"Miss Velasco, pinapatawag ka ni CEO Gabriel," tawag ni Frederick kay Sam habang abala ito sa laptop nito. Kaagad namang napalingon si Sam rito. "Sige susunod na ako," aniya saka niligpit ang mga gamit niya. Habang nagliligpit ng gamit ay napaisip si Samantha kung bakit siya pinapatawag ni Gabriel. May lakad ba ito kaya kailangan niyang ayusan? "This way, Miss Velasco," turo sa kanya ni Fred. Sinunod naman ito ni Samantha, huminga muna siya ng malalim bago kumatok sa pinto. "Come in," boses ni Gabriel ang nagsalita. Dahan-dahan namang pinihit ni Sam ang siradura upang buksan ang pintuan. "May pupuntahan ka ba ngayon?" tanong niya. "Nope. Sit down," anito. Umupo naman si Samantha. "Anyway, may hihingiin akong pabor sa iyo." "Ano iyon?" seryoso ang ekspresyon ng mukha na tanong ni