Chapter 4:
Pagkalabas ng elevator ay nagmamadali akong pumunta sa parking lot. Sa 2nd floor bumaba ng elevator si Karlo.
"Baby!" Si pansit canton yun. Ako na naman yata ang tinatawag niya. Walang hiya talaga! Iisipin ng iba LQ kami. Oh my gosh, ayokong isipin nila iyon lalo pa at sa kanya!
"Baby, baby!" Hinawakan n'ya ang balikat ko kaya napalingon na ako nang s*******n.
"Hindi nga baby ang pangalan ko!" Sigaw ko sa kanya kasi badtrip na badtrip na talaga ako.
"Sorry okay? Gusto ko lang magtanong."
"Ano?!"
"May gusto ka ba dun sa lalaki kanina?" Mahinahong tanong n'ya.
Bwiset! Ano namang pake niya kung may gusto ako kay Karlo? Alam niyo yun? Magmula nang dumating 'tong pansit canton na ito minalas na ako! Ang ganda ng gising ko eh, kaso badtrip sinira na naman ng hinayupak na 'to.
"Wala kang pake! Ano? Feeling close ka? Ni hindi ko nga alam ang pangalan mong pansit canton ka eh! Letse!" Tinalikuran ko siya at dali daling sumakay sa kotse ko. Agad ko itong pinaandar at umalis papuntang MNM Building.
Nagngingitngit ako sa galit. Kaninang umaga ang saya ko pero dahil kay pansit canton, nasira na! Wala na! Hanggang maglunch ay badtrip parin ako kaya naisipan kong mag ulam ng hotdog, yung extra large ang size para mawala talaga ang badvibes ko. Hindi ako nagkamaling para gumanda talaga ang mood ko, pero wala parin.
Bandang alas tres ng hapon nang may kumatok sa opisina ko.
"Come in." Nakatutok ako sa screen ng laptop kaya hindi ko kaagad nakita kung sino ang pumasok.
"Darling." Narinig ko ang boses ni Dad kaya agad na nag angat ako ng tingin sa kanya.
"Oh, yes Dad?" Ibinalik ko ang tingin sa laptop.
"We'll have a family dinner tomorrow." Itinigil ko ang pagtitipa at tiningnan si dad.
"What time?"
"8 pm. Kasama ang mga Ledesma," Nginitian ko si Dad at tiningnan siya ng may kahulugan. Natawa siya ng bahagya.
"What Pinky?" Nagtaas sya ng kilay habang natatawa tawa parin.
"Ipagkakasundo mo rin ba ako sa isang lalaking bussinessman Daddy?"
Mas napatawa si dad. Humalakhak siya hanggang sa napahawak na sya sa kanyang tiyan.
"What Dad? Bakit tawa ka ng tawa?" Umiinit na ang ulo ko kay Dad, ah. Anong problema n'ya? Wag niyang sabihing...
"Dad? Baliw ka na Dad?!" Takang tanong ko at napatayo mula sa swivel chair.
"No darling, hindi ako baliw. Tsaka hindi kita ipagkakasundo sa kahit na kanino. Mag uusap lang kami ni Mr. Ledesma, ikaw talaga."
Napairap ako kay dad. Lumabas na siya ng opisina ko habang tumatawa. Baka nababaliw na talaga si dad? Naku, kailangan na yata n'yang magpacheck up.
-
"Hello Babes?" Tawag ko kay Babes mula sa kabilang linya.
"Yes twin?"
"May family dinner daw tom sabi ni Dad."
"Oh, talaga? Ok sige pupunta ako. For now, hindi na muna ako makakauwi. Dito na muna ako kila Alex."
"Ano?! Wag ka munang magpapabuntis kay Alex, Babes!"
Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya.
"Ang greenminded mo talaga Pinky!"
"Tss! Basta Babes ah?!"
"Yes, bunso goodnight!"
Pinutol ko ang tawag at tuluyan nang pumasok sa elevator. Pero nang makapasok ako, naabutan ko roon si pansit canton. Bakit ba palaging nasa elevator 'tong lalaking 'to? Pansin ko lang, eh.
"Babes?" Nagtatakang tanong n'ya.
Kumunot ang noo ko at nilingon si pansit canton na nasa tabi ko. Nakapamulsa siya at nakatingin sa akin ng matalim.
"Ano na naman ba?!" Singhal ko sa kanya. Nakita ko ang pag angat ng kanyang labi. Umirap din siya. Bakla ba 'to? May pairap irap pang nalalaman.
"Sinong Babes?" Tanong niya.
"Anong pake mo? Ano ba kita?"
Lumambot ang ekspresyon niya at hinawakan ang kamay ko.
"Baby..."
Makatawag ng baby parang magsyota kami, ah? Dali dali kong hinatak ang kamay ko pabalik kasi naman, para akong nakuryente dahil doon. My gosh!
"Hoy wag mo akong tawaging baby! Feeling close ka talaga eh, 'no?"
Ibinaba niya ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Yumuko siya pero kita ko pa rin ang pagkagat niya sa kanyang labi.
"Can we be friends, Pinky?" Inangat niya ang tingin niya sa akin. "Alam kong hindi maganda ang unang pagkikita at pagkakakilala natin isa't isa but... I really want you to be my friend." Inilahad niya ang kamay niya sa akin.
Tiningnan ko ang kamay niya tapos tumingin ulit sa mukha n'ya.
Tiningnan ko ulit yung kamay n'ya tapos balik ulit sa mukha.
Teka nga bakit nga ba ako nagagalig sa kanya?
"Ang manyak mo kasi kaya ayoko sa'yo! Lagi mo akong tinatawag na baby, tapos kung makatitig ka ang lagkit masyado."
"Sorry na, nagpapapansin lang kasi ako."
Hay, bakit nga ba ako galit sa kanya? Dahil nung naghihingalo si Mia ay kumakanta siya ng Don't Touch My Birdie? O dahil manyak talaga s'ya? O baka dahil feeling close s'ya. And now, napaisip tuloy ako.
Sa huli, tinanggap ko ang kamay n'ya.
"Sige." Nagshake hands kami pero nagulat ako ng hinatak niya ako palapit sa kanya at niyakap.
"Thank you, Pinky!" Narandaman ko ang hininga niya sa aking leeg kaya agad ko siyang tinulak. Nangilabot ang lahat ng balahibo ko sa hininga niya. Parang uminit sa loob ng elevator.
Nakita kong dinilaan niya ang labi niya. Then he whispered something.
"Ano?" Tanong ko sa kanya.
"Wala sabi ko ang laki! Ah, este, salamat pala!"
Bumukas ang elevator at sabay kaming lumabas. Nang makarating ako sa tapat ng unit ay hinawakan niya ang balikat ko.
"Wait, Pinky." Nilingon ko siya at pilit na ngumiti. Huwag lang talaga akong manyakin ulit ng isang 'to.
"Calvin ang pangalan ko," sabi n'ya.
What? Calvin? Calvin Klein? Yung tatak ng brief? Pasikreto akong tumawa sa aking isip.
"Okay, Calvin."
Nagtanguan kaming dalawa at saka s'ya tumalikod sa akin para pumasok sa unit n'ya. Ganoon na rin ako, pumasok na ako sa loob. Hindi ko alam pero bigla na lang akong napangiti. Hindi ko alam kung dahil ba sa Calvin na pangalan niya o dahil sa nawala na ang galit ko sa kanya.
Oo nawala na! Kasi naman si pansit canton s***h brief eh. Mas masarap pala 'yung hindi ka badtrip at inis. Nakatulog tuloy ako ng mahimbing nong gabing iyon. Alas dyes na ako nagising dahil sabado naman ngayon at walang pasok sa opisina. Talagang walang pasok ng sabado at linggo, iyon ang patakaran ni Dad.
Naghanda ako ng almusal ko. Wala si Babes, baka mag live in na yung dalawang 'yon!
Dinala ko ang almusal ko sa living room. Binuksan ko ang tv bago tuluyang kumain. Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain nang may magdoor bell sa pinto.
Yes! Baka si Babes? Ang lungkot pag mag isa, eh. Mas masarap 'yong may kaasaran ako. Tumayo agad ako at binuksan ang pinto.
"Hay salamat Babes at umuwi ka... Calvin?" Nakangiti siya ngunit bigla ring nawala.
"M-may hinihintay ka ba?" Tanong niya.
"Ah, oo meron." Sagot ko.
Nagtiim bagang siya sa sinabi ko.
"Sino? Yung babes mo?" Natawa ako, kala mo talaga boyfriend ko siya kung makaasta eh. Ano kayang trip nito? Bakit kaya s'ya ganyan? Imposible namang may gusto s'ya sa akin, eh kakakilala lang namin?
"Oo bakit? May angal ka?"
Lumungkot ang mukha niya. Hindi ko na lang inintindi iyon dahil napansin ko iyong hawak n'ya. May hawak siyang dalawang kape at isang plastic bag na hindi ko alam ang laman.
"Ano yan?" Tanong ko sa kanya at itinuro ang hawak niya.
"Ah, breakfast sana. Kaso may kasabay ka na yatang mag breakfast eh, kaya wag na lang."
Tatalikod na sana siya pero hinila ko siya papasok sa unit ko.
"Halika na... Breakfast na tayo, tatawagan ko si Babes at ipapakilala ko siya sa'yo.