Chapter Three:

1641 Words
Chapter 3: Kinabukasan, mas maaga na namang umalis kaysa sa'kin si Babes. Ewan ko ba dun? Masyadong kina-career ang pagmamanage ng kanyang publishing house. Sabagay pangarap niya yun. Ako kasi, sa kumpanya namin nagtatrabaho. Sabi kasi ni daddy dapat daw may isa sa aming magkapatid ang magmana ng bussiness. Dapat si Babes ang taga pagmana since siya ang panganay pero dahil iba ang gusto ni Babes, ako na tuloy ang magmamana. Ayos lang naman sa'kin, wala naman akong ibang gusto kundi ang kaligayahan ng pamilya ko. Chos! Lumabas ako ng unit na tinititigan ang hawak kong spare key ng unit namin. Naku, hindi ko na 'to dapat maiwan. As in never! Baka mamaya maabutan na naman ako ni pansit canton na natutulog dito sa tapat ng unit ko 'no! Aba, kahiya hiya, kahindik hindik na ang pangyayaring iyon tapoa susundan ko pa? Naglakad ako papunta sa elevator at naghintay na bumukas. Maya-maya'y bumukas na, pero s**t na malagkit, napatakip ako ng bibig dahil nang bumukas, nakita ko si pansit canton na may kahalikang babae at nakabukas na ang unang tatlong butones ni pansit canton. "Oh my gosh! Rated SPG!" Sumigaw ako na nakapukaw sa atensyon nilang dalawa. Lumingon silang dalawa sa akin ngunit mas napansin ko ang tingin ni pansit canton. Namumungay ang mga mata n'ya nang lumingon sa akin ngunit nagbago iyon at napalitan ng gulat nang mapagtantong nahuli ko sila. Agad agad niyang ibinutones ang suot n'yang polo. Napailing na lang ako. Para maiba ang atensyon ko, sumulyap ako sa relo ko at napansing male-late na ako. Kaya nag aalinlangan man ay pumasok ako sa elevator. Ayokong maghagdanan dahil lang sa kanila 'no! Ano 'to? Hindi kaya private area ang elevator. "5th floor na honey, dito na lang ako," Sabi nung babae at nakita kong humalik pa s'ya kay pansit canton bago tuluyang lumabas ng elevator. Napangiwi ako, Diyos ko. My virgin eyes are now ruined. Ngayon pa lang ako nakakita ng live na naghahalikan! Dati, sa mga drama lang, eh. Grabe huhu. Tumingin ako sa kabilang side ng elevator dahil ayokong tingnan siya. Nakakadiri! Ang laswa! "Ah... M-ms. Hot?" Napairap ako at hindi ko pinansin ang tawag niya. Alam ko namang ako ang tinatawag niya eh, malamang kami lang dalawa dito sa elevator, hindi naman ako shunga. Kinalabit niya ako kaya naman nilingon ko na siya. Nakita ko ang pag angat ng labi niya ng lumingon ako sa kanya. "What?" Nagtaas ako ng kilay sa kanya, dinilaan niya ang labi niya. Bakit ba ang hilig nitong dilaan ang labi niya! Nakakainis eh, ang sexy kasi. Natulala siya sa akin kaya naman kumunot ang noo ko at tinaasan siya ng kilay muli. "Kung nagagandahan ka sa'kin sabihin mo, hindi yung natutulala ka na lang bigla..." Ngumisi siya at nakita ko ang pamumula ng kanyang pisngi at saka kinagat ang kanyang labi. Nagkamot pa nga siya ng batok bago ko narinig ang pagbukas ng elevator. Pagkalabas ko ng elevator, nagtatayuan ang mga balahibo ko dahil sa kilabot na nararamdaman ko. Kainis na pansit canton kasi 'to! Todo pa cute sa'kin, hindi naman siya cute... Pogi siya! "Ah... Baby I want to know your name." Hinawakan niya ang balikat ko na nagpa-igting ng aking panga. Feeling close? Lumingon ako sa kanya na may galit na ekspresyon sa mukha. "Anong baby?! Malaki na ako! You see? I have boobs..." Tinuro ko ang dalawang boobs ko. "I'm not a baby anymore! So don't call me baby, letse 'to... Pinky ang pangalan ko! Huwag mo na ako tawaging baby! Papalamunin kita ng sandamakmak na talong diyan eh." Tinalikuran ko na siya at dire diretsong naglakad papunta sa parking lot. Narinig ko ang yabag ng paa niya sa aking likuran. Kumunot ang noo ko. Bwiset! Sinusundan pa yata ako?! May pagnanasa yata ito sa akin eh! O baka balak ako nitong gahasain? Oh my gosh! I am not yet ready! Huminto ako sa paglalakad para lingunin s'ya. At nang nilingon ko siya, nakita kong nakatingin s'ya sa pwetan ko. "What the hell?" Umangat ang tingin niya sa akin at kinagat niya ang kanyang labi. "Baby thank you for telling me your name..." Kinindatan niya ako pa ako. Nanginig ang labi ko sa sinabi n'ya at hago ko pa s'ya tuluyang masapak, naglakad na s'ya at nilagpasan ako. "Ang bastos mo!" Sigaw ko sa kanya. Nakita ko pang kumindat siya muli bago tuluyang pinaandar ang kanyang sasakyan. Ugh! Nakakabwiset talaga! Ngayon lang ako naka-encounter ng taong kabubwisitan ko ng ganito! Oh gosh! Makakain na nga lang ng tortang talong mamaya! - "Oh, Pinky, my daughter. Why so serious darling?" Tanong sa akin ni dad ng makarating ako sa opisina. "Dad, hindi lang talaga maganda ang gising ko..." Tumingala ako para makita si dad. Matangkad si daddy, sa kanya ako nagmana ng height. Si Babes kasi, pandak, mana kay mommy hihi. "Is it about your bird again?" Tanong niya at umupo sa upuang katapat ng desk ko. "Nope. Nakamove on na ako Dad," nginitian ko si Dad para makita n'yang sure ako na totoo ang sinasabi ko. "Then what's bothering you?" Tanong n'ya ulit at saka pumangalumbaba sa harapan ko. "Wala Dad, nainis lang ako sa bagong lipat na kapit bahay namin!" "Why?" Medyo natawa pa si Daddy "Because of his pansit canton hair." Lumakas ang tawa ni dad dahilan kung bakit ako mas lalong napasimangot. Hay si Dad, alam kong aasarin na naman ako n'yan. Sigurado akong stress 'yan sa meeting kanina kaya gusto n'ya ng stress reliever, at ako 'yon! "Darling, you know. Kapag mga problema sa kumpanya ang sino-solve mo. Madali lang para sa'yo. Pero pag mga maliliit na bagay. Hirap na hirap ka." Humagalpak ng tawa si dad na mas lalong lalong nagpasimangot sa akin. "Ang mga maliliit na bagay Dad, kung minsan mas malaking problema ang idudulot sa'yo." Natahimik si dad. Ngumiwi siya at tinapik ang aking balikat tsaka tumayo. Alam ko na nabasag ko s'ya kaya ganyan, well? "Sabi ko nga anak, di ako mananalo sa'yo." Napapailing pa si Dad bago tuluyang lumabas ng opisina. Buong araw na sana akong badtrip kung hindi lang ako kumain ng tortang talong at hotdog na may cheese noong tanghalian. Mabuti na lang talaga. Ganoon parin, wala namang pinagbago sa opisina. Araw araw ang problema ko lang ay ang mga models ng kumpanya. Alas otso na ng gabi ako nakauwi sa unit. Tinext ko pa si Babes bago ako umakyat sa floor namin. Naku, dapat makasiguro na ako. Me: Babes, nasa bahay ka na ba? She replied right away. Babes: Yes. Sumakay na ako sa elevator at pinindot ang 15th floor. Ako lang mag isa roon at medyo kinakabahan ako, takot kaya ako sa mumu. Mabuti na lang, sa 6th floor ay may sumakay na isang binata. At kung hindi ako nagkakamali, s'ya iyong crush na crush ko magmula pa noong lumipat kami ni Babes dito! Mahaba ang kanyang buhok na hanggang balikat. Maganda ang kanyang pangangatawan, moreno ang kanyang balat. Makapal ang kilay, namumungay na mga mata at manipis na pouty lips! s**t, ang gwapo talaga! Medyo nahihiya hiya man ay kinalabit ko siya. "Yes?" Tumaas ang kanyang kilay. "Ahm. Lagi kitang nakakasabay sa elevator." Nag init ang aking pisngi ko. Oh my God nakakahiya, pero kasi kung hindi ko s'ya kakausapin, kailan pa? "Yeah. Napansin ko nga." Ngumiti siya sa akin ng malawak. Grabe ang pogi! May dimples pa! Ang saya napapansin nya pala ako? Kilig to the highest tower! "I'm Karlo," Hindi ko inaasahang sasabihin n'ya ang pangalan n'ya. Inilahad niya ang kamay n'ya sa akin, waiting for me to grab the opportunity! Syempre, napakatagal kong hinitay na mahawakan ang kamay nya kaya tinanggap ko na agad! Wala ng patumpik tumpik pa! "Pinky hehe." Sa gabing iyon, masarap na masarap talaga ang tulog ko. Aba syempre! Matagal ko nang crush si Karlo. Ngayon ko lang nalaman yung pangalan niya. Masayang masaya ako nga hanggang sa mag umaga at makalabas ako ng unit. Sobrang saya talaga! Tapos kanina tortang talong pa ang ulam namin ni Babes! "Masaya ka yata ngayon?" Tanong ni pansit canton na inirapan ko lang. Walang makakapigil sa saya ko ngayong araw, kahit s'ya pa ang humadlang, I do not don't donut pie yeah! I mean, I don't care. Binabati ko ang lahat ng pumapasok sa elevator. Sobrang saya ko kasi eh, nasa tabi ko naman si pansit canton na panay ang cellphone. Nung nasa 6th floor na ako. Pumasok si Karlo! Oh my God! Buo na talaga ang araw ko! Sobrang saya talaga. "Hello, good morning." Nahihiya hiyang bati ko sa kanya sabay hawi ng long hair ko. "Good morning din." Nginitian niya ako at nakita kong lumabas ang dimples niya. "Maganda yata ang araw mo?" Tanong ni Karlo sa akin. Gusto ko sanang sumagot na, aba syempre dahil sa'yo 'to. Pero bago pa man ako sumagot ay may punyetang umakbay na sa akin. "Syempre masaya siya. Kami na eh." Sabi ni pansit canton. Biglang kumulo ang dugo ko. To the point na malapit nang umabot sa boiling point ang init. "May boyfriend ka na pala, Pinky?" Tanong ni Karlo. Shit! "Ah... H-hindi!" Inalis ko kaagad ang kamay ni pansit canton sa aking balikat. Nagpigil ako ng galit, kasi kapag hindi ko 'to pinigilan, mamaya patay na kaagad itong katabi kong abnormal. "Nagjojoke lang siya, 'di ba?" Tiningnan ko si pansit canton ng may pagbabanta. Ipinakita ko sa kanya kung gaano ako kagalit. Sumimangot siya at saka tumango. "Ah, oo joke lang pare." Ngumiti si Karlo sa akin. Ang gwapo talaga niya. Parang anghel na inihulog ng langit, lumagapak sa akin. "Ah, akala ko may boyfriend ka..." May sinabi pa siya na pabulong pero hindi ko narinig. "Ano yun Karlo?" "W-wala sabi ko siguro may gusto siya sa'yo." Tinuro niya si pansit canton kaya tiningnan ko si pansit canton ng masama. Nakasimangot na tiningnan nya ako pabalik. Kaimbyerna 'to!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD