Nanatiling walang kibo si Sam. Hindi pa rin kasi niya alam kung ano ang isasagot sa lahat ng mga sinabi ni Gabriel. Sam, huwag ka nang pakipot pa. Si Gabriel Hender iyan at hindi basta-bastang lalaki! bulong ng isang bahagi ng isip niya. Naku, huwag kang padadala sa mga mabulaklaking salita niya at baka masaktan ka lang. tutol naman ang isang bahagi ng isip niya kaya gulong-gulo na siya. Gusto niyang subukan pero takot siya. “Sam? Gusto mo rin ba ako?” tanong ni Gabriel. Napalunok naman nmg laway si Sam saka huminga ng malalim. “Puwede bang bigyan mo pa ako ng sapat na panahon na kilalanin ka pa? Yes, you like me but my question is, until when? Kahit pa sinabi mo na marami kang nagustuhan sa akin pero hindi mo pa naman ako lubos na kilala. Mas makikilala mo lang kasi ang isang tao kapag