WALANG KAMALAY-MALAY si Blue at Carey sa pagsilip ni Alexa sa nakauwang na pintuan. Tahimik siyang pinapanood ang dalawa. Hinahaplos ni Blue ang buhok ni Carey habang nakangiting nagsasalita ito. Si Carey naman, tila ba mamatay dahil matamlay ang boses nito na tila ba humihingi nang awa sa binata. Parang kinukurot ang puso niya sa nakikita. Kung kanina kinikilig siya sa mga binibitawang salita ni Blue, ngayon para ba'ng tinataga ang puso niya sa sakit. "Blue, mahal kita, pero malabo mo akong mahalin dahil mahal mo si Carey. Alam ko mahirap maging kalaban ang puso kahit itaboy mo iyong taong mahal mo, kahit niloko ka na pero kung talagang mahal mo, mapapatawad mo. Sobrang laki ng kalaban ko at malabong magwagi ako sa gusto ko na mapansin mo din ako. Sobrang sakit Blue." sabi ng isipan

