Chapter 1
“It’s so freaking hot here,” may inis sa boses na sabi ni Nicolette. She aggressively fanned herself with the wooden fan her manager gave her. “Bakit ba kasi hindi na lang natin ginamit ang kotse ko?”
Awtomatikong napaikot ang mata ng kaniyang manager na si Angelica. Muli nitong ipinaliwanag ang dahilan kung bakit hindi nila maaaring gamitin ang kaniyang sasakyan. Naiintindihan niya naman na umiiwas sila sa mata ng media at ng ibang tao na nakakakilala sa kaniya, pero ang isiping kailangan niyang magtiis ng ganito ang hindi niya kailanman matatanggap.
“I didn’t do anything bad. Those rumors circulating online were all fake. I’m not even friends with Mr. Stephen Lopez.” Galit niyang sabi bago padabog na tinapon ang pamaypay sa backseat ng kotse ni Angelica. “You know, I’m not his mistress! Bakit kailangan kong magtago?”
Last week, habang nasa isang commercial shoot si Nicolette, o mas kilala sa screen name niyang Colette ay masamang balita ang dumating sa kaniya. Siya raw ang kabit ng isang veteran actor na si Stephen Lopez. She was dumbfounded at that time. At imbes na linisin ang kaniyang pangalan, napag-usapan ng kaniyang management na itago muna siya sa mata ng media. That is why she’s here in Roxas Oriental Mindoro, with Angelica.
“This is for your own good. This is for making your caree-.”
“Wala akong pakialam kung malaos ako. What I want right now ay linisin ang pangalan ko. That’s the best way to do. Kung magtatago ako, parang ipinapalabas na rin nating may kasalanan talaga ako.”
“Calm down, Colette. Narito na tayo,” malumanay ang boses na sabi ni Angelica bago ito bumaba ng kotse. Walang nagawa si Nicolette kundi ang lumabas na rin ng sasakyan.
Nasa harap sila ng isang bahay. It’s a concrete house. It’s not that big, pero kung siya lang naman at si Angelica ang titira ay ayos na. Marami itong katabing bahay. Tanghaling-tapat, kaya naman wala siyang makitang tao na nasa labas. She's actually thankful because of that dahil walang makakakita sa kaniya. No one will take a picture of her, though alam naman niyang sa mga darating na araw ay maaaring lumabas na sa media ang desisyon nilang magtago sa isla ng Mindoro.
Pagkapasok sa loob ng bahay ay napansin na kaagad niya ang iba niyang gamit na naunang ipadala ng kaniyang manager kahapon ng umaga. Maayos na nakalagay iyon sa sala. Saglit lamang niyang tinapunan ng tingin ang mga gamit. Pagkatapos niyon ay inilibot niya ang tingin sa buong bahay. The house's actually clean and decent. Kompleto ang gamit at halatang may gumagamit.
"May iba pa bang nakatira dito?" Tanong ni Colette sa kaniyang manager.
Mula sa pag-aayos ng mga gamit ni Colette ay napunta sa kaniya ang tingin ni Angelica. Marahan itong tumango. "Yeah, my brother."
"I didn't know you have a brother," mahinang sabi ni Colette bago naglakad patungo sa ikalawang palapag kung saan naroon ang mga kuwarto. Dalawa ang pintong nasa itaas. Isa marahil doon ang inuukopa ng kapatid ni Angelica.
Akmang bubuksan ni Colette ang unang pinto nang biglang sumulpot si Angelica dala ang ilan niyang bagahe. Kaagad naman niya itong tinulungan sa pagbubuhat.
"This is going to be your room," sabi nito habang binubuksan ang pintong katapat ng sana'y bubuksan niyang kuwarto.
Pagkapasok sa loob ay napapatangong inilibot niya ang tingin. Marahan siyang naglakad hanggang sa makalapit siya sa kama. Isang malalim na paghinga ang kaniyang pinakawalan bago muling tiningnan ang mga gamit na halos naipasok na lahat ni Angelica sa kaniyang kuwarto.
"I just wish we had a different approach to the issue. Not like this...like hiding as if I really did something wrong." Sabi ni Colette habang nakatingin kay Angelica na ngayon ay nakatingin na rin sa kaniya. Muli siyang nagpakawala ng malalim na paghinga. "You and my parents didn't even considered my suggestion of having a press conference to clear my name. Angelica, what we're doing is like, admitting the scandal I never committed."
Angelica let out a sigh. Lumapit ito sa kaniya at masuyong hinaplos ang kaniyang pisngi. "Gusto lang ng mga magulang mo na maging maayos ang kapakanan mo. Running away or hiding from the issue doesn't mean you're guilty. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay ganoon iyon, Colette. We just want to protect you from the people who wanted you out of the spot light. Gusto ka lang naming protektahan physically, emotionally, and mentally, dahil mahalaga ka sa amin hindi lang bilang Colette kundi lalo na bilang si Nicolette."
Nakakaunawang tumango si Colette. "I understand," mahina niyang sabi bago naupo sa kama.
Saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan nilang dalawa. Ilang sandali lamang ay si Angelica ang bumasag sa katahimikan. Angelica excused herself to prepare something to eat, while Colette decided to organize her clothes in the closet. But before that, she changed into her most comfortable clothes; short shorts and a cropped top shirt. She put her hair up in a bun. Habang nag-aayos ng kaniyang gamit ay ramdam niya ang tindi ng init at ang paglandas ng pawis mula sa kaniyang noo at leeg.
Nasa kalagitnaan ng pag-aayos si Colette nang marinig niyang may kausap si Angelica sa baba. Lalaki ang boses ng kausap nito. Marahil ay iyon ang sinasabi nitong kapatid na lalaki. Hindi na binigyan pa ng pansin ni Colette ang mga ito. Muli na lamang niyang ipinagpatuloy ang pag-aayos ng kaniyang mga gamit.
Maya-maya lamang ay tinawag na siya ni Angelica para kumain ng late lunch. Colette didn't even bother to change her clothes kahit na basang-basa na iyon ng kaniyang pawis. She went to the kitchen while wiping her face with a towel.
"Maupo ka na," utos sa kaniya ni Angelica na sinunod niya naman.
Pagkaupo ni Colette ay nabaling ang kaniyang tingin sa lalaking nakaupo sa kabilang side ng dining table. Seryoso itong nakatingin sa kaniya. Saglit lamang ang ginawa nitong pagtingin sa kaniya, pagkatapos niyon ay inilipat na nito ang atensiyon sa pagkain nito. Colette felt a little confused as it was the first time someone looked at her like she's not the famous actress that everyone admires. He looked at her like she's an ordinary girl. Ganoon pa man ay hindi na lamang niya pinansin ang bagay na iyon.
"Ryder, si Nicolette," pagpapakilala sa kaniya ni Angelica sa kapatid nito.
"Hi," pagbati ni Colette kay Ryder. Inilahad niya ang kamay sa harap nito. "Nice to meet you."
Colette swallowed a little when she noticed him looking at her seriously. Akmang babawiin niya na ang kamay nang abutin nito iyon. He shook her hand. "Nice to meet you too, Nicolette," he said formally in a low tone.
Noon lamang napansin ni Colette ang suot na damit ni Ryder. He's wearing a white long sleeves and a black pants. She thought he might be working for some government agency.
After that introduction, they ate silently. Si Angelica ang malimit na nagsasalita. She asked about her brother's work which Colette realized that Ryder is a Professor when he said he's working on some slides to present to his students. Hindi man sabihin ni Colette ay nakaramdam siya ng kaunting paghanga sa kaalamang isa itong guro. Malapi kasi ang loob niya sa mga taong may katulad nitong propesyon dahil na rin marahil sa namayapa niyang lola na dating guro.
"Ako na ang bahala sa paghuhugas ng mga pinagkainan, Colette." Sabi ni Angelica pagkatapos nilang kumain.
Napapatangong tumayo siya mula sa kaniyang upuan at mabilis na nagpaalam na babalik na sa kuwarto para muling ipagpatuloy ang pag-aayos ng kaniyang mga gamit.
Colette was again, busy with organizing her things when she noticed Ryder outside her room. Nakatayo ito sa katapat na pinto na sa tingin ni Colette ay ang kuwartong inuukopa nito. Ryder looked at her. He nodded to Colette. Isang tipid na ngiti ang ibinigay niya kay Ryder bago ito tuluyang pumasok sa kuwarto nito.