KINAUMAGAHAN maagang nagising si Blue. Nagtungo siya sa kusina para magtimpla ng kaniyang kape at dahil hindi pa sumisikat ang araw tiyak niyang almahimbing pa ang pagtulong ng dalaga. Hinayaan niya ito dahil alam niyang pagod ito maghapon kahapon. Papasok pa lamang siya ng pintuan ng kusina, agaran nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Kamuntikanan pa niyang matapakan ang isang kakaramput na tela at hindi siya nagkakamaling pang ibabang saplot iyon at panigurado niyang kay Alexa iyon dahil dalawa lamang sila sa loob bahay. Nabuhay ang mga natutulog niyang laman at kaluluwa ng pulutin iyon na gamit lamang ay hintuturo at hinlalaki. Hindi rin siya nagkakamaling tibak iyon kung tawagin at saan naman nito iyon gagamitin dahil bukod sa dalaga ito wala pa itong nobyo. "Ang burara mo." Madiin

