"Congratulations on your newly opened resort, dude." lumapit si Mike at itinaas nito ang wine glass. "Cheers?" alok nito tsaka niya rin itinaas ang kaniyang hawak na wine glass.
"I heard that you stayed in this place for almost a year, is that right?"
Nagpakawala siya ng buntong hininga. "Yeah." tipid na sagot niya.
"Paano mo nagawang tumagal dito? I mean...mukhang boring ang place na ito noon. Ngayon nga lang nagmukhang masaya rito dahil nandito na ang resort mo. Sigurado ako walang chix dito pare." natatawang sabi ni Mike.
"I liked this place, it's very peaceful."
"Sabagay, pero wala ka na bang ibang dahilan kaya ka bumalik dito? I mean...wala kang babae na binabalikan sa lugar na 'to?" pabulong na tanong ni Mike sa kaniya habang ito ay pasimpleng nakangiti.
Natigilan siya sandali ngunit hindi rin nagtagal ay sinagot niya rin ng matuwid ang tanong ni Mike. "Wala akong babaeng binalikan sa lugar na ito. I just liked the place that's why I bought it. Also, next week I'm going back to Manila. Hindi lang naman ito ang resort na meron ako."
"Sabagay." hindi na nangulit pa si Mike sa kaniya.
Marami na ang mga bisita na dumating kasama na doon ang mga nakatatanda niyang mga kapatid kasama ang asawa ng mga ito.
"Congratulation!" bati ni Haden sa kaniya. Sumunod naman si Helious at ang asawa ng mga kapatid niya.
"Ang lawak ng resort na ito." komento ni Helious habang sinusuyod ng tingin ang ibang parte.
"Dito ka pala sa lugar na ito nag-stay nang bigla kang nawala." sabat naman ni Haden.
"Huwag na natin pag-usapan pa 'yon. Come on, let's have a drink!" itinaas ni Hendrick ang kaniyang hawak na wine glass at ganoon na rin ang kaniyang mga nakatatandang kapatid.
Si Alyana lang ang hindi nakadalo sa Grand opening ng kaniyang resort dahil abala rin daw ito sa sariling business.
--------
Jhonalyn's POV
Hinintay ko na lamang si Rose sa labas ng bahay. Ang usapan kasi namin dadaanan na lang daw niya ako. Hindi ko nga alam kung saang resort kami pupunta. Wala naman akong alam na bagong resort rito sa lugar namin.
Hindi na yata ako updated dito sa lugar namin. Hindi ko na alam ang mga nangyayari dahil nasa bahay na lang ako palagi nagmumukmok.
"Uy! Jhonalyn!"
Napalingon ako sa kinaroroonan ng tricycle. Hindi ko napansin ang paghinto nito sa hindi kalayuan sa kinaroroonan ko. Si Rose na pala iyon. Kumakaway siya ngayon sa akin.
Nagmadali naman akong lumapit sa kinaroroonan ng tricycle.
"Kanina ka pa ba?" tanong niya.
"Kalalabas ko lang din ng bahay."
"Mabuti naman. Akala ko naghintay ka sakin diyan ng matagal. Halika na, sumakay ka na dito."
Kailangan ko pa yumuko para pumasok sa loob ng tricycle. "Akala ko ba may iba pa tayong mga kasama?"
"Nauna na sila sakin. Ang sabi ko kasi dadaanan pa kita. Hindi ko nga pala nasabi sa 'yo ang address ng resort."
"Oo nga. Malapit lang ba 'yon?"
"Malapit lang." sagot naman niya. "Manong, tara na po."
Humarurot naman kaagad ang tricycle pagkatapos iyon sabihin ni Rose.
"Kung nag-stay ka na lang kasi sa malaki niyong bahay e 'di sana hindi napagod ang buntis." pabirong sabi ni Rose sa akin.
"Nakakalungkot sa bahay na 'yon. Mas gugustuhin ko pa lumabas kaysa magkulong na lang palagi doon. Sa pupuntahan natin may mapapala ako."
"Nasaan ba pera mo? Hindi mo na kailangan magtrabaho mapera ka na."
"Wala akong pera."
"Ano? Nasaan pala ang pera ng sugar daddy mo?"
"Wala sakin nasa step mother ko."
"Hinahayaan mo lang 'yon?"
"Anong gagawin ko? Ayaw kong hawakan ang pera ni Don Miguel."
"Jusko! Angs swerte naman ng step-mother mo at yung step sister mo."
"Hayaan na lang natin."
"Dapat magtabi ka para diyan sa batang dinadala mo. Hindi natin alam ang takbo ng mga bruhang 'yon. Lalo na ngayon wala kang ibang kakampi dahil nasa kulungan si uncle Hubert."
"Nandito na ho tayo, ma'am."
Magsasalita pa sana ako ng bigla naman nagsalita ang driver ng tricycle.
Nauna akong bumaba kay Rose habang si Rose naman ay nagbabayad sa driver.
Ganoon na lamang ang pagtataka ko dahil familiar sa akin ang lugar na ito. Hindi ako puwedeng magkamali, ito na yung resort na ginagawa pa lang noong pumunta ako dito.
Naalala ko na naman tuloy si Hendrick. Dito namin pinagsaluhan ang init ng isang gabi. Dito namin nabuo ang batang nasa sinapupunan ko.
"Oh? Natigilan ka?" nagulat na lamang ako ng biglang magsalita sa likuran ko ang kaibigan ko.
"May naalala lang ako."
"Sino naman? Yung EX mo o si Don Miguel?" natatawang asar ni Rose sa akin.
"Siraulo wala akong magandang alaala kay Don Miguel siya pa nga itong bangungot sa buhay ko."
"Eh, sino nga?"
"Yung ama ng batang ito." hinaplos ko ang aking tiyan.
"Ah, 'yon naman pala. Mahal na mahal mo noh?"
"Sobra."
"Hay! Pag-ibig nga naman. Pero mamaya mo na isipin 'yan. Trabaho ang pinunta natin dito kaya pumasok na lamang tayo sa loob."
Sumunod na lamang ako kay Rose. Pumasok na kami ng tuluyan Dumiretso nga kami sa kinaroroonan ng events.
Hindi ko akalaing ganito na ngayon kaganda ang simpleng lugar lamang noon. Napakalaki ng resort. Nilagyan na rin nila ito ng swimming pool at napakalawak nito.
Nang makarating kami sa venue ay kaagad akong hinila ni Rose para turuan sa mga gagawin ko. Magsasalin daw pala ako ng wine sa mga bisita.
"Magbihis na muna tayo." hinila niya na naman ako sa papunta sa rest room. Hawak niya na ngayon ang aming uniform.
Longsleeve white at mini skirt naman sa pang-ibaba. "Sigurado ka? Ito ba talaga ang uniform natin?"
"Oo naman. Ito yung binigay ng kasamahan natin. Hindi mo ba nakita yung mga kasamahan natin doon sa party?"
Oo nga pala, may nakita nga akong ganito ang suot. Nawala na sa isip ko dahil kung ano-ano na lang kasi ang pumapasok sa isip ko kanina. Ang dami kasing memories sa akin ang lugar na ito at ang taong kasama ko sa memories na iyon ay tuluyan ng naglaho.
Tapos nang magbihis si Rose ngunit ako hindi pa.
"Mauuna na ako sa 'yo beshy. Sumunod ka na lang." paalam ni Rose sakin. Pumasok na lamang ako sa loob ng cubicle para magbihis.
Ang iksi talaga ng skirt na suot ko. Kaunting galaw lang ay parang masisilipan na yata ako.
Hindi na rin ako nagtagal pa sa restroom. Lumabas na rin kaagad ako pagkatapos kong magbihis. Nag-retouch lang ng kaunti sa aking mukha tsaka lumabas na.
Habang naglalakad ako sa hall way ay tila ba familiar sa akin ang taong nauuna sa akin.
Iniling ko na lamang ang aking ulo dahil imposible yata itong nasa isip ko. Hindi naman siguro mapupunta dito si Hendrick, isa pa, hindi naman siya nagsusuot ng ganiyan klaseng kasuotan. Hindi rin siya mayaman para dumalo sa mga ganitong okasyon...pwera na lang kung katulad ko na nag-part time job rin dito.
Sa pagmamadali ko ay namalayan ko na lang ang pagsubsob ko sa matigas na bagay na n nasa aking harapan na ngayon.
Napangiwi na lamang ako nang mapagtanto kong hindi lang ito bagay kundi matigas na dibdib ito ng isang lalaki. Unti-unti akong napatingala dito.
Napaawang ang labi ko ng masilayan ang mukha nito. Napakaguwapo.
"S-sorry po."
"It's okay, next time look where you're going." paalala niya sa akin. Hindi ko naalis ang aking paningin sa kaniyang mukha.
Bakit ba may pagkakahawig siya kay Hendrick?
Bakit ba palaging si Hendrick na lang itong nasa isip ko?
Magtrabaho ka na lang ng maayos. Sinita ko ang sarili.
"Excuse me."
Napakurap-kurap na lamang ako ng hawakan niya ang aking balikat tsaka naman inilayo sa kaniya.
Jusko! Sa sobrang pagtitig ko sa kaniyang mukha hindi ko na naalalang nakayakap pa pala ako.
"P-pasensya na ho ulit." hingi ko na lang ulit ng pasensya.
Hindi na siya nagsalita. Nag-nod na lamang siya sa akin tsaka tuluyan ng naglakad. Ay! Parang suplado.
Kahit na ganoon ay nakahinga pa rin namam ako ng maluwag. Akala ko kasi magagalit pa siya sakin. Buti na lang at mabait ang lalaking 'yon. Ngunit ang ipinagtataka ko, kung bakit magkahawig sila ni Hendrick?
Namalayan ko na lang nandito na ako sa labas. Kinawayan ko si Rose na abala na ngayon sa pag-se-serve sa mga guest.
Kumuha na lamang ako ng champaigne para mag-alok sa mga guest. Ganoon naman ang ginagawa ni Rose kaya gagayahin ko na lang.
Tamang-tama naman sa grupo ng may mga edad na lalaki. Ayoko sanang dumaan sa pwesto nila ngunit hindi ko na nagawang umiwas pa.
Sinalinan ko na lamang ang kani-kanilang mga wine glass habang nakayuko. Nagkaroon na yata ako ng trauma kay Don Miguel. Parang ayaw ko ng lumapit sa mga kasing edad niya.
Sa wakas! Nagawa ko rin. Umalis kaagad ako sa kanilang puwesto at lumipat naman sa ibang grupo. Natigilan na lamang ako nang makita ang lalaking nabangga ko kanina habang naglalakad ako sa hall way.
Sa halip na ihakbang ko ang aking mga paa palapit sa kanila ay hindi ko nagawa. Hindi lang siya nag-iisa kundi dalawa sila. Dalawa silang magkamukha. Kung ganoon twins? Sino kaya sa kanila ang nabangga ko kanina.
"Uy! Ayos ka lang?"
"Ay! Kabayong bundat!" muntikan ko na tuloy mabitawan ang hawak kong champaigne dahil sa biglaang pagsipot ni Rose sa likod ko.
"Ano ka ba? Ginugulat mo naman ako eh!"
"Bakit ka natigilan?"
"Eh, kasi...nakita mo yung grupo na 'yon?" pasimple kong turo doon.
"Oh? Anong meron?"
"Yong isang lalaki doon nabangga ko kanina at hindi ko akalaing may kakambal pa pala siya."
"Bakit type mo? Hoy, umayos ka Jhonalyn. Nandiyan yung asawa oh! Hindi mo ba nakikita? Nakapulupot pa nga sa bewang ng asawa yung braso ng guy."
"Hindi. Sinasabi ko lang. Isa pa, walang makakatalo sa nobyo ko."
"Ah, yung nobyo mo na biglang nawala." may halong sarkastika sa boses niya. "Diyan ka na nga muna." tumalikod na siya sakin ngunit nagawa pa niya ulit humarap sakin. "Mamaya maya ribbon cutting na. Tingnan natin kung sino yung pogi na may-ari. Sabi nila pogi daw eh!" tila pabulong na sabi ni Rose sa akin.
Pogi? Wala na yatang ibang pogi sa paningin ko kundi si Hendrick. Siya lang at wala ng iba pa.
Napatayo ako ng tuwid nang makitang lahat ng guest ay nakatingin na ngayon sa bandang gitna. Dahil curious ako ay napatingin na din ako doon.
Halo-halo ang mga narinig ko sa guest na babae. Isa pa ang nakaagaw sa aking pansin ang boses na kilalang-kilala ko. Si Kanny, nandito rin siya. Iisang party lang pala ang dinaluhan namin dalawa.
"Balita ko, pogi raw ng may-ari nito." narinig kong sabi ng kasamahan ni Kanny. Nakikinig lang ako sa kanila. Hinihintay ko na rin na lumabas ang may-ari na sinasabi nila.
"Well, tingnan natin. Kung papasa siya sa standards ko." rinig ko naman na sabi ni Kanny.
"Ladies and gentlemen!"
Unti-unting naibaling muli ang aking paningin sa harapan. Sa lalaking nagsalita dahil familiar sa akin ang boses na 'yon. Ganoon na lamang ang pagbilog ng aking mga mata nang makita kung sino ang lalaking iyon. Walang iba kundi si Hendrick.
Hindi ko namalayan nabitawan ko na ang champaigne na hawak ko ngunit walang nakakita, walang nakarinig sa pagbagsak nito dahil naka-focus sila sa taong nagsasalita sa harapan.
"Ang pogi niya!" rinig ko pa na tili ng kasamahan ni Kanny ganoon din naman ang step-sister ko.
Hindi ko na naalis ang paningin ko kay Hendrick. Ibang-iba na siya ngayon. Hindi na siya ang nobyo kong simple lamang.
Halos hindi ako makapaniwala. Siguro panaginip lamang ito. Paano nangyari ito? Totoo ba talaga ito? Siya ba ang tinutukoy ng mga kasamahan niya sa pangingisda na bumili nitong lupa? Pero paano nangyari? Isa lamang siyang mangingisda. Paano niya mabibili ang lupa na ito?
Nanatiling nakaawang ang labi ko sa mga oras na ito.
Ang laki ng mga ngiti ni Hendrick para bang walang nangyari. After one month, nakalimutan niya na yata ako.
Pinagmasdan ko na lamang ito habang abala siya sa ribbon cutting.
"Beshy?"
Napakurap ako nang marinig ang boses ni Rose. Nakita ko na lamang ito na pinupulot ang bote na nagkalat sa sahig. "Ano ka ba naman, Jhonalyn. Hindi ka pa yata makakasahod nito eh! Binasag mo pa itong bote ng champaigne. Kulang pa ang sahod mo para mabayaran 'to noh!"
Hindi ko pinansin ang panenermon ni Rose sa akin.
"Ano bang nangyayari sa 'yo? Bakit parang natulala ka na yata diyan?"
"Y-yung lalaking nasa harapan." sambit ko.
"Oh? Anong meron? Yun yung may-ari ng resort. Pogi noh?"
"Siya ang ama ng batang dinadala ko."
"Ano?"
"Kailangan ko siyang makausap, Rose." hindi ko na alam ang ginagawa ko. Basta't ang alam ko, gusto kong makausap si Hendrick. Naglakad ako palapit sa kinaroroonan nito.
"Jhonalyn!" narinig ko pa ang pagtawag ni Rose sa akin.
Nasa harapan na niya ako ngunit hinarangan naman ako ng mga guwardiya. Hindi ako makakalapit sa kaniya.
"T-teka lang, puwede ko bang makausap si Hendrick?" pakiusap ko sa mga guwardiya na humarang sakin.
"Pasensya na, Miss. Hindi ka puwedeng lumapit." sagot ng guard sa akin.
"Gusto ko lang makausap si---"
Natigilan ako nang maibaling sa akin ang paningin ni Hendrick. Gumuhit sa kaniyang mukha ang pagkabigla nang makita ako ngunit sandali lamang iyon. Nagbago rin ang reaksyon niya pagkatapos ng ilang segundo. Muli na naman nitong hinarap ang mga bisita at ngumiti na parang hindi niya ako nakita.
"Please, pakisabi naman oh! Gusto ko siyang makausap." pakiusap ko pa din sa guard na hanggang ngayon ay nakaharang pa din sa daraanan ko.
"Maghintay ka rito, Miss. Sasabihin ko kay Mr. Dickson kung papayag ba itong makausap ka."
Sa wakas! Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ng guard. Lumapit nga ito kay Hendrick tsaka ito bumulong. Muling bumaling sakin ang aking nobyo. Ngunit tila malamig na yelo ang mga tingin nito sa akin. Hindi na katulad ng dati na kapag tinitingnan niya ako, pakiramdam ko, ako lang ang magandang babae sa kaniyang paningin.
Maya maya lang ay bumalik sa kinaroroonan ko ang guard na kausap ko.
"Miss, pasensya na ngunit hindi pumayag si Mr. Dickson." iiling-iling na sabi ng guard. Bumagsak na lamang ang aking mga balikat.
Abala pa rin si Hendrick sa mga bisita niya. Napansin ko ang pag-alis niya sa harapan kaya sinundan ko kaagad ito.
Bahala na! Basta gusto ko siyang makausap. Ang dami kong gustong itanong sa kaniya.
Mabuti na lang hindi siya nawala sa aking paningin. Pumasok ito sa loob. Pareho na kami ngayon na naglalakad sa hall way. Mas binilisan ko na lamang ang aking paglalakad para maabutan ko siya.
Ngunit natigilan na lamang ako ng bigla na lang ito nawala sa aking paningin.
"Teka, nasaan na siya?"
Naglakad na lang ulit ako hanggang sa marating ko ang kinaroroonan niya kanina. Dito siya biglang nawala.
I screamed when someone suddenly pulled me. I closed my eyes as he pushed me against the wall.
Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Sumalubong sa akin ang napakabango nitong hininga. Nagtama ang aming mga paningin. Ang kulay asul niyang mga mata ngayon ay tila ba nag-aapoy sa galit.
Ganoon na lamang ang pag-awang ng aking labi nang makilala kung sino itong nasa aking harapan ngayon.
"Sinusundan mo ba ako?" umigting ang kaniyang panga. Nakatukod sa wall ang isang kamay niya.
"Hendrick..." iyon lamang ang lumabas sa aking bibig.
Nabigla na lamang ako ng hapitin niya ng mahigpit ang aking bewang. Inilapit niya pa lalo ang kaniyang mukha. Kaunting-kaunti na lamang ay maglalapat na ang aming mga labi.
"Don't tell me you miss me?" hinaplos niya ang aking mukha. Ngayon ko na lang ulit naramdaman ang haplos niya. "Did you miss this?" kinabig niya pa ako lalo palapit sa kaniya kaya nagkalapit ang aming mga dibdib.
Bumilis ang t***k ng aking puso. Parang gustong lumuwa sa kinalalagyan nito.
Ganoon na lamang ang pagtigil ng aking hininga ng dumampi ang kaniyang labi sa aking labi. Ngayon ko na lang ulit naramdaman ang mainit niyang labi at inaamin kong sobrang na-miss ko ito. Naglakbay naman ang mga kamay niya sa aking mga hita at pinisil ito. Napaigtad na lamang ako. Gumapang rin ang mga kamay niya sa puson ko hanggang sa tumaas pa ito at naangkin nito ang aking dibdib. Nilamas niya ito sa loob ng aking uniform.
Ilang segundo rin niya akong hinalikan habang sinasamba ng kamay niya ang aking katawan. Nagulat na lamang ako ng bigla na lamang niya akong itinulak.
"Napakadali mo utuin." puno ng galit sa boses niya. Pinunasan niya ang kaniyang labi. Para bang diring-diri sa akin. "Sa tingin mo ba, magmamakaawa ako sa babaeng nilawayan na ng iba?"
"H-Hendrick, h-hayaan mo sana akong magpaliwanag. Sasabihin ko sa 'yo ang lahat---"
Hindi ko natapos ang gustong sabihin ng bigla niyang itinaas sa ere ang kamay niya.
"I'm not interested in your useless explanation, Jhonalyn. Whatever your reason is, you still can't get rid of the fact that you married a rich old man!"
"Let me explain first please..." hinawakan ko ang braso niya ng talikuran niya ako. Puno ng pagmamakaawa ang mga mata ko.
Humarap ulit siya sakin ngunit wala akong nakikitang pagbabago sa kaniyang mukha. Ganoon pa rin ang expression niya. Hinawakan niya ang kamay ko ng madiin at hinawi ito para matanggal mula sa pagkakahawak sa kaniya.
"I hope our paths never cross again, Jhonalyn... I wish you would just disappear from my life forever."
Unti-unting pumatak ang namuong mga luha mula sa aking mga mata ng tuluyan niya na akong talikuran.