KABANATA 4.

1282 Words
HALOS nagdidilim na nang umuwe si Alexa ng kanilang bahay. Hinayaan niya ang sariling magutom habang nakamasid lamang sa alon ng ilog. Mas nanaisin na lang niyang maubos ang kaniyang oras doon kesa naman maghapon niyang makita ang kaniyang ama na laging nakamasid sa galaw niya. Tila ba sa araw -araw na kasama niya ito, pakiramdam niya iba ang iniisip nito simula nang sabihin nitong ipakakasal siya sa kinauutangan nito. Para bang sa pakiramdam niya, tatakas siya ano 'man oras. Dahan niyang binuksan ang pintuan ngunit ang bumungad sa kaniya ay sunod-sunod na kalabog mula sa kuwarto ng kaniyang magulang. Iaangat pa lamang niya ang isang paa para tuluyan makapasok sa loob nang marinig niya ang impit na hiyaw ng kaniyang ina. Hindi siya nagkakamaling pinagbubuhatan ito ng kamay ng kaniyang ama. At natitiyak niyang kinausap nito ang kaniyang ama dahil bago siya nagpunta ng ilog, nag-usap muna sila ng kaniyang nanay tungkol sa pasya ng kaniyang ama. Nabanggit nitong kakausapin nito ang kaniyang ama at pakikiusapan na rin. Pinigilan niya ito sa ganoon hindi magalit ang kaniyang ama dahil alam na niya ang mangyayare sa dalawa. "Mas gugustuhin ko'ng maging alila kami ng anak mo kesa ibayad o ibenta mo siya sa intsik na iyon Rudy!" dinig niyang hiyaw ng kaniyang ina. Kaya lalo niyang binilisan ang paghakbang palapit. "Huwag kang makikielam Celia!" sa boses ng kaniyang ama hindi maitago ang galit. Matapos banggitin ng kaniyang ama iyon isang malakas na tunog ang narinig ulit niya. "Sige! Saktan mo uli ako! Bugbugin mo pa ako sa ganoon matapos na ang paghihirap ng anak mo!" hiyaw ng kaniyang ina. Kasunod no'n malakas na kalabog ulit ang narinig niya. "Nanay!" Hiyaw niya kasabay nang malakas na tulak na ginawa niya sa pintuan ng kuwarto. Mabilis siyang dumulog palapit sa inang namamalipit sa sakit hawak ang sikmura. "Tatay tama na po!" lumuluhang awat niya sa kaniyang ama. "Kung kulang pa Rudy ang suntok na ginawa mo, dagdagan mo! Huwag mo lang ibigay si Alexa sa intsik na 'yon!" hirap na bigkas ng kaniyang ina. "Umalis ka dito Alexa! Baka pati ikaw abutin sa ''kin!" Duro ng kaniyang ama sa kaniya dahil sa pag singit niya sa pag-aaway nang mga ito. "Tatay, tama na po. Hindi naman po ako uurong sa gusto ninyo. H'wag ninyo na pong bugbugin si nanay." Lumuluhang bigkas niya. "Hindi anak..." Luhaang bigkas ng kaniyang ina na ngayon ay nakatingin na sa kaniya. Mabilis siyang umiling rito. "Tama na po 'nay. Tanggapin na po natin. Okay lang po ako." Saka hinawi niya ang buhok nitong nagkalat sa mukha nito. "Sa uulitin po huwag na ninyong susubukan na kausapin si tatay tungkol doon. Okay lang po ako." Pagpapalakas loob niya sa kaniyang ina. "Celia! Narinig mo! Kaya huwag ka nang umarte na ayaw mo dahil makikinabang ka rin sa pera! Huwag kang makasarili!" "Tay, okay na po." baling niya sa kaniyang ama na puno ng galit ang mukha. "Pagsabihan mo ang nanay mo, Alexa! Baka hindi ko ulit matimpi 'yan!" Nanggigil na sagot nito sa kaniya at may halong pagduro sa mukha ng kaniyang ina. Mabilis na tumango siya sa ganoon kumalma ito. Pagkatango niya, walang paalam na lumabas ito ng kuwarto at naiwan sila ng kaniyang ina sa loob ng kuwarto. "Nanay!" Tawag niya sa kaniyang ina at mahigpit na niyakap. "Patawarin mo ako Alexa." umiyak na sabi nito. "Ano pong masakit?" Tanong niya nang ilayo niya ang sarili sa ina. "Okay lang ako anak." luhaan sagot nito habang nakatingin sa kaniya. "Nakikiusap po ako 'nay, huwag na po ninyong babanggitin iyon kay tatay. Okay na po ako. Payag na payag na po akong magpakasal kaya huwag po kayong mag-alala sa akin. Tanggap ko na po ang lahat. Para po ito sa atin lahat." "Patawarin mo ako Alexa!" nang mabanggit iyon mabilis siyang kinabig ng kaniyang ina at niyakap nang mahigpit. "Ipangako ninyo po sa akin na hindi n'yo na iyon babannggitin kay tatay." Yakap siya nito nang sabihin niya iyon. Pero wala siyang narinig na sagot mula rito kundi isang paghagulgol. Ngunit siya, pigil ang pag pag-iyak niya pero ang puso niya kanina pa humahagulgol. Ayaw niyang makita ng kaniyang ina na nasasaktan siya sa ganoon hindi na ito mag-alala sa kaniya. KINAUMAGAHAN maagang nagtungo si Alexa kung saan ang parlor ni Lhira. Mas mainam na sopresahin na lang niya ang kaibigan bakla kesa banggitin na pupuntahan niya ito sa puwesto nito. Nagulat ito nang pagbuksan siya nito ng pintuan. "Ang aga mo bakla?" Gulat na tanong sa kaniya ni Lhira habang inululuwang ang pintuan para sa kaniya. Walang pagbabago, kada umaga tila siya isang lantang gulay. Walang sagot na namutawi sa bibig niya, nag diretsyo siya sa sopa na pang tatluhan na puwedeng umupo. Eksakto wala pa itong costumers kaya malaya siyang sabihin ang nasa loob ng puso niya. Saka umupo siya na tila wala sa sarili. "Bakla, kahapon gusto ko'ng suntukin din ang tatay ko nuong makita ko'ng binubugbog niya si nanay. Pero kahit ganoon tatay ko pa rin iyon. Pero ang sakit sa dibdib na umiiyak si nanay pero wala akong magawa." matamlay na kuwento niya, lihis ang dalawang mata sa kaibigan nang banggitin niya iyon. Mabilis itong tumalima palapit sa kaniya at naupo sa kinauupuan niya. "Binugbog ni Mang Rudy ang nanay mo, Alexa?" Gulat na tanong nito sa kaniyang tabi. Mabilis siyang tumango saka sumagot, "Pinigilan ko na si nanay na huwag na niyang kakausapin si tatay tungkol sa intsik na iyon. Ayun at binanggit din at mukhang nakainom pa yata ng alak si tatay kaya madali niyang nasaktan si nanay." "Parang kailangan na yata natin ipa barangay ang tatay mo bakla." seryosong bigkas nito. Huminga siya ng malalim bago sumagot kay Lhira. "Pakiramdan ko bakla, gusto ko ng mawala sa mundo para hindi maramdaman iyong sakit." Sa pagkabigkas niya no'n alam na niyang napangiwi ito sa inulas niya. Segundo lang at nagsalita din. "Okay bakla. Tanungin mo ako kung ano ang pinakamadaling gawin para hindi mawala ang sakit." Maarteng pagkakabigkas nito. Mabilis siyang napatingin kay Lhira para malaman niya kung seryoso ba ang mukha nito. Nakita niyang nakataas ang kilay nito na hindi nakatingin sa kaniya. "Ano 'yun?" "Inom ka ng pataba ng palay, tedu ka kaagad!" Saka pabalyang tumayo sa kinauupuan nang masabi iyon, "Basta piliin mong madami akong costumers this week para akuin ko na rin ang mga kape at tinapay!" Imbes na mainis siya, literal siyang natawa sa kaibigan. "Walang hiya ka!" saka binakal niya ito ng suklay. Tinamaan ito sa paa. "Tinuturuan mo pa talaga 'ko!" "Ang sabi mo okay ka na! Then now nagpapakamatay ka na naman! Naririndi na ako Alexa! Ang sabi ko ipa barangay natin ang tatay mo pero ayaw mo!" nag kakanda mulirat matang sabi nito. "Bakla, ayaw ko talaga sa intsik na 'yon!" saka lumukot ang mukha sa nasabi niya. "Alam ko naman bakla! Pero wala tayong magagawa. Wala din akong pera para tulungan ka. Siguro tanggapin na lang natin talaga." saka naupo ito sa de gulong na upuan at na nasa harapan ng salamin inang hakbang ang layo sa kinauupuan niya . "Bakla, mamayang gabi pag-uusapan na ang kasal. Kung kailan ba gaganapin. Makikita ko na naman ang mukha ng lalaking iyon. Alam mo ba sa t'wing tumatabi siya sa akin para bang hindi ko alam kung nasaan ako. Natatakot ako sa lalaking intsik na iyon." saka hindi na niya napigilan ang sarili at sinalo ng dalawang palad niya ang mukha na tuluyang dumaloy ang luha sa kaniyang pisngi. "Takot na takot ako Lhira! Sana panaginip lang ito. Sana bangungot lang." pumipiyok na bigkas niya. "Sana nga bakla sa ganoon ako na lang ang gigising sa iyo, Alexa." tugon naman ni Lhira sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD