"BLUE, NASASAKAL ANG palad ko." halos pabulong na wika ni Alexa, habang naglalakad sila papasok sa isang malaking compound na gaganapin ng party. Hindi mapigilan ni Alexa'ng tapunan nang tingin ang magkabilang tagiliran. Para ba'ng mga nakakita ng artista ang mga taong nakatingin sa kanila ni Blue nang makalapit na sila. Sa tingin niya, enggrande ang dinaluhan nilang party ng binata. Kabilaan may nakikiya siyang mga ilaw. At sa kabilang bulwagan naman hindi nakaligtas sa mga mata niya ang isang mahabang lamesa na naglalaman ng mga kaserola ay sa harapan ay may mga waitress at waiter na tila ba hinihintay siyang kumuha ng pagkain. Nakaramdam tuñoy siya ng gutom. At paglingon niya sa kanan tagiliran niya, halos natulala ang mga ibang babae dahil sa pagkatitig sa kanila. Tila ba hindi maka

