pala ako maikakasal sa taong mahal ko." "Kausapin mo uli 'yang tatay mong baliw sa pera!" tiyak bawat reply niya umiikot sa inis ang mga mata nito. "H'wag na, tiyak kong magagalit na naman 'yon, okay na 'ko. Tanggap ko na ang lahat." "Eh, 'di payag ka na talaga? Kaylan daw ang sakal ay ang kasal? Naiiyak naman ako saiyo bruha ka!" "Hindi ko alam, pero narinig ko kay tatay kagabi, mamadiliin daw niya ang kasal namin ng lalakeng 'yon dahil kagabi naandoon 'yung intsik." sandali at napahinto siya sa pagtype. Hindi siya makapaniwalang ipagkakatiwala siya nang kaniyang ama sa lalakeng hindi naman niya mahal at kilala, dahil lang sa pera. Muli nagtype siya. "Nakita ko na siya bakla ulit, sa pangalawang pagkakataon. Dyosko! Nagtriple yata ang katawan n'ya! Gusto kong umiyak talaga bakla sa harapan nila kagabi! At isigaw na ayoko! Pero alam ko ang mangyayare." Matapos ma isend sumingot siya. Patulo na naman ang kaniyang luha. "Oh, s'ya may paparating ako'ng costumer bakla. Mamaya itetext kita. Bye." Hindi na siya nag reply dahil alam naman niyang wala na itong magiging textback sa kaniya. Araw-araw kase lng bukas ang parlor nito sa bayan. Si Lhira lang talaga ang mapagsasabihan niya ng problema. At dahil isang iskinita lang ang layo nito sa bahay nila hindi siya nahihirapan na puntahan ito para makipag kwentuhan. Halos hapon nang umuwe si Alexa nang kanilang bahay. Hinayaan niya ang sariling sikmura na magutom kesa naman uuwe siya ng bahay at uulit- ulitin lang nang kaniyang ama'ng banggitin ang tungkol sa gusto nito. Magdadahilan na lamang siya pag siya'y tinanong kung bakit ngayon lamang siya umuwe ng bahay. Matapos nilang maghapunan, nagsabi ulit ang tatay niya na darating ulit ang intsik ngayon gabi sa bahay nila. Nilakasan niya ang loob na magdahilan. May takot kase siyang naramdaman sa dibdib sa mga oras na iyon nang malaman na darating ulit ito. "Puwedeng bukas na lang po tatay?" lakas loob na pakiusap niya sa ama. "Anong bukas ang pinagsasabi mo Alexa?! Darating ulit si Mr. Kim Yin Chu dito para pag usapan ang kasal n'yo!" bulyaw nito sa itinuran nito sa kaniya. "Itay kasal po kaagad? Kapupunta lang niya rito kagabi, ah! Tatay naman po! Hindi naman po ako uurong sa gusto n'yo. Sa akin lang po huwag namang madaliin." lakas loob na sagot niya. May halong luha na rin ang iniharap niyang mukha sa ama. "Alexa kaylangan ko na ng pera! Kailangan ko!" Sigaw na sagot nito. "Pero tatay, naiisip po ba ninyo ako?!" Salamat at nabitawan din niya ang salitang gusto na niyang pakawalan simula nang malaman ang nais nito. "Alexa!" banggit sa pangalan niya at nangangalit ang panga nito. Itsurang gustong manakit. Hindi apektado rito ang binitawan niyang salita. "O-po tatay." mapait at kanda utal niyang sagot. Hayon at agarang nawala ang lakas loob niya para magsalita ulit. Minuto kapwa sila napalingon sa pintuan. Mabilis naman siyang tinalikuran nang kaniyang ama para pag buksan ng pintuan ang bagong dating. Habang ang kaniyang ina, hinahgod na lamang ang likuran niya. Wala din itong magawa. Nakangiti ang kaniyang ama nang makita niya ito, nilingon siya nito para tapunan nang isang mabigat na tingin kaya mabilis siyang tumalima papalapit sa dalawang nakaupo sa sala. Maya-maya nagpaalam ang kaniyang ama. Heto at naiwan na naman silang dalawa ng instik. "Alexa, gusto mo date tayo? Ikaw ibibili ko damit at cellphone?" umpisa nitong sabi nang basagin nito ang katahimikan niya. "Ayoko! Gusto 'kong tumae!" mabilis na sagot niya. Ewan ba! Bakit 'yun ang na naman ang naisip niyang sabihin? "Ha?" ywanh labi na sabi nito at ibinaba ang salamin habang nakatitig sa kaniya. Na sa mukha nito ang pagtataka sa isinagot niya. "Sabi ko nauutot ako," malamlam na wika niya. "Okay lang utot ka na," maluwang na ngiting sagot sa kaniya. "Walanghiyang bulldog na 'to, kahit ano yata sabihin ko, gusto!" bulong niya sa sarili na naman. "Alexa, ikaw anong gusto mong pagkain? Ako bili." Nakangiting alok nito sa kaniya. Nag isip-isip siya sandali. Segundo at sumagot din siya. "Daga! Daga ang gusto ko! Dahil probinsya ito kinakain namin ang mga dagang nang gagaling sa palay. Alam mo bang paborito ko iyon kaya kung ano kinakain ko kakainin mo na rin, saka kinakain ko rin kulangot ko sa gabi dahil snack ko 'yun, gusto mo subuan kita?" ulas niya pero pasimpleng natatawa kung ano ang magiging reaksyon nito sa sinabi niya. Gagawin niya ang lahat, huwag lang magka gusto ito nang tuluyan sa kaniya. "Ha?" gulat na sahot nito. Itsurang hindi makapaniwala sa tinuran niya. At 'yun naman ang gusto niya at sa samantalahin niya. "Bakit? Hindi mo ba alam na masarap 'yon?" segunda pa niya. Itsurang apektibo ang mga pinagsasabi niya rito dahil sa ekspresyon ng mukha nito. Pero siya naman ang nabigla sa sinagot nito. "Oo! Masarap iyon Alexa!" napatitig siya dito. Mamaya at nangulangot ito at saka kinain. Hindi niya mapigilang mapangiwi sa nkaita g ginawa nito. Paktay ka Alexa! Ginawa nga n'ya! Naiiling na ipinihit niya ang ulo. "Halimaw ka yata! Kainis ka!" wikang pabulong sa sarili. Lalong nainis at nadiri siya sa kaharap. Kinaumagahan, naisipan ulit niyang pumunta sa ilog para maglaba. Sandali at napahinto siya sa pagkusot sa damit na hawak, naisipan niyang itext ulit si Lhira. "Bakla bakit ga'non? Ginawa ko naman ang lahat para ma turn of siya sa akin. Pero bakit 'di parin effective?" Malungkot niyang text sa kaibigan . "Hala bakla! Mukhang nagustuhan ka na talaga ng todo ng hapon na iyon! Talagang siya na bakla!" mabilis na reply nito. "Tulungan mo naman ako Lhira. Nakikiusap ako. Natatakot na talaga ako habang tumatagal sa kaniya." Pero wala siyang nahintay na reply sa kaibigan niya. Tiyak busy na naman ito at maraming costumer sa parlor. Iisip na lang ulit siya nang gagawin sa pagkikita ulit nila ng matabang intsik na iyon at kailangan, magiging epektibo iyun para sa ganoon harapan siyang ayawan nito at agaran maalis ang malaking problema niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD