AT DAHIL DAY OFF NI ALEXA ngayong araw, naglinis siya ng kaniyang tinutuluyang bahay. Hindi din niya alam kung excited ba siya sa pagdating ni Greg ngayong araw o naiinis dahil agarang nasabi niya sa binata ang address nang sabihin nitong pauutangin siya ng malaking pera. Kailangan niya ng malaking pera, nagre-request kase ang kaniyang nanay na magtatayo ito ng tindahan kahit maliit lamang. Masaya na rin siya dahil kahit paano unti-unti na ring nagbabago ang kaniyang ama at dahil doon, nagawa niyang sabihin kay Greg ang tungkol sa pera na kailangan niya eksakto din sa nabanggit nitong pera. "Pst! Kumusta?!" gulat nito sa kaniyang likuran. "Ay! Pusang gala ka!" gulat na bigkas niya sa binata. "Mabuti mabilis mo'ng natunton ang tinitirahan ko?" saka ibinaba ang walis na hawak niya. Nagwa

