"Ano na ang desisyon mo?" tanong ng nakatatandang kapatid ni Gabriel sa kanya. Binisita siya ng kapatid sa opisina niya. "Ayoko makipagpalit sa posisyon mo,” tugon ni Gabriel. "Ibinaba ko na ang karapatan ko sa mana." "Ayoko maikasal sa anak ng mga Velasco, hindi ko ipagpapalit ang kalayaan ko para lang sa kasunduan ng pamilya. Kahit na may magandang samahan sa pagitan ng pamilya natin at ng Velasco. Hindi pa rin ako papayag sa gustong mangyari ng magulang natin. At isa pa napakabata pa ng anak nila para ikasal sa akin." Si Lindon ay ampon na anak lamang ng pamilyang Hender. Gayunpaman, tunay na kapatid pa rin ang turing ni Gabriel rito. At ito ang dapat na nakatakdang magpakasal sa anak ng mga Velasco, ngunit dahil sa may mahal itong ibang babae ay napagdesisyonan niyang ibaba ang kar