KINAGABIHAN HABANG nasa kuwarto si Alexa, nakarinig siya ng talong katok mula sa kaniyang kuwarto. Nabungaran niya ang kaniyang ama nang buksan niya iyon. Seryoso na naman ang mukha nito nang makita niya ito.
"Mag-ayos ka na ng sarili mo Alexa dahil darating na si Mr. Chu. At alam mo Alexa kung ano ang dahilan nang pagdating niya." madiin na bigkas nito at sa boses nang kaniyang ama ay may paninigurado.
Bigla naman siyang nagulat, "Po?!" patanong na sagot niya.
"Uulitin ko pa ba Alexa ang sasabihin ko saiyo?!" bulyaw na sagot nito sa kaniya.
"Hindi po 'tay."
"Gumayak ka na at alam ko'ng papunta na iyon dito." utos nito.
Ikom bibig na tumango na lamang siya matapos padabog naman itong tumalikod sa kaniya.
Dahan siyang naupo sa kaniyang higaan na gawa sa kawayan. Kahit gawa sa kahoy lamang ang kanilang bahay pasalamat pa rin siya dahil may sarili siyang higaan habang ang kaniyang kapatid na bunso ay ibinukod na rin ng kaniyang ina.
Simple silang namumuhay pero hindi niya inasahang mangyayare ito sa buhay niya. Ang magdesisyon nang ganito ang kaniyang ama. Tanggap na niyang sugarol at lasenggo ito pero hindi niya alam na ikaluluno siya nito sa kibauutangan nitong intsik nang ganoon kadali para rito. Para siyang hindi dugo't laman sa madaliang pagpapasya nito.
Sa edad niyang bente, high school lamang ang natapos niya. Okay na siya sa ganoon basta mabuhay lang sila ng masaya at walang sakit. Umangat ang kaniyang magkabilang palad para saluhin ang mukha. Impit na humagulgol siya, mabigat na naman kase ang dibdib niya. Iyon lang naman ang kaya niya, ang umiyak. Wala na siyang maisip na paraan kundi sumunod na lang talaga sa pasya ng kaniyang ama. Hindi siya makasariling anak pero hindi sa ganoon paraan ang gusto niyang ibigay sa mga magulang. At kung ipipilit niya ang gusto tiyak na maging ang kaniyang ina at baka ang bunso niyang kapatid na nag-iisa ay mapag buhatan pa rin ng kamay ng tatay niya.
"Alexa!" Kasabay nang tawag ng kaniyang ama ang pagkatok nito sa pintuan. Tarantang napatayo siya sa kinauupuan.
"Po!"
"Lumabas ka na d'yan! Nagtext na si Mr.Chu."
"O-opo!" Kanda utal niyang sagot. Hanggang sa narinig na lang niyang may yabag na papalayo sa kaniyang kuwarto.
At dahil kahihilamos lamang niya, tanging pangtaas na lang ang pinalitan niya dahil nagawa naman niyang magsuot ng pedal sa pang ibaba. Dahan siyang humakbang papalapit sa pintuan ng kanyang kuwarto saka itinulak iyon pasarado nang makalabas siya.
Eksakto inabutan niyang nakaupo na doon si Mr. Chu na akala niya ay wala pa. Napabaling tingin siya sa kaniyang ama na may galit ang itsura dahil sa naunahan siya ng intsik sa sala na dapat siya. Nagpatuloy siyang maglakad palapit sa sopa. Iwas ang magkabila niyang mata sa intsik dahil ayaw niyang magtama ang mga mata nila.
"Rudy, si Alexa ikakasal sa 'kin kaya ikaw ngayon tatay ko." masayang boses ng intsik.
At dahil kauupo lamang niya sa sopa habang ito naman ay nasa dulo ng kinauupuan niya tila ba inaapuyan na ang pakiramdam niya sa takot at narinig.
"Aba syempre Mr. Chu! Tiyak na maikakasal ka sa anak ko." anas ng tatay niya dahilan para magtaas ulo siya at mapatingin sa kaniyang ama na maluwang ang pagkakangiti sa intsik na kaharap nito.
Nakita niyang tumango ang intsik nang awtomatikong bumaling siya nang tingin rito. Masayang - masaya ang itsura nito sa isinagot ng kaniyang ama. Parang dalawa lamang ang mga ito at invisible siya sa mga ito dahil hindi 'man lang tinatanong kung ano ang desisyon niya. Kung ano ang magiging pasya niya.
"Ako, gusto ko kasal na bukas." sabi ng intsik.
Ang kabang nararamdaman niya ay lalong binayo, kaya mabilis niyang tingnan ang kaniyang ama kung ano ba ang isasagot nito sa kaharap.
Umabot ito ng isang upuan na isahan bago sagutin iyon saka naupo.
"Aayusin natin 'yan Mr. Chu. Huwag kang mainip at darating tayo diyan." Tumatangong anas ng kaniyang ama sa intsik.
Sa narinig niya gusto niyang kumibo, gusto niyang sabihin ang nasa puso niya pero tanging pag ikom na lang ng palad ang nagawa niya.
"Siguro Mr. Chu maiwan ko muna kayo. May gusto yatang sabihin ang anak ko." agaran nanlaki ang mata niya sa tinuran ng kaniyang ama.
Biglang bumaling nang tingin ang matabang intsik sa kaniya.
Anong sasabihin niya sa lalaking ito?
Akmang magsasalita siya ng liitan siya ng mata kaniyang ama. Tila ba pinitpit na luya na naman ang itsura niya. Segundo tumayo ito at ngumiti sa lalaking na ngayon ay maluwang ang pagkakangiti sa kaniya.
"Hello sweethearths." Bati nito sa kaniya.
"Hello bulldog." Ganting sabi niya kung pabulong ba o malakas ang pagkakabigkas dahil niraragasa na siya ng kakaibang kaba. Dahil ang nasa isip niya ngayon kung paano maaalis ang pagka interes nito sa kaniya.
"Ako tawag mo bulldog, Alexa?" Takang tanong nito. Sandali lang nag iba ang mukha nito.
"Hah? May sinabi ba ako Mr. Chu? Wala naman 'di ba?" pagsisinungaling niya.
"No! Dinig ko." pagpupumilit nito.
Saka tumayo ito at ang itsura ay hindi maipinta. Pero nagtataka siyang nagdesretsyo ito sa pintuan nila at walang paalam na lumabas ng bahay.
Nalintikan na! Tiyak gulpi ang abot niya sa kaniyang ama.
Sa pag-alis nito mabilis siyang pumasok sa kaniyang kuwarto, segundo pa lamang na nakakapasok siya doon ng malalakas na katok ang narinig niya mula sa pintuan at kulang na lamang ay maalis iyon.
"Alexa!" May halong hiyaw pa ng kaniyang ama, "Alexa!" Muling tawag nito kaya mabilis siyang naglakad palapit sa pintuan.
"A-ayan n-na p-po 'tay!" nanginginig boses na sagot niya.
Sa pagbukas niya ng pintuan isang malakas na sampal ang bumungad sa harapan niya. Kulang na lamang maalis ang mukha niya sa lakas na tinamo niya sa palad ng ama. Malakas siyang napahagulhol sa sampal na natamo.
"Wala kang silbing anak! Makasarili ka!" hiyaw nito sa kaniya na may halong pag duro sa mukha niya.
"Rudy!" hiyaw naman ng kaniyang ina.
"Huwag kang nakikielam rito Celia! Kung ayaw mong pati ikaw abutin sa akin! Anong gusto ninyong buhay?! Itong kahig tuka na lang habang buhay?! Hindi para sa akin ito! Para sa atin lahat!" nangangalit pangang bigkas ng kaniyang ama.
"Tumigil ka na Rudy! Hindi baboy ang anak mo na kung saan -saan mo na lang ibinebenta!" Matapang na hiyaw ng kaniyang ina.
Pero dahil hindi nagustuhan ng kaniyang ama ang isinagot ng kaniyang ina, kagat labing binigwasan nito ang kaniyang ina at lumagapak ito sa sahig.
"Nanay!" Malakas na hiyaw niya sa kaniyang ina. Mabilis niyang dinaluhan ang kaniyang ina na nasa sahig.
"Hindi puwedeng kayo ang masusunod sa pamamahay na ito!" Hiyaw ng kaniyang ama. "Hindi lang iyan ang aabutin ninyong mag-ina oras na kalabanin ninyo ako sa bahay na 'to!"
"Tama na po 'tay! Nangangako po akong hindi na mauulit." pumipiyok na bigkas niya.
"Kung gusto ninyong makaahon sa hirap, tanggapin ninyo ang gusto ko! Kaya kung ano ang sinabi ko, gagawin ninyo!" dagdag na bulyaw pa nito.
"Opo 'tay. Hindi na po mauulit."
"Bukas ng maaga dadalhin ang labada dito sa bahay. Binayaran na iyon kaya madaliin ninyong labhan. At nang may silbi kayo sa buhay ko!" pigil na iyak kasabay na pagtango niya sa kaniyang ama. Saka tumalikod ito sa kanila na may halong pag-iling.
"Nay, ayos lang po ba kayo?" aniya sa kaniyang ina. Mabuti na lang nasa kuwarto na ang kaniyang kapatid. Ayaw na ayaw niyang nakikita nitong sinasaktan sila ng kaniyang ama dahil ayaw niyang pati ito ay madamay.
"Hindi ko gusto ito Alexa, pero wala akong magawa anak." lumuluhang bigkas nito sa kaniya.
"Kasalanan ko po ang lahat 'nay." saka niyakap muli niya ang kaniyang ina.
Makalipas ang ilang oras, para bang may tukod ang kaniyang mata dahil hindi 'man lang siya dalawin ng antok. Idagdag pang masakit ang pisngi niya tugon sa kaniyang mata. Sa laki ba naman ng palad ng kaniyang ama kainposiblehan na hindi iyon bumakat sa kaniyang mukha.
Dahan siyang tumayo sa higaan niya at nagpasya siyang pumunta na lamang sa bahay ng kaibigan niyang si Lhira. Naglakad siya sa kadiliman ng langit, walang takot at walang pangamba. Mas natatakot pa nga siya sa intsik na iyon kesa sa bumabalot na dilim sa kaniyang paligid, tiyak naman niyang gising pa ang kaibigan niyang bakla.
Isang katok lamang ng pagbuksan na siya nito ng pintuan.
"Dyos ko! Anong nangyare sa mukha mo?" gulat na tanong nito sa kaniya nang makita siya.
"Puwedeng pumasok?" Malamlam na tanong niya malayo sa tanong nito.
"Ginawa ba ng tatay mo 'yan, Alexa?" hindi na mapigilan ang pagka alsa boses nito.
"Oo, kase pinahiya ko siya kay Mr. Chu. Kasalanan ko Lhira kung bakit pati si nanay nasasaktan." Aniya ng makaupo sa upuan gawa sa kahoy. "Basta pag kinasal ako naandoon ka Lhira." pagkabiglas niya no'n bumuhos ang masaganang luha sa kaniyang magkabilang mata.