PAGDATING NILA NG KANIYANG Tatay galing sa bahay ni Mr. Chu, kitang -kita niya ang malaking kasiyahan sa mukha ng kaniyang ama. Dahil matutupad na ang kagustuhan nito at mababago na ang kanilang pamumuhay. Nagkasundo na ang dalawa at nagkausap na nang masinsinan. Labag 'man, pikit matang hinawakan niya ang palad ni Mr. Chu habang humingingi nang patawad sa intsik na maluwang ang pagkakangiti sa kaniya. At kung hindi niya iyon gagawin tiyak mahigit pa sa garutay ang matatanggap niya galing sa ama. Bukod doon tiyak damay ang kaniyang ina dahil huling pagkakataon na iyon at baka ayawan na siya nang tuluyan ni Mr. Chu. Naisip ni Alexa lumabas ng bahay, at sa pakiramdam niya ito rin siguro ang huli niyang magiging masaya dahil hindi naman totoo ang isang himala na napapanood niya sa pelikula.