NAGULAT si Janet nang tuluyang pinaghinang ni Zack ang mga labi nila. Hindi siya kaagad nakapag-reak. Masyadong makapangyarihan ang halik nito at nahirapan siyang tanggihan ito. Ngunit kung kailan handa na siyang tugunin ang halik nito ay saka naman ito bumitiw sa kanya. “Bihira ako humahalik sa babae na hindi nauuwi sa kama, so don’t kiss me back, Janet,” sabi nito saka siya tinalikuran. Sandali siyang naparalisa. Pinainit nito ang buong sistema niya pagkatapos ay bigla itong titigil. Nakadama siya ng frustration. “Let’s continue!” pagkuwa’y anunsyo nito. Binalewala niya ang nangyaring halik. Kung tutuusin ay ilang beses na siyang hinalikan ni Zack pero tila sa pagkakataong iyon ay hinahahanp na niya ang init ng halik nito. Nagpatuloy sila sa pagsuntok sa kicking bag. Mamaya ay hinamo