“Magbibihis lang ako,” paalam ni Sam. Tumango lang si Gabriel saka pumasok sa kuwarto upang magbihis din. Habang kumukuha ng pamalit na damit ay napapangiti naman si Sam. Hindi pa rin kasi maalis sa isipan niya ang mga sinabi ni Gabriel kanina. Parang naririnig pa rin niya ang boses nito habang sinasabi ang mga katagang nagpalambot ng puso niya. Mga katagang kay lamig sa taingang pakinggan. Mga katagang tila umaalingaw-ngaw pa rin sa kanyang isipan. Kay sarap talagang ma-in love. Para kang nakasakay sa roller coaster. “Sam, sabi mo magbibihis ka lang. Ilang minuto ka na riyan,” tawag ni Gabriel. “Magbabanyo ka ba?” tanong Sam. “Hindi, pero sabi mo kailangan natin matulog ng maaga, ‘di ba?” “Mauna ka ng matulog may gagawin pa ako.” “No! I’ll wait for you. Kung hindi ka lalabas diyan