Jhonalyn's POV
Habang naglalakad ako patungong altar panay rin ang pagtulo ng aking mga luha.
Gusto kong tumakbo, umalis at magtago na lang ngunit hindi ko magawa. Lalo na ngayong tinatakot ni Don Miguel ang Papa ko.
Kapag hindi natuloy ang kasal ipapakulong daw nito si Papa. Gagawa daw sila ng paraan para lang makulong ito.
Dahil sa takot ko na mangyari 'yon ito ako naglalakad sa loob ng simbahan para pakasalan ang lalaking hindi ko naman mahal.
"Umalis ka na! Wala dito si Jhonalyn!" sigaw ng step-mother ko. Rinig na rinig ko habang nasa loob ako ng aking silid. Bumangon ako para tingnan kung sino ang kaaway ni Mama sa labas. Unti-unti kong sinilip ito sa bintana.
Ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata nang makitang si Hendrick ang kaharap ni Mama.
"Hendrick?" sambit ko. Nandito siya.
"Gusto ko lang makausap si Jhonalyn." narinig kong pakiusap niya sa aking step-mother.
Pinameywangan lamang siya ni Mama. "Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na wala dito si Jhonalyn! Hindi mo ba alam? Ikakasal na si Jhonalyn!"
Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi ni Mama. Tinakpan ko na lamang ang akong bibig.
"Ano?" rinig kong tanong ni Hendrick.
"Walang mapapala sa 'yo ang anak ko kaya tigilan mo na siya! Ikakasal na siya sa lalaking kaya siyang buhayin! Hindi katulad mo na walang mararating!"
"Hendrick..." gusto kong isigaw ang pangalan niya ngunit tila pabulong lamang ang lumabas sa aking bibig.
Naisip kong lumabas na lamang para kausapin siya ngunit nagulat na lamang ako ng biglang may humarang sa pintuan.
"Saan ka pupunta?"
Napatingala na lamang ako at hindi ko inaasahang makikita ko ang anak ni Mama Marimar, si Kanny. Nandito siya, kailan pa siya dumating?
"K-kailan ka pa dumating?" tanong ko dito.
Si Kanny, siya dapat yung ikakasal kay Don Miguel ngunit hindi ito pumayag kaya umalis ng araw na pumunta sa bahay si Don Miguel. Ako lamang ang nakita ni Don Miguel kaya ako ang tinuro nito na pakasalan.
"Hindi na mahalaga kung kailan. Nandito lang naman ako para saksihan ang kasal ng magaling kong kapatid."
"Hindi kita kapatid. Magkaiba tayo ng magulang." matuwid na sagot ko sa kaniya.
"Yeah, kaya nga magkaiba tayo ng landas. Ikaw ikakasal sa matandang mayaman habang ako, ikakasal sa lalaking mahal ko." tila ba pagmamayabang pa niya.
Nainis lang ako sa sinabi niya. Gusto ko siyang sampalin ngunit hindi ko nagawa. Kapag ginawa ko 'yon, hindi lang siya ang sasampal sa akin kundi maging ang step mother ko na ina niya.
"Ikaw dapat yung ikakasal kay Don Miguel ngunit umalis ka!"
"So? nandiyan ka naman bakit ako magtitiyagang pakisamahan ang matandang 'yon? Ikaw lang naman nababagay doon."
"Wala akong panahon para makipag-usap sa 'yo ng matagal. Gusto kong makausap ang boyfriend ko." sinubukan kong daanan siya ngunit humarang lang ulit siya sa daraanan ko.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Umalis ka!" inis na banta ko sa kaniya.
"Anong gagawin mo? Sasampalin mo 'ko?" bigla siyang natawa. Tawang sarkastika. "As if naman magagawa mo 'yon. Kung ako sa 'yo manahimik ka na lang diyan sa loob ng silid mo at hayaan yung walang kwentang nobyo mo. Malapit na tayong yumaman, Jhonalyn. Isang araw na lang ikakasal ka na kaya huwag mo ng sirain 'to. Bumalik ka sa kwarto mo at hayaan mo yung walang kwentang lalaking 'yon! Kung hindi mo 'yan gagawin. Ako na mismo magsusumbong kay Don Miguel para maikulong ang tatay mo."
"Napakawalang hiya mo. . ." halos maiyak ako dahil sa sinabi niya. "Pinatira kayo ni Papa dito sa bahay pero iyan lang ang igaganti mo?"
Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ng bahay.
"Dapat ba magpasalamat ako? Sa ganitong klaseng bahay?" natawa na naman ito. "Hindi ito ang gusto kong bahay Jhonalyn. Parang kulungan ng aso? Sa tingin mo ba natutuwa akong pinatulan ng Mama ko ang Papa mo? Sa totoo lang, gustong-gusto ko ng umalis kami ni Mama dito."
Isang malakas na sampal ang pinakawalan ko sa pisngi ni Kanny. Hindi na ako nakapagtimpi pa. Pinatira na nga sila dito nagawa pa laitin ang bahay namin.
"Jhonalyn!"
Napalingon kaagad ako sa kinaroroonan ng boses ng step-mother ko. Nanlaki na lamang ang mga mata ko ng makitang nagmamadali itong humakbang palapit sa akin.
"M-Mama..." sambit ko. Nang makalapit ito ay kaagad niyang sinabunutan ang buhok ko. "Walang hiya ka! Bakit mo sinampal ang kapatid mo?"
"Mama, tama na po!"
Pinakawalan niya nga ang buhok ko ngunit sinampal naman niya ng ilang beses ang mukha ko.
"Wala kang karapatan na sampalin ang anak ko!" sigaw nito sa aking pagmumukha. Tiningnan ko si Kanny ganoon na lamang ang laki ng mga ngiti nito habang pinapanuod akong sinasaktan ng Mama niya.
Ikinulong nila ako sa silid ko. Sinubukan kong buksan ang pinto ngunit hindi ko talaga ito mabuksan.
Pinagmasdan ko na lamang ang aking mukha sa salamin. Dahil sa ilang beses na pagsampal ni Mama sakin halos maging tattoo na ang bakat ng kaniyang palad sa aking mukha.
Tumulo na lamang ang aking mga luha habang hinahaplos ang aking mukha.
-----+
"Jhonalyn Lopez, do you take Juan Miguel as your husband?"
Napakurap-kurap ako nang marinig ang tanong ng Pari.
Tiningnan ko si Don Miguel, hindi ko yata talaga kayang makasama ito ng matagal. Sa totoo lang, may hitsura siya kahit na may edad na ngunit kahit na ganoon hindi ko talaga yata matututunan na mahalin ito.
"Ms. Lopez?" untag ulit ng Pari sa akin.
"P-Padre..."
Napatingin ako sa paligid. Una kong tiningnan si Papa. Marahan siyang nag-nod sa akin. Nahagip naman ng paningin ko ang aking step mother. Ang sama na ng tingin nito sa akin. Hindi nila kasama si Kanny. Nagtatago pa rin kasi ito. Ayaw niyang magpakita kay Don Miguel.
Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. Pero ang alam ko pinapanuod niya ngayon ang kasal ko.
"Jhonalyn." siniko naman ako ni Don Miguel. Dahil wala na talaga akong choice. Nandito na ako sa loob ng simbahan at kaharap na ang taong makakasama ko habang buhay. Pumatak ang luha ko bago ko sinambit ang katagang magpapakulong sa akin habang buhay.
"Y-yes, I do, Father." pumikit na lamang ako kaya sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha ko. After ng ilang minuto iminulat ko ang aking mga mata at sa pagmulat ko. Isang tao ang nahagip ng paningin ko.
Walang iba kundi si Hendrick.
"Hendrick." sambit ng isip ko. Siguro namalikmata lamang ako kaya muli kong ikinurap ang aking mga mata. Ngunit pagmulat ko ulit naroon pa rin nakatayo ang lalaking mahal ko.
Nasa bungad ito ng pintuan habang nakakuyom ang kaniyang mga kamao. Hindi ako namalikmata lang, si Hendrick nga talaga iyon at pinapanuod ang eksena dito sa altar. Alam kong labis siyang nasasaktan ngayon dahil kitang-kita ko sa kaniyang mga mata.
Gusto kong tumakbo palapit sa kaniya para sabihing napilitan lang ako ngunit napako na ang mga paa ko. Hindi ko na ito naihakbang pa.
Mas nadurog ang puso ko ng tumalikod na siya sa kinaroroonan ko. "Hendrick." nasambit ng bibig ko kaya naman kumunot ang noo ni Don Miguel ng mabaling ang paningin ko dito.
Ngunit hindi ko ito pinansin. Ang gusto ko, sundan si Hendrick ngunit nahawakan kaagad ni Don Miguel ang kamay ko.
"Umayos ka!" mariing bulong sa akin ni Don Miguel. Tsaka ko lamang ulit na-realized na nasa simbahan nga pala ako.
Muli kong sinulyapan ang pintuan ng simbahan. Ganoon na lamang ang pagkadismaya ko ng makitang wala na doon si Hendrick. Tuluyan na nga itong umalis.
"Hendrick..." muli ay sambit ko.
"May problema ba?" tanong ng Pari.
Mahigpit na hinawakan ni Don Miguel ang braso ko. "Huwag mo 'kong ipahiya dito. Umayos ka kung ayaw mong hindi lang sa kulungan ang bagsak ng Papa mo kundi ipapapatay ko pa ito."
Nahintakutan ako sa sinabi niya.
"Ituloy niyo na Pader." utos ni Don Miguel. Muling nagsalita ang Pari at sa pagkakataong ito ay inanunsyo nitong puwede na akong halikan ng asawa ko.
Ayaw kong magpahalik sa lalaking ito.
Si Hendrick lang ang gusto kong humalik sakin.
Unti-unting itinaas ni Don Miguel ang velo na nakatakip sa aking mukha.
Nang tuluyan niya it maitaas ay unti-unting lumapit ang kaniyang mukha. Parang gusto kong masuka dahil kahit kailan ayoko talaga sa kaniya kahit halik lang sa labi ayaw ko pa rin ibigay 'yon sa kaniya.
Nang subukan niya na akong halikan sa labi ay kaagad kong ibinaling ang aking paningin sa ibang direksyon kaya naman sa pisngi lang niya ako nahalikan.
Alam kong pakitang tao lamang ang mga ngiti ni Don Miguel.
"Humanda ka sakin mamaya." madiing bulong nito sa akin. Nagtaasan ang mga balahibo ko.
Pagkatapos ng kasal sa simbahan ay humarap naman kami sa mga bisita. Habang abalang nagsasalita si Don Miguel ay wala naman dito ang aking tuon. Ang isip at puso ko ay nasa lalaking mahal ko lang.
Pagkatapos nang kaniyang anunsyo ay nilapitan ko si Papa. Nag-iisa lamang ito sa isang tabi. Hindi ko alam kung nasaan ang step-mother ko. Siguro sa mga oras na ito nagsasaya na siya ngayon.
"Papa..."
"Anak."
Niyakap siya ng mahigpit.
"Pasensya ka na, Jhonalyn." bulong niya sa akin.
"Unti-unti ko na lang po tinatanggap ang sitwasyon na ito, Papa. Huwag kayo mag-alala sakin."
"Patawarin mo ko."
Muli akong niyakap ni Papa. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak. "Huwag na po kayong umiyak. Ayos lang po ako. Magiging maayos din ho ang lahat sakin."
"Ano ba ang dapat kong gawin, anak?"
"Ho? Wala kayong dapat na gawin Papa." pilit na ngiti ang iginawad ko sa kaniya.
"Nang dahil sa akin kaya napilitan ka pakasalan si Don Miguel."
"Huwag niyo na ho isipin 'yon, Papa."
"Kapag kailangan mo ang tulong ko anak nandito lang ako. Tutulungan kita."
"A-ano ho ibig niyo sabihin, Papa?"
"Wala." bigla na lamang ito natahimik.
"Excuse me."
Sabay kaming napalingon ni Papa nang marinig ang boses ng aking asawa.
"Puwede ko na bang hiramin ang asawa ko?" paalam nito kay Papa. Hinawakan kaagad nito ang braso ko.
"Oo, naman Don Miguel." sagot naman ni Papa. Kinakabahan ako sa klase ng paghawak ni Don Miguel sa akin.
Hinila niya na lang ako basta paalis sa venue. Pumasok kami sa loob ng isang silid dito sa hotel kung saan ginanap ang reception.
"D-Don Miguel, a-ano ho ang gagawin natin dito?" ang lakas ng kabog sa dibdib ko.
"Ano pa nga ba? Hindi ba't honeymoon natin? Puwede ba huwag mo na akong tawaging Don Miguel, asawa mo na ako ngayon." lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang braso ko.
"P-pero..."
"Natatakot ka ba? Huwag kang mag-alala, I'll be gentle for you."
Para bang nandiri ako nang marinig iyon mula sa bibig niya.
"P-puwede bang sa susunod na lang natin gagawin ito. H-hindi pa ho ako handa."
"Anong hindi handa? Asawa mo na ako ngayon kaya wala kang karapatan na tanggihan ako!" bigla na lamang niya akong kinabig palapit sa kaniya at hinalikan sa leeg.
"Ano ba?" pilit ko siyang itinulak palayo sa akin. Isang pangalan lang ang nasambit ko sa aking isip. Walang iba kundi si Hendrick.
"Ang arte mo!"
"Ayoko po. Please huwag po muna ngayon." pagmakaawa ko sa kaniya. Napaatras na lamang ako. Nahintakutan ako sa kaniyang mga tingin.
"Sa tingin mo ba palalampasin ko ang gabing ito. Sa akin ka na, Jhonalyn. Wala ng makakapigil pa sa gusto kong gawin dahil asawa na kita."
Napailing ako.
Nagulat na lamang ako nang mabilis niyang natawid ang pagitan namin at pinatalikod ako sa kaniya. Ibinaon niya ako sa kama. Pilit niyang itinataas ang suot kong wedding gown.
Panay ang hikbi ko dahil sa sapilitan nito sa akin.
"H-Huwag!"
"Sa akin ka na ngayon."
Patuloy ang aking pag-iyak.
"Tulungan niyo ko!" nagawa kong sumigaw kaya tinakpan niya ang bibig ko.
"Ang ingay mo!"
"Tu-long!" kahit pa tinakpan niya ang bibig ko gamit ang palad niya ay nakagawa pa rin ako ng paraan para makasigaw. Kinagat ko ang palad niya kaya kandaugaga naman siya sa sakit.
"Putang ina!"
Nakatakbo ako sa pintuan at kaagad na binuksan ito. Pagbukas ko ng pinto ay nabungaran ko si Papa.
"Papa?" ang kaba ko ay nabawasan nang makita ko si Papa.
"Jhonalyn?" takang-taka na sambit nito sa pangalan ko tsaka ito napatingin sa aking likuran. Naroon na si Don Miguel.
"Huwag kang mangialam dito, Hubert. Asawa ko na ngayon ang anak mo kaya labas ka na dito."
"Pero ayaw ng anak ko. Huwag mo pilitin kung ayaw pa niya ngayon."
"Wala kang pakialam." nanlaki na lamang ang aking mga mata ng bigla akong hilahin ni Don Miguel.
"Papa!" napasigaw na lang ako. Sa harapan mismo ni Papa ay sinampal ako ni Don Miguel. Halos mabingi ako sa lakas ng sampal niya sa akin. Tumulo na lamang ang aking mga luha.
"Walang hiya ka Don Miguel!" sigaw ni Papa. Sinugod niya si Don Miguel at pinakawalan ng suntok. Nabitawan naman ako ng matanda kaya napasubsob ako sa sahig.
"Anak, tumakbo ka na!" sigaw sa akin ni Papa. Nagawa ko pa ngang tumayo. Umiling na lamang ako. Hindi ko siya puwedeng iwan habang ganito ang eksena nilang dalawa ni Don Miguel.
"Anak, umalis ka na. Ito na lang ang magagawa ko. Hindi kita kayang makita na makasama ang walang hiyang taong ito. Anak mahal kita kaya tumakbo ka na! Umalis ka dito sa lugar na ito. Lumayo ka na!"
Umiling-iling ulit ako. "Ayoko, Papa."
Sinuntok ni Don Miguel si Papa. Nagpalitan silang dalawa ng suntok. Hanggang sa makakuha ng vase si Papa at ipinukpok iyon sa ulo ni Don Miguel. Ngayon nakahandusay na ito sa sahig at walang malay.
"Halika na!" sigaw ni Papa at kaagad na lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila palabas ng silid na kinaroroonan namin.
Hinihingal kaming pareho nang makarating kami sa roof top.
"Papa, ayos lang ba iyon si Don Miguel? Hindi niyo po ba napuruhan?"
"Sa tingin ko nawalan lang ng malay 'yon."
Niyakap ko naman ito ng mahigpit. "Salamat Papa."
Hindi siya sumagot. Hinihingal pa rin kasi ito kahit pa nag-elevator kami paakyat dito.
Isang oras na yata kami dito nang makarinig ng ingay patungo sa kinaroroonan namin.
Mula sa kinaroroonan namin ay natanaw namin ang iilang naka uniform ng police. Palapit na ang mga ito sa amin.
"Ikaw ba ang asawa ni Don Miguel?" nang makalapit ay iyon kaagad ang tinanong sa akin. Nag-umpisa akong kabahan. Napatingin ako kay Papa.
"O-opo, a-ako nga."
"Sumama ka sa amin. Ikaw ang kasama niya sa silid ng kinaroroonan niya nang mawalan siya ng buhay. Pinukpok ng vase ang ulo niya at sigurado akong alam mo kung sino ang pumatay sa kaniya. Isa pa, nawala ka sa kinaroroonan ng biktima."
Napatingin kaagad ako kay Papa. Hindi ako makapaniwalang namatay si Don Miguel dahil doon.
"Saan niyo dadalhin ang anak ko?"
Kaagad na tanong ni Papa sa mga ito ng hawakan nila ang kamay ko.
"Sa presinto."
"Papa..." kumabog ng husto ang aking dibdib. Nanginig ang aking labi.
"Nagkakamali kayo. Pakawalan niyo ang anak ko. Ako ang pumatay kay Don Miguel."
Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi ni Papa. Napailing ako at ang labi ko ay nag-umpisang manginig.
Maya maya lang ay dumating pa ang ibang kasamahan ng police.
"Napanuod na namin ang CCTV footage. Ang ama niya ang pumatay kay Don Miguel." turo ng police sa Papa ko. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko.
---------------
Third POV
Lahat ay naghahanda sa pag-uwi ni Hendrick sa mansion. Balita na sa mansion ang pagbabalik ng isa pang anak ng mga Dickson.
"Manang, pakiayos ng silid ni Hendrick." utos ni Athena sa isa nilang maid.
"Sige po, Madam."
Matagal na nawala si Hendrick sa mansion.
Pagkatapos nilang i-arrange marriage ito sa anak ni Dustin at Iris na si Danica ay bigla na lang tumakas si Hendrick at simula noon hindi na nila ito nakausap pa.
Ngayon lamang ito tumawag sa kanila at nagsabing uuwi na nga ito.
"Madam, nandito na ho si senyorito!" sigaw ng isang maid habang nakatingin sa malaking pintuan.
Napaawang ang labi ni Athena nang makita ang anak nitong ang laki ng pinagbago. Namumula ang mukha nito at ang suot nito ay tanging itim na tshirt at maong na pants lamang.
Maya maya lang ay napalitan nang malaking ngiti sa labi ang Donya. Kaagad nitong nilapitan ang anak.
"Welcome back, son!" niyakap niya ito. Wala itong response. Tahimik lamang ito na tila ba may malaking pinagdadaanan.
"I'm going to take a shower first." kumalas si Hendrick mula sa mga yakap ng donya. Pinagmasdan na lamang ito ng donya habang tinatahak nito ang makintab na hagdanan.
----------
Hendrick let the water from the shower pour over his body. He stood there for a few minutes before turning off the shower. He leaned his hand on the wall and closed his eyes several times. He also clenched his fist because of the anger he felt right now.
The scene he saw in the church flashed back in his mind over and over again.
Ang babaeng minahal niya ay ikinasal na sa ibang lalaki at hindi niya akalaing ipagpapalit siya nito sa lalaking maraming pera without knowing na mas mayaman siya sa ipinalit nito sa kaniya.
"I promise you'll regret this, Jhonalyn."