Nasasaktan na niyakap ni Magda ang anak. "Fine, fine, hindi ka namin ipapakasal. Dahil ikaw ang Althea namin na napakaganda, kaya syempre dapat lang na ikakasal ka sa pinaka-guwapong lalaki. At dahil ayaw mong magpakasal kay Lindon, hayaan mong ang kapatid mo ang magpakasal sa kanya!"
"Mom, hindi niyo naman siya anak kaya hindi ko siya kapatid, walang dugong Velasco ang nananalaytay sa mga ugat niya."
Naiinis na sabi ni Althea, pagkatapos ay binago ang kanyang tono. "Kung magpapakasal man ako, ang gusto kong pakasalan ay si Gabriel, siya ang tunay na miyembro ng pamilyang Hender. Siya lang ang may karapatan sa mana,” maarte nitong sabi. Kailangan ang tunay na tagapagmana lang ang kanyang pakasala upang maibigay nito ang mga luho niya.
Pagkapasok ni Samantha sa kanyang silid ay pabagsak niyang isinara ang pinto dahil sa bigat na nararamdaman. Nang maisara ang pinto, isinandal niya ang kanyang buong katawan sa pintuan at dahan-dahang dumausdos pababa, hanggang napaupo sa karpet. Niyakap niya ang mga tuhod habang dumadaloy ang luha sa pisngi. Halo-halong lungkot at sama ng loob ang kanyang nararamdaman. Hindi rin siya makapag-isip ng maayos. Namomoroblema na nga siya dahil hindi niya alam kung buhay o pata na ba si Anthony, tapos ngayon ang pinipilit pa siyang magpakasal sa anak ng mga Hender para kay Althea. That’s so unfair.
At kung hindi siya magpapakasal, ihihinto ng mga ito ang pagbigay ng sustento para sa medisina ng kanyang kapatid. Ang saklap.
At kung magpapakasal nama siya, paano si Anthony? Ang hirap. Bakit ito ginawa sa kanya ng Diyos? Bakit palagi na lang siyang pinapahirapan?
Maya-maya ay may kumatok sa pinto. "Samantha, alam kong nasa loob ka ng kuwarto, puwede ba kitang makausap?"
Nang marinig nag boses ng ina ay bigla na lang nanigas ang katawan ni Samantha, agad din na nanikip ang dibdib. Halos ilang minuto ang lumipas bago tamad na tumayo at binuksan ang pinto.
Matalim lang siya nitong tiningnan. Hindi alintana at wala man lang itong pakialam kahit hindi pa siya nakapagpalit ng damit. Hinayaan lang siya nitong lamigin. "Samantha, alam kong kinamumuhian mo ako. Per wala akong magagawa! Noong taong kupkupin kita at si Marco, nahirapan ako sobra kung alam mo lang. Pero sa kabila ng hira na iyon ay tenrato pa rin namin kayong dalawa na tunay na anak, ibinigay ang apelyido, pinapayagan kang mag-aral at gamutin ang sakit ng iyong kapatid. Hindi naman lingid sa kaalaman mo na wala ng lunas ang karamdaman ng kapatid mo. Kung hindi maipagpatuloy ang treatment niya sa magandang ospital, hindi na magtatagal ang buhay niya."
Nabalutan ng kalungkutan ang maganda at bilogang mga mata ni Samantha nang marinig ang sinabi ng ina.
"Iniisip ko pa lamang kung paano mapipilitang magpakasal ang anak ko para maisalba ang pangkabuhayan natin dahil sa pagkaka-utang sa Hender Family parang dinudurog na ang puso ko. Pero kung mawawala ang lahat ng mayroon tayo, paano tayo? Ano ang gagawin mo at ni Marco?"
Nang makita na si Samatha ang pag-acting ng ina ay hindi na siya umiimik. At ikinatuwa naman iyon ni Magda dahil pakiramdam niya ay nakuha niya sa avting si Samantha. Kaunting arte pa at alam niya bibigay na ito sa gusto niya. Tumalikod siya at nagsimulang humagulgol. "Malungkot ang buhay ko! Nagkaroon nga ako ng tatlong anak. Ang isa sa kanila ay ipinanganak na hangal, habang ang isa ay ipinanganak na hindi marunong umintindi! At nais akong patayin sa sama ng loob! Kawawa ang aking si Althea ay napakabata pa, magiging anak siyang walang ina. Gusto ko na mamatay ngayon din! Ano pa ang silbi kung mabubuhay pa ako.”
Sa tuwing magiging ganito ang kanyang ina, makakompromiso talaga si Samantha.
Pero bago iyon ay kailangan niyang iparamdam rito ang kanyang sama ng loob. "Mom, naging matapat sa iyo si Anthony mula pa noong bata pa siya, ibinigay din niya ang lahat dahil sa sobra-sobrang respeto niya sa inyo. Ni hindi man lang ninyo ako tinanong kung kumusta na ba siya.” Pagkasabi niyon ay agad na namula ang mga mata ni Samantha at halos maiyak na naman siya.
"Bakit pa ako mag-aaksaya ng oras para itanong? Hindi ba patay na siya? Patay na iyon, bakit mo pa iisipin ang isang patay na?" Sumabog na si Magda sa inis dahil pinahihirapan lang siya ni Samantha na makumbinsi ito. "Alam mo? Kahit anong gawin mo, hindi mo na maibabalik ang buhay ng nobyo mo. At anong akala mo? Gusto ka talaga ng mga magulang niya? Ni hindi nga nila ipinaalam sa iyo agad ang tungkol sa nangyari sa nobyo mo. Tapos aasa ka?”
Pilit na ipinikit na lang ni Samantha ang mga mata hanggang sa isa-isa nang naglandas sa kanyang pisngi ang butil-butil niyang mga luha. Hindi kiya akalain na sa kabilang ng lungkot na nadama ay ganito pa ang maririnig niya sa ina. Sabagay, hindi naman talaga niya ina dahil ampon lang sila. Kahit anong intindi at malasakit niya sa ina ay wala lang ito sa kanya.
"Isa pa, hindi ba nahanapan pa kita ng mas maayos na tahanan ngayon? Samantha, mas makabubuti sa iyo kung maging parte ka ng Hender Family. Ikumpara mo kung anong uri ang pamilyang Hender, at ang pamilya ni Anthony? Samantha, binabalaan kita, kung hindi ka papayag na pakasalan si Lindon, agad kong ipapatigil ang pagpapagamot kay Marco!" Naubos na ang pasensya ni Magda kay Samantha kaya binantaan na niya ito. Pagkatapos ay agad na tumayo at lumabas ng kuwarto. Hindi man lang siya sumulyap kay Samantha bago siya lumabas ng silid.
Mtapos marinig ang sinabi ng ina, na-realize niya na hindi talaga siya minahal nito dahil kaydali lang sabihin sa kanya ang mga bagay na iyon. Dahil ba sa hindi naman siya tunay na anak? Napapikit siyang muli nang marinig ang kalabog ng pinto, hindi na rin napigilan ni Samantha ang kanyang emosyon, niyakap niya ang kanyang mga tuhod at nagsimulang humagulhol.
Habang humahagulhol ay may isang pigura ang lumapit na tila nahihiyang tumayo sa harap ni Samantha. Walang imik itong nagsalita. "Samantha, basa ang damit mo."
Nang marinig ni Samantha ang boses ng kapatid, dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang ulo. Agad siyang tumayo at mabilis na iniyakap ang sarili kay Marco, agad na inilabas ang lahat ng kanyang hinaing at sama ng loob sa pamamagitan ng pagluha.
Lalo pa siyang naiyak dahil wala man lang nakapansin sa basa niyang mga damit kanina pa. Tanging ang kanyang kapatid na lalaki na mayroong autism disease ang nakapansin nito.
"Marco?" Mahigpit na niyakap ni Samantha ang baywang ni Marco, at humagulgol nang walang tunog.
"Huwag kang umiyak. Tahan na Samantha, huwag ka ng umiyak,” wika nitong ninigas ang katawan ngunit pilit pa rin nitong hinimas ang tuktok ng ulo ni Samantha.
Pagkatapos mailabas ang sama ng loob, Samantha coaxed Marco to sleep as he sat in a daze. Since she could remember, taking care of her brother had become her responsibility.
She didn't know when, but his brother had been discovered with autism, and would never communicate with anyone ever again.
Maliban kay Samantha, wala ng ibang makalapit sa kanya, wala ng iba pa ang gustong lumapit sa kanya.
Inabot ni Samantha at marahang hinimas ang mukha ng kanyang kapatid. At habang pinagmamasdan ito, agad naging malambot ang kanyang puso. Guwapo ang kapatid niya kaya lang ay mag kapansanan ito. Kung maayos ito, siguro may maganda trabaho na siguro ang kapatid niya. In terms of looks, he was the only existence that could be said to be on par with Gabriel. Gayunpaman, silang dalawa ay nasa magkakaibang sitwasyon. Ang kanyang kapatid ay naka-lock lamang sa kanyang silid at nalugmok ang sarili sa kalungkutan. But Gabriel, on the other hand, was the ruler of the financial world.
When she thought about Gabriel, Samantha felt that her mood was terrible. Ang yabang kasi ng lalaking iyon. Masyadong arogante.
Naisip niya na kung maipagpatuloy lang ang gamutan sa kapatid at mas mag-i-improve ang kalagayan nito. Ang sabi pa nga ng doktor na kung magpapatuloy ang pagpapagamot sa kapatid maari itong makapagsalita katulad ng isang normal na tao. Perp sa sitwasyon niya ngayon, paano na niya mapapagamot ang kapatid kung wala na siyang pera?
Lahat kasi ng perang kinita niya ay kinuha ng kanyang ina, ang sabi nito ang perang kinukuha sa kanya ay para sa panggansto at pambili ng mga kailangan ni Marco tulad ng pagkain para mas lalong lumakas ang katawan ng kanyang kapatid kaya wala ng natirang pera sa kanya. Saan niya kukuha ng panggastos sa kapatid? Dagdag pa sa problema niya ang isang milyong utang niya sa mayabang na Gabriel na iyon. Paano na siya? Paano na sila ni Marco? At kung hindi niya maipagamot ang kapatid…
Samantha did not dare to think further.
No! Absolutely not!