Maaga akong nagising dahil gusto kong ako ang magluto ng breakfast ni Hailey. Mahilig 'yan sa itlog at hotdog kaya iyon na lang din ang niluto ko. Ipinagtimpla ko na rin ito ng gatas para paggising niya nakahanda na ang lahat. Maaga naman nagigising si Hailey. Minsan nga mas nauuna pa siya sakin magising noong taong bahay pa lamang ako. "Ang aga niyo po magising, ma'am." Bigla na lamang sumulpot sa likuran ko si Yaya Margauz. Pupungay-pungay pa ang mga mata nito. Halatang inaantok pa. "Dinaanan mo ba sa kwarto si Hailey, Ate Margauz?" "Hindi po, ma'am akala ko kasi nandito na siya." "Baka tulog pa." sambit ko na lamang. Tapos na akong magluto kaya naman inihain ko na ito. Nagsandok na sa plato at inayos ito sa lamesa. Baka lumamig ang gatas ni Hailey, pupuntahan ko na muna s