NANLAKI ANG MAGKABILANG MGA mata ni Alexa sa kotseng dumaan sa harapan niya habang akmnayg kakatukin niya ang kotse ni Greg. Mabilis din niyang binawi ang malaking pagkagulat nang yumuko siya kagaad. At nang malayo-layo na ang kotse ni Carey, nag-angat siya ng ulo at nagkukumahog siyang pinagkakatok ang salaming bintana ng kotse ni Greg. "Greg! Hoy gising!" kasabay nang malakas na pagkatok niya sa salamin, ngunit walang reaksyon ito dahil tuloy pa rin ang pag tulog nito, "Greg! Ano ka ba? Buksan mo ang bintana! Gumisi g ka diyan!" malakas na hiyaw at may kasamang malakas na katok ang pinakawalan niya habang ang mga mata'y minamatyagan kung huminto ba ang sasakyan ni Carey. Kailangan nilang sundan ang kotse nito. Lalo na't madilim ang kapaligiran na halos hindi na niya maaninag ang sasakya

