Chapter Five:

1494 Words
Chapter 5: "Baka magalit yung babes mo!" Nakasimangot na sabi ni Calvin habang hinihila ko siya papasok sa loob. "Hindi ‘yun, ano ka ba." Pinaupo ko siya sa sofa ng living room at saka tiningnan. Nakabusangot parin ang mukha n’ya. Ang cute n’ya pala? "Diyan ka muna." Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng isa pang plato at saka bumalik sa living room. Naabutan ko s'ya roon na nakapangalumbaba habang nakabusangot. Ang sarap palang asarin ng lalaking 'to. Plus nakakadistract pa 'yong kulot na blondie na buhok n'ya. Totoo kayang blondie s'ya? "Halika na, kain na tayo!" Sabi ko at ipinagsawalang bahala iyong buhok n'yang nakakadistract. Inayos ko ang pinggan at kubyertos sa lamesa bago naupo sa tabi n'ya. "Bakit dito tayo kakain?" Nagtatakang tanong niya. "Gusto ko dito kasi may TV." Tumango lamang siya at inilabas ang laman ng plastic bag. Inilabas niya mula roon ang isang tupperware na may lamang baked mac. "Wow! Ang sarap naman niyan. Ang daming cheese!" Masayang sabi ko at kumuha ng isa pang kutsara para kumuha ng isang kutsarang bake mac. Tinikman ko iyon at nilasap ang lasa. Ang sarap, malinamnam. Sarap talaga kapag maraming cheese, yummy! "M-mahilig ka ba sa cheese?" Tanong niya bigla saka kumuha na ng bake mac at isinalin sa kanyang pinggan. "Oo naman, masarap kaya. Maalat alat na manamis namis at malinamnam lalo na kapag yung cheese nasa hotdog! Naku! Gustong gusto ko yun 'yong umaapaw yung cheese. Yummy!" Lumingon ako sa kanya at naabuyan s'yang nakangiwi habang nakatingin sa'kin. "Ganyan ka ba talaga magsalita?" Tanong niya. "Bakit anong problema sa pagsasalita ko?" Tanong ko sabay kamot sa ulo ko. Palagi na lang talagang may problema ang lahat sa pananalita ko. "W-wala! Tara na, kain." Awkward na sagot n'ya. "Yes! Kainan na tayo." Kumain kami. Hindi pa rin ako tumitigil sa kakakwento tungkol sa cheese. Hindi ko alam kung bakit panay ang ngiwi niya pero bahala siya. Masarap rin naman pala siyang kasama eh. Iba lang talaga ang unang pagkikita namin. "By the way... ‘di ba may ibon ka? Nasaan na siya?" Biglang tanong niya. Natigilan ako sa itinanong niya. Kinagat ko ang labi ko at saka yumuko. Ito na naman iyong kirot ng pagkawala ng pinakamamahal kong parrot. Ang sakit, akala ko nakamove on na ako, pero mukhang hindi pa yata. Siguro nakalimutan ko lang s'ya saglit pero hindi ko pa s'ya tuluyang nailelet go. Nangilid ang luha sa aking mga mata. No, I don't want to cry. "Bakit ka naiiyak? Ayos ka lang ba Pinky?" Nag aalalang tanong niya sa akin. "My birdie died. Isang buwan na ang nakakalipas," malungkot na sagot ko. Nagulat siya sa sinabi ko. Hindi kaagad nakapagsalita at tila natigilan pa. Unti unting tumulo ang mga luha ko, ni hindi ko na napigilan. Nakakasar naman, oh! Baka maging malungkot si Mia sa heaven. Bigla s'yang nataranta nang mapansing umiiyak ako. "s**t, baby I'm sorry. Don't cry, kasama na siya ni Lord." "Kasi naman eh, ang sakit kasi Calvin." Naiiyak pa rin ako. Hindi ko mapigilan kahit anong gawin ko. Bata pa ako, kasama ko na si Mia kaya siguro hindi ako makamove on. "Ang sakit, hindi ko pa rin kaya." Pero biglang huminto ang luha ko nang biglang bumagsak ang main door ng condo unit "What the hell? Ano ang masakit?!" Sabay na napalingon kami ni Calvin sa pinto at nakitang naroon si Babes kasama ang boyfriend n'yang si Alex. Mabilis na lumapit sa amin si Babes. Halos takbuhin na nga n'ya ang pagitan n'ya sa amin. Tsaka n'ya binalingan ni Babes ng tingin si Calvin. "Hoy, lalaki! Anong ginawa mo sa kapatid ko?!" Galit na tanong ni Babes kay Calvin. "Babes, let me explain!" Depensa ko. "Shut up! At ikaw pumayag ka naman? Bakit mo 'to pinapasok dito? Hindi ko 'to kilala ah?!" Tinuro turo ni Babes si Calvin. "Ate! Mali ang inaakala mo!" Bakit ba naman kasi green minded itong kapatid ko na 'to! Akala ko ba kulay violet ang utak n'ya? My gosh. Hindi na makasingit si Calvin. Panay lang ang singhap n'ya. "Sit down!" Utos niya sa amin. "Babes, calm down." Singit ni Alex. "Paano ako kakalma? Navirginan na yata ang kapatid ko!" "Ate!" Sumigaw na ako sa sobrang hiya at galit. Ano ba namang iniisip ni Babes? Sobra naman yung navirginan ano! Nakakahiya kay Calvin, grabe! "Walang nangyari sa'min! Nakadamit kami! See?" Tinuro ko pa ang katawan ko. "Umiyak ako dahil naalala ko si Mia!" Hinihingal kong sabi kay Babes. Lumambot ang kanyang ekspresyon at tiningnan muli si Calvin. Ngumiwi si Babes. "S-sorry, nag overthink ako. Pero teka sino ka ba?" napapakamot sa ulong tanong ni Babes. "Babes nga pala..." Pagpapakilala n'ya sabay lahad ng kamay. Nangunot naman ang noo ni Calvin. "I-ikaw si Babes?" Tanong ni Calvin at hindi agad tinanggap ang kamay ni Babes. "Oo, bakit?" Sagot ni Babes na ikinangiti ni Calvin. May nagtagong ngiti sa aking isip. Kung ano ano kasi ang iniisip eh, hahaha! Tinanggap ni Calvin ang kamay ni Babes. "Ah, wala. Ako nga pala si Calvin. Ako 'yung bagong lipat sa tapat ng unit n'yo." Umupo na kaming lahat pagkatapos ng mainit na usapan namin tungkol sa akalang natanggalan ako ng puri ni Calvin. Letsugas! Nakakahiya talaga. "By the way, Calvin. Kayo na ba nito ni Pinky?" Tanong ni Alex kay Calvin. Halos mabulunan ako sa sarili kong laway sa naging tanong ni Alex. "Alex! Ano ka ba? Dapat si Pinky ang sumagot niyan." Singit ni Babes. "Ano ba kayo hindi!" Pagtutol ko sa tinatanong nila. Tiningnan ni Alex at Babes si Calvin at parang naninigurado. Nakita ko ang nakakalokong ngiti ni Calvin. "Hindi pa, pero magiging kami rin." Nakangiti at proud na sabi ni Calvin habang ako ay nanlalaki ang mga mata. Umalingawngaw ang tili ni ate sa loob ng unit. "Oh my God! Dalaga na si Pinky!" Tili ni Babes habang si Alex ay nakipag apir pa kay Calvin. "I object!" Tumayo ako at naglakad papasok sa kwarto. Bakit niya sinabi yun? Kakabati lang namin tapos yan na naman? Kapag ako nainis puputulin ko ang birdie niya! "Pinky! Buksan mo ang pinto." Mahinahong boses ni Babes. Hindi ako nagsalita. Narinig ko pa ang ilang tawag nila pero hindi ko pinansin. Sa sobrang inis ko ay kumuha ako ng tuwalya at pumasok sa banyo. Maliligo na lang muna ako at ng mahimasmasan. Grabe nakakainis talaga. Pagkatapos kong maligo ay lumabas ako ng banyo ng nakatwalya lang. Pumunta ako sa kabinet at kumuha ng damit. Pagkasara ko ng kabinet, bumungad sa akin ang nakangiting pagmumukha ni Calvin. "Hi, baby!" "s**t ka!" Mura ko sa kanya pero mas lalo lang siyang napangiti. Nakita ko kung paano n'ya tingnan ang katawan kong nakabalot lang ng twalya. "Bastos!" Nagtaas siya ng kamay at umangat ang tingin sa mukha ko. "Whoa! Sabi ng ate mo, pasukin daw kita dito. Malay ko bang..." Bumaba ulit ang tingin niya sa dibdib ko. "Nakatwalya ka lang." Nag iwas siya ng tingin. "Labas! Magbibihis ako!" Tinulak tulak ko siya. Naapakan ko ang patak ng tubig sa sahig galing siguro sa buhok ko. Iningatan kong huwag yon maapakan dahil baka madulas ako. "Okay, lalabas na po ako." Tatalikod na siya ng maramdaman ko ang pagluwang ng tuwalya sa aking katawan. Humakbang ako ng isang beses at naapakan ang basa sa sahig. Hindi ko alam kung ano ang uunahing hawakan. Ang twalya ba na malapit ng matanggal ang pagkakakapit sa katawan ko o kay Calvin ba na nakanganga habang malapit na akong matumba. Sa huli ay napakapit ako kay Calvin para maging suporta sana at hindi ako tuluyang matumba pero nadulas lang kami pareho. Natumba ako sa kama at nakapaibabaw siya sa akin. Ramdam kong nakaexpose na ang aking dibdib sa kanyang dibdib. "Shit." Mura niya habang nakatitig sa aking mga mata. Naramdaman ko ang unti unting pag usbong ng kung ano sa gitna ng aking hita. What the? Ano yung... Matigas? "A-ang laki..." Sabi niya at mas lalong idiniin ang sarili niya sa akin. "A-anong gagawin mo, Calvin?" Napalunok ako. "Pakiss lang baby... Mukhang masarap yang labi mo." Sa isang iglap naramdaman ko ang labi niya sa aking labi. Hindi ako makagalaw. What is this? Ano 'tong nararamdaman ko sa aking tiyan? Ano gutom? Hindi eh, kakakain ko lang, eh! At... naramdaman ko ang paggalaw ng labi niya. Gusto ko siyang itulak pero nanghihina ang katawan ko lalo na ng maramdaman ko ang mas tumigas na bagay sa aking puson. Sa kanya yun... Oh my! Yung yung birdie niya! Agad ko siyang itinulak ng mahimasmasan ako sa nangyayari. Umupo ako sa kama at inayos ang nakatapis na twalya sa aking katawan. "Sorry..." Nakatayo siya sa harap ko habang kagat kagat ang labi n'ya. "Navirginan ang labi ko!" Galit na sabi ko sa kanya. "Sorry... Ang sarap kasi." Yun lang ang sinabi niya bago niya ako tinalikuran at lumabas ng kwarto ko. So? Ganun na lang? Pagkatapos niyang virginan ang labi ko? Tatalikuran niya ako? Panagutan niya 'to!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD