"Ma'am, nakahanda na ho pala ang pampaligo mo." sabi sa akin ng isang babae habang nakayuko ito. "Tapos na akong maligo. Naligo na ako bago pumunta dito." sagot ko naman dito. "Sabi po kasi ni senyorito kailangan niyo po muna ulit maligo." "Ayokong maligo." Kahit na anong tanggi ko, hinawakan pa rin nila ang braso ko. "Pasensya na ho, ma'am. Sumusunod lang kami sa utos ni sentorito." Tuluyan na nga nila akong hinila kung saabg bahagi ng bahay na ito. Tinatahak namin ang hagdanan. "Saan niyo 'ko dadalhin?" "Sa silid niyo po." Patuloy lamang nila akong hinihila kung saan. Hanggang sa huminto ang mga ito sa harap ng pintuan. Binuksan nila ito at muli na naman akong hinila papasok sa loob. Napaawang ang aking labi nang makita ang loob ng kwarto. Napakalawak nito. Dumapo ang