NAKARAMDAM nang sobrang pagod si Blue kaya agarang nagtanong siya kay Greg kung saan ba siya puwedeng magpahinga. Itinuro naman kaagad ng kaibigan niya ang bakanteng kuwarto, mabilis naman tumalima patalikod si Blue. Hindi niya inaasahang mapipilit siya nito at namalayan na lang niyang gumagayak na siya patungo sa probinsya ng kaibigan. Sabagay wala na rin siya magagawa dahil lahat ng dapat asikasuhin na papel, inasikasong tinapos na ni Greg. Habang nakahiga napabaling siya ng tingin sa may bintanang nakabukas kaya malayang pumapasok ang hangin papasok sa loob ng kuwarto. Tumampal ito sa mukha niya habang nakamasid siya sa bintana. Tama nga ito, maganda nga ang kinalakihan nitong probinsya at itsurang makakatulong kung paano makalimutan kahit sandali ang dinadalang problema niya. Taon n